⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Mabuti na lamang at napigilan ni Lia ang apat na ihatid siya sa bahay nila dahil natatakot siya na baka bigla makita ng lolo ng dalaga ang mga kaibigan niya. Baka mag balak pa ito ng masama tungo sa kaibigan niya. 

Ang buong akala ni Lia ay may sasalubong na naman sakaniya na sampal ngunit malamig na hangin lamang ang bumungad sakaniya. 

Kunot-noo naman naglakad ang dalaga papunta sa lamesa sa may gitna ng sala nila ng may nakitang nakadikit doon na note. 

Pero bago pa iyon mabasa ni Lia ay bigla na lamang may tumawag sakaniya. Agad niya naman sinagot iyon ng makitang ang ina niya ang tumawag sakaniya. 

"Lillia, wala na ang lolo mo d'yan para magbantay sa'yo dahil may emergency sa mansion. HIndi rin kami agad makaka-uwi dahil may mahalaga kaming ginagawa ng tito Hudson mo. Kaya inasahan ko na aayos na ang grades mo." 

Hindi na si Lia agad nakapagsalita dahil binabaan na siya kaagad ng nanay niya. Malakas siyang bumuntong hininga at mapait na ngumiti. Dapat masanay na ang dalaga simula ngayon na wala siyang nanay na nag-aalala para sakaniya. 

Binasa ni Lia ang note na iniwan sakaniya. 

Dear my apo, 

Wag kang mag-alala na mag-isa d'yan sa bahay niyo dahil babalik rin naman ako kaagad. Wag kang malungkot at maging masaya ka lang dahil pag balik ko, sisiguraduhin ko na pupunan ko lahat ng pagkukulang ko noong wala ako sa tabi mo. See you soon, apo! 

Nagmamahal, lolo

Agad nilamukos ni Lia ang papel na nabasa niya. Tumayo na siya at dumiretsyo sa basurahan at pinunit-punit iyon. Ng matapos ay agad na siyang dumiretsyo sa kusina upang kumain ng hapunan.

Simula noong dumating ang lolo niya ay hindi na siya nakakain ng maayos sa loob ng sarili niyang bahay. Kaya masaya si Lia ngayon dahil sa wakas, malaya na siyang makakilos.

Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan pero sa ngayon, i enjoy niya na muna. 

Pagkatapos kumain ni Lia ay niligpit niya na rin iyon at naglinis sa buong sala at kusina. Ni lock na ng dalaga ang pintuan ng bahay nila. Ng matapos na ang dapat niyang gawin ay agad niya ng pinatay ang ilaw at dumiretsyo na sia kwarto at ni lock iyon at naligo na dahil hindi siya nagpalit ng pambahay kaninang pag-uwi niya. 

Ng matapos maligo ay agad ng binuksan ni Lia ang laptop niya at ginawa na muna ang mga assignment na hindi niya nagawa. Kailangan niya na iyon ipasa dahil due date na. 

Narinig ng dalaga na tumunog ang phone niya kaya agad niya iyon kinuha at binuksan. 

Olie: Busy ka?

Natalie: I'm just doing activities that I should pass tomorrow, why?

Olie: Can we video call? Promise, hindi ako mangugulo!

Mahinang natawa si Lia dahil bigla na lamang niya na imagine ang mukha ngayon ni Lie habang sinasabi iyon. 

Natalie: Okay

Tumawag na si Lie kaya agad naman sinagot iyon ng dalaga. Mabilis inayos ni Lia ang sarili ng bigla na lamang mag loading ang screen niya. 

"Hi Natalie!" masayang sigaw ng binata sa kabilang linya habang kumakaway pa kaya hindi na maiwasang matawa ni Lia ng mahina. 

Pero sinigurado ng dalaga hindi iyon maririnig ni Lie. Dahil sa totoo lang ay hindi siya sanay na may mga taong nakakarinig ng tawa niya. Nahihiya pa si Lia. 

"Are you now comfortable calling me by my second name?" 

Tumango si Lie. "Ang cute 'nga eh. Ako lang ba 'yung tumatawag sa'yong Natalie?" 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora