"What do you want me to do then? What Papá? Huh, Mamá? Clap? Throw a party that finally you know the truth. That I am not a Lavelle. That you see your true d-daughter? Hindi ko matatanggap 'to." My voice cracked.

Naisip kong mas sumaya sila nang malaman na hindi nila ako anak, na baka maayos ang wala ng buhay nilang pagsasama dahil dito.

Dismasyadong umiling si Papá.

"Wala kang magagawa, Ebony. Tanggapin mo man o hindi, ito ang totoo. Adilyn is our real and only child. Si Adilyn ang totoo namin tagapagmana at ikaw . . ." Mariin siyang pumikit, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. "Hindi namin alam, k-kung kanino, kung saan ka nakuha ni Gabriela."

"G-Gabriela?"

Is she my real Mom? The maid?

Nasaan na siya kung gano'n?

Hindi ko alam paano ko pa nakakayang pakinggan ang sinasabi nila, muli kong naramdaman ang kamay ni Mersita sa likuran ko at hindi ko na siya pinalayo dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako.

"Si Gabriela ang dati namin kasambahay na ina ni Gavril, ang kinilalang ina ni Adilyn."

Nilapitan ni Papá si Mamá upang patahanin sa pag-iyak, hindi ko sila magawang tingnan dahil parang kumpletong pamilya na sila at ako na lang ang hadlang doon.

Naikuyom ko ang kamay ko, naramdaman ko roon ang singsing na binigay ni Gavril sa akin.

I was trying to remember what he was saying even though my head was already exploding with so much information.

"H-Huwag kayong magalit kay Kuya Gav, please," naiiyak na singit ni Adilyn.

Mamá caressed her arms immediately. "It's okay, baby. We're not mad at your Kuya Gavril. Hmm. Wala na akong pakielam kung ano man dahilan ni Gabriela kung bakit niya ito nagawa sa aming pamilya, ang mahalaga ay nandito ka na. Hindi kami galit kay Gavril, mas nagpapasalamat pa kami kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ka mababalik, kung hindi ka niya nahanap sa Pampanga muli ay hindi namin malalaman ang lahat," Mamá said softly while sobbing.

Pagak akong natawa, dahil kahit minsan, ni minsan, kahit isang beses hindi ako nakarinig ng gano'n galing sa kanila.

It's okay? Laging hindi okay ang ginagawa ko para sa kanila.

Is she the emergency in Pampanga?

Mas lalo akong nanghina, unti-unti akong lumingon kay Gavril na deretsyo pa rin ang tayo sa gilid. When our gazes met, my tears betrayed me. Finally, I finally grasped what was going on. Adilyn is the emergency. I grinned bitterly.

His expression is serious. He planned this. He manipulated me in the past few days. He used my emotions.

"I-Ilang buwan din nawala si Adilyn, pagkatapos ng malupit na trahedyang nangyari sa kanila." Si Mamá iyon, bahagya na siyang kumalma habang inaalo ang babaeng papalit sa akin.

Hilam ang aking matang nakatitig sa kanila.

Bakit parang kasalanan ko lahat? Bakit parang sa tono nila ay sinisisi nila ako? Bakit ako?

"Namatay ang aming ama... ang kinikilala kong a-ama, pinahirapan nila si Kuya Gavril, t-tapos hanggang ngayon ay nawawala si Mama," iyak ni Adilyn.

Napayuko na lang ako nang lapitan siya ni Gavril nang makita ang pag-iyak niya, dinanan niya ako bago mahigpit niyang niyakap ang kinilalang kapatid.

Lahat sila ay inaalo siya, habang ako, parang wala man nakaalala sa nararamdaman ko.

Naiintindihan ko ang sinabi niya.

Conrad Series 1: The ServantWhere stories live. Discover now