I trusted her. She's my Manang.

Even though I didn't tell her that, even though I'm not good at words, she knows how much I treasure her.

Nakita kong mapuno ng luha ang mata ni Mamá, mas lalo akong nadurog nang yakapin siya ni Adilyn habang hinihimas ang likuran niya, bagay na hindi ko nagagawa noon.

"S-Siya ang nagpalit ng anak ko... Ebony hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa. B-Bakit niya nakayanan sirain ang buhay namin, nasayang lang sa wala." Nag-ulap na sa luha ang aking mata dahil sa binitawan salita ni Mamá, umiiyak na siya habang yakap siya ng sinasabi nilang tunay na anak nila.

Sinira? Nasayang? Ang pagpunta ko sa pamilya nila ay isang kasiraan, ako ang sumira sa dapat masaya nilang pamilya, gano'n ba?

Hindi ako nakapagsalita.

Sobrang sakit ng dibdib ko, sobrang gulo ng isip ko, ni hindi ako makasagot sa kanila.

Bakit ngayon lang? Kung totoo nga, kung totoong siya ang tunay na Lavelle, kung pinagpalit kami noong mga bata pa kami, bakit ngayon pa kung kailan tanggap ko na ang kapalaran ko sa pamilyang ito? Bakit hindi nila nalaman noon gayong may sapat na pera ang pamilya?

I gnashed my teeth.

Sino ako kung gano'n?

Papá sighed, but his serious and strict face was still visible.

"Hindi namin nalaman kaagad dahil pribado rin naman ng nanganak siya, dito lang din sa mansyon kaya hindi namin naisip na maipapalit ang bata o ano man. Walang pumasok na gano'n ideya sa amin." Tumalim ang kaniyang tingin habang nakakuyom ang mga kamao para bang naalala iyon, kita ko ang katandaan at pagod sa kaniyang mukha.

Ito ba ang dahilan kung bakit hinayaan lang nila akong sumama sa Pampanga? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi na nila sinasagot ang mga tawag at emails ko?

"We didn't have any doubts or suspicions because only a few people were aware of the pregnancy. The Lavelle family is very private," dagdag ni Papá, tumingin siya sa akin, awa lang ang nakita ko roon.

Awa? I don't need that.

"Kaya pala gano'n . . ." putol na sabi ni Mamá, kinagat niya ang ibabang labi.

Suminghap ako sa putol na sabi ni Mamá.

How could they say that in front of me? Bakit parang ang dali para sa kanilang palitan ako ng gano'n lang? Para bang gamit na kapag wala ng pakinabang ay itatapon na lang kahit matagal din naman nilang ginamit at pinakinabangan.

"K-Kaya pala ano, Mamá? Kaya pala malayo ang loob niyo sa akin dalawa ni Papá? Na hindi niyo maramdaman na anak niyo ako? Na kahit sainyo ako lumaki ay hindi niyo ramdam. Oo nga pala, hindi naman kayo ang nagpalaki sa akin kung hindi ang mga k-katulong, hindi kayo nag-abalang alagaan ako," mapait kong sabi.

Hindi ko alam paano ko nagawang sabihin iyon sa kabila ng paninikip ng dibdib ko.

Kahit kailan ay hindi ako naglabas ng sama ng loob tungkol sa bagay na ito, sa buong buhay ko ay sinubukan kong maging mabuti at nararapat sa kanila bilang anak.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang Mamá mo, Ebony!" madiin sabi ni Papá.

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang aking mukha sa pagpipigil ng luha.

Bakit Ebony na lang? Nasaan ang Mi prinsesa? Ang aking unica ija? Ang aking nag-iisang tagapagmana? Nasaan na 'yon?

Ebony... hindi ako Lavelle ibig sabihin ay hindi rin para sa akin ang pangalan na ito.

Hindi ako Lavelle, hindi rin ako inampon, hindi rin nila ginustong mapunta ako sa kanila at mas lalong hindi nila ginustong maging anak ako.

Noon nasasaktan akong isipin na ginawa lang nila ako para may masabing kumpletong pamilya pero mas masakit pa lang malaman na ni hindi nila ako plinano, hindi ako kasama sa planong pamilya nila.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon