Tala 43

7 0 0
                                    

December 13, 2021

Gusto

naaalala ang unang araw
kung saan una kang nakilala
umabot hanggang sumikat ang araw
marahil sa haba nang ating napag-usapan

unang gabing pagtatagpo
ika'y naglahad ng pagkagusto
hindi nga naman ako sigurado kung totoo
pero dahil ikaw ay pursigido, ako'y napa-'oo'

ikaw man ang unang nagkagusto
bakit tila ako ang nahulog nang husto?
ikaw man ang unang nagkagusto
bakit tila ako ang naghahabol sa'yo?

ikaw man ang unang nagkagusto
ngunit ikaw rin ang unang umalis sa tabi ko
at ako, ngayon ay patuloy pa ring naghahangad na sana makawala na sa nakaraan.

&.&.
EymSia

Tala LathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon