Tala 19

17 0 0
                                    

May 20, 2021

***

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

nagkita sa hindi inaasahang pangyayari,
nagkapalagayan ng loob sa isa't isa
nagbibigayan ng mga ngiti,
at naging magkasalo sa masasayang alaala;

ngunit tulad ng laging nangyayari-
kahit sa pelikula'y nakita,
hindi makapaniwala
mayroon pala talagang kontrabida at bida,

maaari ka namang maging bida
ngunit mas pinili ang aking maging isang karibal---
karibal sa bagay na aking hindi naisip na mangyayari,

at iyon ay ang iyong pagtataksil---
pagtalikod sa akin,
pagba-balatkayo,
at pagsalita sa aking likuran;

ilan sa mga makapangahas mong ginawa,
masakit dahil ikaw ay mahalaga
ngunit hindi mo pala ramdam
dahil mas naghangad ka nang sobra.

:::

Isang kaibigan na siyang mahalaga sa akin, ngunit hindi pala ganoon ang kaniyang tingin sa akin.

Kung sana'y nakuntento sa kung anong mayroon ka,
Hindi na sana makagagawa ng hakbang na masama;
Hindi na sana nakasakit ng kapwa.

Kaibigan, ito na ang ating wakas
Mayroon pa mang bukas
Ngunit ang ating pagkakaibigan ay tapos na.

&.&.
EymSia || taksil

Tala LathalaWhere stories live. Discover now