Tala 05

59 2 0
                                    

January 13, 2021

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

tuwing gabi ay sasapit,
hinihintay ang paglitaw ng buwan sa kalangitan at ang mga bituing nakapaligid ay pinagmamasdan.
ito ba'y iyong nagawa na?
kay sarap sa pakiramdam
at ang simoy ng hangin ay nadarama at habang titig sa kalangitan,
ika'y napapaisip kung pareho ba kayong naaalala ang isa't isa,
at hinahanap ang bawat presensya
ang sarap siguro lalo na kung malalaman kong ikaw din ay ganon --- ako ang naiisip tuwing sa buwan ay nakatitig

buwan na kay liwanag
bituing nagniningning,
kalangitang makulimlim
tahimik na paligid—

malumanay na nakatanaw
at nagiisip-isip na baka ikaw ay dumalaw—
kahit man lang sa panaginip dahil ikaw ay akin nang nami-miss,
heto na ba ang wakas?
hindi man lang nagkaroon nang magandang pagtatapos...

&.&.
EymSia || mga kislap sa mata

Tala LathalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon