"So you're saying that I'll treat you?"

"Oo nga, kulit mong banyaga ka." Inis na sabi ko sa kaniya. Mas lalo pang lumawak ang inis ko sa kaniya nang makitang nakatingin pala sa amin ang mga hudlong, hindi pa pala sila umuwi, at ang nakakabwisit pa ay nakikinig sila sa usapan namin ni Rhysth.

"Fine. Let's go!" Masayang aniya pa. Baliw talaga.

Bago pa namin malampasan si Maurence ay nagsalita na siya.

"Sa amin ayaw mong sumama pero sa kaniya sumasama ka. Kilala mo na ba talaga 'yan?" Seryosong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Buti nga siya harmless e. Kahit hindi ko pa kilala, e kayo? Kaibigan ko kayo pero kayo mismo ang sumira sa tiwala ko." Sagot ko sa kaniya. Wala na akong pakialam pa kung nabigla siya sa mga sinabi ko. Totoo naman.

Umuwi muna ako ng bahay. Nadatnan ko pa roon si Kio, nakaupo sa may hagdan at nagbabasa ng libro. Sus, nandito na naman siya para pilitin akong umuwi sa mansion ng mga magulang ni Mommy. Kahit na mamuti pa ang mga mata niya, hindi ako aalis ng bahay namin. Hindi niya ako mapipilit.

"Aalis ka?" Tanong niya nang makitang nakabihis ako.

"Halata ba?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Tumalim ang tingin niya sa akin kaya napanguso na lang ako. "Aalis kami nina Rhysth. Kasama si Mattheo, Axl." Sagot ko sa kaniya. "Ilock mo na lang 'tong bahay kapag aalis ka na. May susi naman akong dala."

"Lalake lahat ng kasama mo, Heira." Huminga siya ng malalim. "Sasama ako. I want to make sure that those bastards will not hurt you." Tumayo siya at pinagpagan ang kaniyang pang-upo.

"Grabe ka naman sa bastards, kaibisn mo pa rin sila." Napahawak pa ako sa dibdib ko. "Ililibre lang nila ako, ikaw ang gagastos para sa sarili mo." Tinalikuran ko siya at lumabas na.

Sumunod naman siya sa akin, nilock niya ang front door ng bahay bago kami sabay lumabas ng gate. Naghihintay sa amin yung kotse ni Nicholai. Gulat pa siya nang makitang kasama ko si Kio. Anong nakakagulat doon e kapatid ko siya?

Nagfist-bump pa 'yung dalawa sa kaniya. Hindi naman sila close ni Nicholai kaya naman tinanguan lang niya ito. Pumasok kami sa loob ng kotse, ako ang nasa tabi ng driver, nasa likod naman ang tatlo. No choice sila, magsisiksikan sila roon.

Hindi makapagbangayan 'yung dalawa dahil nasa gitna nila ang kapatid ko. Ayaw pa naman ni Kio ang maingay, kaya ayan, buong byahe kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa mall.

Pumasyal lang naman kami. Kumain ng dinner sa isang fast-food chain, muntikan pa nga kaming palayasin sa kinainan namin dahil ilang beses na nanghingi ng extra-rice ang mga kasama ko. Ang mga gago, hindi pala kumain ng lunch. Ayan, napagod yata 'yung mga staffs na nagbibigay ng extra-rice, 'yung mismong bucket na ang binigay sa amin.

Gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya naman ay maglaho na parang bula dahil ako ang nahihiya sa ginawa nila. Tinatago ko na lang ang mukha ko sa tuwing may tumitingin. Tama bang pagsama-samahin 'tong apat na 'to? Para kaming nasa meteor garden ah, F4 gano'n.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta lang kami roon sa may world of fun. Nag-aagawan pa kung sino ang unang maglalaro sa basketball, kung sino ang makakaunang makakakuha sa may claw machine, at kung sino ang makakapag-ipon ng maraming ticket.

"Oh," inabot sa akin ni Kio ang isang basket ng tickets. Nanlaki ang mata ko sa dami no'n. Paanong nakakuha siya ng ganoon karami? ako nga limang piraso lang ang hawak ko tapos iniisip ko pa kung ano ang ibibigay sa akin gamit ang mga 'to.

"Luh, anong gagawin ko r'yan?" Tanong ko sa kaniya. Kinuha ko iyon, hindi talaga ako makapaniwala. "Magkano ang ginastos mo rito? Ang dami ah!"

"Don't ask. Sa'yo na 'yan, kung gusto mong ipapalit, then go. Kung ayaw mo naman at tinatamad ka, ibigay mo na lang sa mga batang kaunti ang hawak na tickets." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya sa harapan ko.

Ako naman itong gustong magtatalon sa tuwa. Sinong hindi sasaya sa ganito karaming tickets? Sorry mga bata pero hindi ko ito ipapamigay sa inyo. These are mine, not yours. Sorry not sorry.

"Ma'am, pili na lang po kayo kung ano ang gusto niyong ipalit sa mga tickets na nakuha niyo." Anang isang nag-aassist sa akin.

"Okay po, wait lang po ah." Gumilid ako ng kaunti para bigyang daan 'yung ibang nagpapapalit ng ticket. Tatlong libong tickets din pala 'to, nakakabigla lang talaga.

Napako ang tingin ko sa isang malaking teddy bear sa may itaas na bahagi ng glass. Naaalala ko na naman 'yong teddy bear na binigay sa akin ni Brazen sa 'kin noong may foundation day.

Bigla akong nawalan ng gana. Iyong mga ngiti ko ay naglaho na lang bigla. Hindi si Brazen ang naalala ko sa teddy bear na iyon... kundi 'yong taong kasama ko noong umulan ng malakas, nasa likod ito ng kotse niya, sumayaw kami sa ilalim ng ulan.

Kamusta na kaya siya? Galit pa rin ako sa kanila... lalo na sa kaniya pero hindi ko pa ring maiwasan na isipin siya. Bigla na lang siyang nawala na parang bula... naglaho na lang at hindi nagpadamdam.

Noong mga panahon na nagkakagulo kami ay wala siya. He supposed to be in that situation and explaining their side. Dahil alam kong siya ang may pakana ng panggagagong iyon sa akin. Siya dapat ang humarap sa akin, siya dapat ang sapakin ko hanggang sa mawala 'tong galit na nararamdaman ko.

"Ate, baka po mapunit 'yong hawak mong papel, bahala ka, baka masayang lang 'yan kasi hindi na makita kung ilan ang tickets mo." Mayroong isang batang nagsalita sa harapan ko.

Bumaba ang tingin ko sa kaniya, may hawak siyang barbie, suot niya ay kulay pink mula sa damit hanggang sa medyas niya. Hindi naman halatang gusto niya ang pink 'no? Girl na girl. Napansin kong nakatingin siya sa mga palad ko na nakakuyom na pala.

Baka matakot siya kaya naman inalis ko ang pagkakakuyom ng palad ko at yumuko para abutin ang kaniyang pisngi. Hindi naman siya umiwas. She giggled! She even clapped her hands. Napagaan niya ang pakiramdam ko.

"Gusto mo bang sa 'yo na lang 'to? O gusto mong ipapalit na natin tapos 'yung prize na makukuha natin ay sa 'yo na?" I asked her. Niyakap ko ang kaniyang baywang, ang isang kamay naman niya ay humawak sa likod ko.

"No po, ate. Exchange it with the thing that you think will make your mood light. That will make you feeling happy." Sagot nito. "I can see the sadness in your eyes. Eyes can't lie. Even though you're smiling, deep inside you are sad."

Napabitaw ako sa sinabi niya. Ang bata pa lang niya pero alam niya ng sabihin 'yon. Ang dami niyang nalalaman. But I know, she's right. Tama lahat ng sinabi niya. Buti pa ang bata alam niyang nagpapanggap lang ako sa mga pinapakita mo.

"There are reasons behind these smiles, 'lil girl." Ngumiti ako sa kaniya. I pinched the tip of her nose. "Sometimes we need to pretend that we are okay. Hmm, I'm wrong. We always needs to pretend that we are fine and happy... even we're not. Para hindi na maapektuhan 'yung iba." Huminga ako ng malalim. "Am I right?"

Napakurap siya at napatulala sa sinabi ko kaya naman natawa ako. Ang dami kong sinabi, as if naman na maiintindihan niya na ang mga gusto kong patamaan sa mga salitang iyon. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Sinong kasama mo? Ihahatid na kita sa kaniya, baka hinahanap ka na no'n." Sabi ko sa kaniya. Tumingala siya sa akin. "Just answer me, baka mapagkamalan pa 'kong kidnapper dito." I joked.

"I'm with my Ate."

"And who's your Ate?"

"Lyrein!"

________________________________________________________________________________

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Where stories live. Discover now