Chapter 24: April Fools

Start from the beginning
                                    

Nang makarating kami malapit sa room namin kumaripas na ako ng takbo dahil okay naman ang paa ko. Ayaw ko lang talaga siya makasama.

Mabuti na lang hindi siya nakatingin nung tumakbo ako dahil may tumawag sa kanyang kaklase namin. Let's mention about lucky. Haha!

Sa wakas nakaupo na din ako.

Nagulat naman ako ng may engkanto este prinsipeng dumating sa may pinto at hingal na hingal pa.

"There you are." sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko

"Oh hello." sabay talikod sa kanya

"Let's go." with matching hawak sa kamay ko

"Ano ba ayoko nga kasi pumunta sa practice!" hawak-hawak ko pa din yung rail sa may bintana

"Hindi nga kasi pwede! Tara na nga kasi Lexa!"

"Edi pumunta ka don mag-isa! Ayaw ko nga sabi eh!" pagmamatigas ko

"Ano ako sira para magpractice mag-isa? Hell no!" now I am imagining him practicing alone haha!

Ang loka-loka kong bestfriend naman ayun at pinicturan kami. Sabay sigaw ng Ma'am para di namin siya ma-corner. Deym! May araw ka din sakin BFF. Haaays. 

Kung akala niyo yun ang ikinagulat ko, well nagkakamali kayo dahil ang mas ikinagulat ko ay nung buhatin ako ni Xy na ala-bagong kasal! Oh di ba amazing!

"Hoy ibaba mo nga ako! Ano ba?" reklamo ko sa kanya

"Sus ano ba, if I know gusto mo din itong pwesto natin ngayon eh haha! Don't worry magha-honeymoon din tayo, chill ka lang!" then he smirk at me like what? Bumabalik na naman ang pagkamahangin niya

"Hoy ang kapal ng libag mo ha? Wag kang ilusyunado dyan di bagay sayo!"

"Di talaga bagay sakin ang maging ilusyunado, kasi ikaw ang bagay sakin." fuck! Yung tibok ng puso ko. Normal pa ba sa puso ng isang tao ang ganitong pagtibok?

Matapos ang kakornihan ni Xy dumiretso na kami sa researhals para sa United Nations. Masyado ba kaming maaga? O sa ibang lugar sila nagpraktis? Alin man sa dalawa wala akong pake. Ang importante sakin ngayon ay matapos na ang kalbaryong ito.

Umupo muna si Xy habang ako naglilibot-libot muna. Nakakapagtaka lang kasi talaga. Samantalang kung titignan yung oras, late na kaming dalawa. Pero wala pa din sila. Naglakad ako malapit sa pinto para lumabas at maghanap ng mga kasama namin.

"Ah?"

Bakit ganun? Naka-lock ba yung pinto? Kinalampag ko ulit ng kinalampag yung pinto dahil baka nag-iilusyon lang ako.

"Lexa bakit mo ba kinakalampag ang pinto?" kunot-noong tanong ni Xy

"Eh kung i-try mo kayang buksan to ng malaman mo." pagtataray ko naman

"Huh?"

Lumapit naman ang kumag dahil nagtataka siguro siya kung bakit ko yun kinakalampag. Halos maihi na ako sa kakatawa dahil sa reaksyon ni Xy hahaha!

"Naku Lexa. Ano bang trip mo at pinagtritripan mo ako?" haha! Best actress goes to.... ME! Oh di ba ang galing haha!

"Ano ka ba? Wala bang calendar sa inyo at hindi mo alam kung anong date ngayon?"

"Meron, sandamakmak, gusto mo bigyan kita?" sarkastikong sabi niya.

"Whatever. Happy April Fools! Hahahaha! Ang cute ng reaksyon mo grabe. Sayang wala pala sakin yung cellphone ko, nakuhanan ko sana ang hitsura mo kanina." sabay tawa ako ng tawa habang hawak ang aking tyan

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now