Pagbalik namin ay nagpasundo na kami katulad noong mga nakaraan araw. Bigla akong nawalan ng gana, hindi ko alam kung bakit.

Damn, I think I'm too clingy. Am I?

Pagpasok namin sa mansyon ay ngiting-ngiti si Mersita sa akin. Kaagad siyang lumapit sa akin at inabutan ako ng pineapple juice, inisang inom ko iyon sa sobrang inis sa matandang guard ko.

"Natutuwa po ako, Senyora at malapit na kayo ni Gabo." Bahagya akong sumulyap sa likod ko, pasalamat na lang ako dahil may inuutos si Gavril sa naghatid sa amin kaya naiwan siya sa labas, hindi narinig ang sinasabi ni Mersita. "Tapos nahawaan ka niya ng kabaitan, pansin mo, your highness hindi na mainitin ang ulo mo?" dere-deretsyong tanong ni Mersita.

Walang buhay na nilingon ko siya.

"Gusto mo bang magalit ako, Mersita? Baka nami-miss mo ng mapagalitan huh?"

Napanguso siya bago umiling, may kinuha siyang maliit na folder saka inabot sa akin. Kaagad ko iyon binuksan, isang invitation card iyon galing sa mga Lavelle.

Gumalaw ang aking panga sa nabasa.

May mga kamag-anak din naman kaming Lavelle rito sa Pilipinas. Dahil si Papá ang legal na anak ay sa kaniya napunta ang mas maraming pamana, ang mga business ng pamilya. May mga binigay rin naman sa Tito ko na anak sa labas ng Lolo ko, pero hindi nila iyon napalago at nalubog sa utang hanggang namatay ito at ngayon ay nangungulit ang Tiyahin ko na ambunan ng mana ang mga anak nila dahil Lavelle naman daw ang mga ito.

What the fuck?

Matagal ng tapos ang hatian nilang magkapatid ng mana. Kung ano mang mayroon si Papá at Mamá ay dahil sa pagbu-business nila.

Malaki ang respeto ko sa aking yumaong Tiyuhin, pero sa mga pamilya niyang ginagawang banko ang pamilya namin dahil sa kadahilan mas angat kami ngayon ay hindi ko matagalan.

And now, they will release something like this, which will bring back and question Grandpa's last will and testament. They're inviting me. Then what? Is it normal for people like them to beg for money and then go bankrupt after a few months, like what happened last year?

I can't believe these greedy people. They will do anything for money.

Papá already forgave them for stealing money from our one company in Manila. Papá trusted my aunt, and she took the money and our company was almost bankrupt.

I can't tolerate this anymore!

"Sila pa ang may ganang manira ngayon, na kapag hindi kami magbigay ay maglalabas sila ng balita na inaabuso namin sila, na hindi pinapasweldo ang impleyado? Sila ang nagnakaw tapos sa amin isisi? Walang mga utang na loob," pagak akong natawa.

Tumawag ako kahapon kay Mamá at Papá ngunit hindi sila sumasagot, ngayon hindi ko alam kung kailan sila uuwi.

Bakit natagalan sila?

Nakalabas na ng bansa ang bagyo pero wala pa rin akong balita, hindi na rin muling bumalik pa si Count Maddox, siguro nga'y magandang balita iyon pero kailangan na sila Papá rito ngayon.

Yumuko si Mersita, naramdaman ko si Gavril sa aking gilid na mukhang kakapasok lang.

Nilingon ko siya habang seryoso ang aking mukha, nagsalubong ang kaniyang kilay nang makita ang kaseryosohan ko.

"Get my airplane ready. It looks like I need to remind them who Lavelle Heiress is." I smirked.

༻𖥸༺

        My long, dark hair bounced as I entered our company. I was wearing my black academia silky dress, black heels, black lace gloves, and shades. I looked straight when Gavril opened the glass door for me. Like me, he's wearing a full black suit.

Conrad Series 1: The ServantWhere stories live. Discover now