Inalalayan niya ang dalaga na makatayo. 

"What time is it?" 

"8 ng umaga." 

Tumango ito at akmang tutupuin na ang kumot na ginamit niya ng agad siyang pinigilan ni Lie. 

"Wag na. Ako na dito." 

Umiling ito at humarap sakaniya. Muntik pang magdikit ang katawan nila sa isa't-isa, mabuti na lamang at agad siyang nakalayo sa dalaga. 

"Kaya ko na nama-" 

"Nanghihina ka pa oh." Tinuro niya ang mata ng dalaga. "Halatang gusto pa ng katawan mo na matulog." 

Napanguso ito kaya bigla na lamang nanigas ang binata. Bigla na lamang siya namula dahil sa biglang pag nguso ng dalaga sa harapan niya. 

"I really want to go back to sleep, but I have to fix the blanket and the bed- Why are you smiling at me like that?" Lia asked when she noticed Lie was smiling at her widely, but he wasn't paying attention to what she was explaining.

Umiling lang ito at kinurot ng mahina ang magkabila niyang pisngi. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Lia dahil siya ginawa niyang 'yun. 

"Ang cute mo ngumuso," natatawang sabi niya. 

Hindi niya na hinintay pang sumagot si Lia at pinatalikod na siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat saka marahang tinulak palabas ng kwarto. 

"Good morning, miss ganda!" sabay na bati ni Nate at Cary na may kaniya-kaniya ng kinakain. 

Muntik pang matumba si Lia ng bigla na lamang siyang niyakap ni Olivia. Mabuti na lamang at nasa likuran niya si Lie. 

"Wag ka 'ngang basta-basta yumayakap kay Lia, Olivia! Baka mamaya masakit pa katawan niyan eh," inis na sabi niya. 

Agad namang hinawakan ni Lia ang kamay niya na nasa balikat nito. "I like it, so you don't have to worry about me."

Agad naman siyang kumalma dahil sa kalmado nitong boses. 

"Tara ate! Marami kaming niluto na pagkain," puno ng kasabikan na sabi ni Olivia at marahang hinila si Lia papunta sa lamesa. 

Agad na siyang tumalikod at inayos na ang pinag higaan ni Lia. Hindi niya pa maiwasan na ngumiti sa tuwing naamoy niya ang natural na amoy ng dalaga na nakadikit sa kumot. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Tahimik lamang na nonood si Lia kina Nate, Cary at Olivia na nagkukulitan sa daan. Papunta na sila ngayon papasok sa school. 

Mabuti na lamang at ng umuwi siya kasama ang apat ay hindi niya na abutan ang lolo niya. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya kung sakali. 

"Binago mo pala 'yung username mo sa ig?" 

Agad siya napalingon kay Lie. Nakaharap na ito sakaniya ngayon habang hawak ang phone niya. Tumango siya at agad umiwas ng tingin dahil nagsimula na namang lumakas ang kabog ng dibdib niya. 

Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng maramdaman niya ang malaking kamay ni Lie sa balikat niya. Akmang magtatanong na siya ng pinagpalit nito ang pwesto nilang dalawa. Ngayon ay siya na ang nasa side walk habang si Lie at nasa gilid ng kalsada. 

"Baka mamaya mabangga ka pa. Tatanga pa naman ng mga tao dito." 

Napalabi na lamang siya dahil sa tono ng boses nito. Tahimik lang silang dalawa habang ang tatlo ay nagsisigawan na at halos lahat ng tricycle ay nasisigawan na sila dahil muntk nila mabangga ang tatlo. 

"Are you not going to scold them?" she whispered to Lie. 

Umiling naman ito saka pinag krus ang mga braso. "Hindi. Kahit pagalitan ko 'yang mga 'yan walang makikinig sa'akin."

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now