"Malalim na ang gabi ngunit ikaw pa rin ay nagbabasa." halos mabitawan ko ang libro nang may magsalita sa aking likuran. Gulat akong napalingon sa kaniya at agad na napatayo at napayuko nang bahagya.

"M-magandang Gabi po Ginoong Lazaro. Ako po'y hindi pa dinadalaw ng antok kung kaya't ako'y nagtungo rito." tugon ko. Hindi ito tumugon sa aking sinambit bagkus naglakad ito nang diretso patungo sa katapat kong silya. Nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay at diretso ang kaniyang tingin sa harapan.

Napakagat ako ng aking labi bago isinara ang aklat at akmang magpapaalam na ako sa kaniya nang magsalita siya ulit.

"Kumusta ang iyong kalagayan?" tanong niya na ikinanuot ng aking noo.

"Po?" nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit kinakabahan ako habang kaharap ko si Ginoong Lazaro.

Napatingin siya sa'kin bago niya inulit ang kaniyang sasabihin. "Nabanggit sa'kin ni David kanina na ikaw ay muntikan nang mahagip ng kalesa noong nakaraang araw." wika niya dahilan upang mapatango ako sa kaniya at napangiti nang tipid.

Marahil ay si Ginoong David ang nagligtas sa'kin noong mga panahong iyon.

"A-ayos lamang po ako Ginoong Lazaro, hindi naman po gaanong kalala ang aking naging sitwasyon." tugon ko at napangiti nang bahagya.

Tumango siya at inalis ang tingin sa'kin. Hinihintay ko kung mayroon pa siyang sasabihin subalit isang minuto na ang nakalipas ay nanatili pa ring walang imik si Ginoong Lazaro, habang diretso lang ang tingin sa harapan. Muli kong kinuha ang dala kong aklat at lampara bago humarap sa kaniya.

"Aalis na ho ako Ginoong Lazaro, magandang gabi pong muli." wika ko, tumango siya at hindi inabalang balingan ako ng tingin.

"Pakiabot na rin po pala kay Heneral David ang pagpapasalamat ko dahil sa pagligtas niya sa'kin noong isang araw."  muli kong saad, sandaling napalingon siya sa'kin bago tumango.

"Ako na ang bahala."




KINAUMAGAHAN ay isinama ako ni Manang Lita na pumunta sa pamilihang bayan. Bumili kami ng  karne, gulay at isda. Ako ang nagbitbit ng bawat pinamili namin ni Manang Lita at sumusunod lamang ako sa kaniya. Sandali siyang napahinto dahil sa dami ng tao sa bilihan ng mga gulay at prutas.

"Eliana ikaw muna ay maiwan dito, ako na lamang ay iyong hintayin dito." saad ni Manang Lita. Napatango ako at ngumiti sa kaniya. Pagkaalis niya ay agad kong ibinaba nang panandalian ang aming pinamili dahil sa kabigatan nito.

Masakit din sa kamay kung may katagalan ng hawak ang bayong lalo na kung mabibigat ang mga laman nito.

"Binibini!" narinig ko ang tinig na iyon ngunit pinili ko itong hindi  pansinin. "Binibining Eliana!" napalingon ako sa nagsabi nito at bahagyang napakunot ang aking noo. Nilibot ko ang aking mga mata at halos magulat ako nang makita ko si Binibining Solana na papalapit sa akin habang ito'y nakangiti nang malaki. Napangiti ako sa kaniya  at kinawayan ito, naglakad ito palapit sa akin at napangiti nang malapad.

"Binibini, ikaw ay naparito?" nagagalak na panimula niya.

"Sinamahan ko lamang si Manang Lita sa pamamalengke. Kayo Binibini? Bakit ka naparito." tugon ko. Napangiti ito, "Namili rin kami, siya nga pala kasama ko ang aking Kuya Samuel na magtungo rito." bahagyang nanlaki ang aking mga mata sa tinuran niya. 

Narito siya! Tila hindi ko nais na masilayan ito ngayon, nang una kong makita si Ginoong Samuel ay dinidistansiya ko na ang aking sarili, sapagkat hindi magandang tignan ang pakikisalamuha ko sa mga may makapangyarihan.

"Tila nakakita ka ng multo dahil sa iyong ekspresyon Binibining Eliana." pagbibiro niya sabay tumawa nang marahan sa likod ng kaniyang abaniko.

Napangiti ako nang tipid at napailing. "Nagulat lamang ako Binibini." dahilan ko sabay iwas ng tingin.

"Hindi mo naman kailangang magulat sa'king kuya Binibini. Matagal na panahon na rin ang huli niyang pagdalaw rito kung kaya't ito ang isa sa mga panahon niya upang muling makapagliwaliw rito sa pamilihan." paliwanag niya habang nakatingin sa harapan.

Akmang ibubuka ko ang aking labi nang bigla itong magsalita at tumingin sa'kin habang abot-tainga ang kaniyang ngiti.

"Nariyan na ang aking Kuya Samuel." bulong  niya dahilan upang mapalingon ako sa kaniya at napatingin sa harapan. Hindi nga siya nagkamali at papalapit na siya ngayon sa'min.

Kulay itim na pang-ibaba ang suot niya at  kulay pulang kamiso na hindi gaanong mahaba ang manggas naman ang pang-itaas niyang damit. Kahit simple lamang ang kaniyang suot ay isinisigaw nito ang kaniyang kakisigan. Bawat binibining kaniyang madadaanan ay napapalingon sa kaniya.

Habang palapit nang palapit ito sa'min ay mas nakikita ko ang tipid nitong mga ngiti habang nakatingin sa'min.

Marahil ay dapat masanay na rin ako sa aking sarili na hindi bigyang kahulugan ang mga simpleng bagay na kaniyang ginagawa, dahil sa huli alam ko na ako'y mahihirapan lamang. Isang maginoo at may respeto si Ginoong Samuel kaya't natural lamang sa kaniya ang pagiging magiliw sa ibang tao.

Napaiwas ako ng tingin nang limang hakbang na lang ang layo niya sa'min. Napatingin ako kay Binibining Solana nang salubungin niya si Ginoong Samuel.

"Ano kuya? Nahanap mo ba ang pinapabili ni Ina?" tanong ni Solana.

Napahinga nang malalim si Ginoong Samuel at napahimas sa kaniyang batok. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang bentahan nang sinasabing kakanin ni ina, subalit mayroon akong nabili rito." tugon niya at sandaling sumulyap kay Binibining Solana bago napatingin sa'kin.

Naalerto ako sa kaniyang nagawabg pagbaling kung kaya't napangiti ako nang tipid at bahagyang yumuko sa kaniya bilang pagbibigay galang.

"Kuya Samuel, hindi naman ito ang nais na kakanin ni ina. Yung malagkit na kulay kape at mayroong nilutong niyog sa ibabaw nito. Iyon ang kaniyang pinapabili." napatingin ako kay Solana dahil sa bahagyang pagtaas ng boses niya.

Napatingin sa kaniya si Ginoong Samuel at nahihiyang napangiti. Tila may kakaiba talaga sa bawat pagngiti ni niya dahil nakakahawa ang iyon.

"Ano ba ang tawag sa kakaning iyon?" tanong sa kaniya ni Ginoong Samuel. Napakibit balikat din si Binibining Solana at napatingin sa'kin. Bumaling din ng tingin sa'kin si Ginoong Samuel habang nakaawang ng kaunti ang kaniyang labi.

"Binibining Eliana, alam mo ba pangalan nang kulay kapeng kakanin na may nilutong niyog sa ibabaw nito at nilalagay siya sa dahon ng saging?" tanong niya habang bahagyang nakakunot ang kaniyang noo.

Napangiti ako nang tipid. "Biko ba ang ibig mong sabihin Binibini?" sagot ko.

"Siyang tunay, Binibini!" nagagalak na saad niya at marahang napapalakpak. "Kuya Samuel, iyon ang aking tinutukoy ang biko ang paborito naming minemeryenda ni Ina." wika niya habang nakatingin sa kaniyang kuya habang patuloy siyang nagpapaliwanag.

"Mabuti na lamang at nariyan ka Binibining Eliana kung hindi ay baka hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang diskusyon namin ng aking kuya." wika niya at tumawa muli nang marahan sa likod ng kaniyang abaniko.

"Walang anuman iyon Binibini, madalas din kaming bumili ng pagkain na iyan dito mismo sa pamilihan. Akin ding irerekomenda na masarap ang kakanin na tinda ni Mang Kanor." nakangiting paliwanag ko habang nakatingin kay Binibining Solana.

Napangiti siya nang malapad. "Kung gayo'y mamarapatin mo ba kaming samahan kung saan matatagpuan ang bilihan na iyan." halos mapatingin ako kay Ginoong Samuel nang magsalita ito. Iba ang hagupit ng kaniyang tinig sa aking pandinig.

Nakangiti ito nang tipid habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kaniya subalit  natagpuan ko na lamang ang aking sarili na unti-unting napapangiti habang nakatingin sa kaniya.

Ito ang unang beses na nahawa ako sa kaniyang ngiti.


Napapangiti,
Eliana

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now