Pero hindi ba't dapat maging masaya ako? Dahil sa wakas ay magagawa ko na ang matagal ng itinakda sa akin, ang matagal ko ng pinaghandaan.

I massaged my neck when I entered my room.

Humiga ako sa aking kama, hindi gumaan ang loob ko kahit sobrang lambot no'n. Parang mas gusto ko pang mahiga sa matigas na papag kaysa rito.

Bumukas ang pintuan, napalingon ako sa isang katulong na pamilyar sa akin, si Anna. Mukhang hindi niya inaasahan na maabutan niya ako roon, natigilan siya bago yumuko.

"S-Sorry po, Senyora. P-Pinapunta po ako ni Mersita para ayusin ang pampaligo niyo, p-paakyat na rin po siya," maingat na sabi niya na nauutal-utal pa, hindi mo malaman kung papasok ng tuluyan o aatras na lang.

Umupo ako sa aking kama.

"Sige, thank you," sabi ko saka tumayo upang kumuha ng damit sa aking walk-in closet.

Nakita kong nanlaki ang kanyang mata at napaawang ang kanyang bibig kaya natigilan ako sa paglakad, what the hell is wrong with this woman?

"What?"

"N-Nag-thank you ka po, Senyora. T-Tapos h-hindi ka po sumigaw, h-hindi na po kayo nambabato ng vase," gulat na sabi niya, naitakip pa niya ang kamay sa kanyang bibig.

Sandali akong natigilan, hindi ko rin iyon napansin. Napairap ako bago pumasok sa walk-in closet, parang isang kwarto ko na rin iyon. Maraming branded bags, shoes at iba pa pero isa lang ang hinanap ko.

'Yong short na binili namin sa Divisoria at isang sando.

Nang maayos ni Anna ang bathtub ay nagbabad na ako roon, nakaidlip pa ako habang napapalibutan ng mga bula at petals. Nang matapos at makuntento ako ay lumabas na ako, naabutan ko si Mersita na pinag-aayos ako ng pagkain.

Lumingon ako sa labas at gabi na pala at umuulan din, ang tagal ko pala sa banyo.

"Magandang gabi, Senyora," bati niya.

"Hmm," I greeted her.

Dumiretsyo ako sa aking kama, nakita kong nandoon na ang aking bag, inabot ko iyon upang i-check ang aking phone ko. Kaagad kong hinanap ang numero ni Gio para pagtanong tungkol sa mga nalalaman niya kay Gabo pero wala na ang numero niya roon, nakailang scroll pa ko sa ilang pirasong contacts ko pero wala iyon.

Hindi ko ata na-save.

"Senyora, kumain na po kayo."

"Mersita, ipakuha mo ako ng red wine," sabi ko bago ibaba ang aking phone.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Iinom po kayo?"

"Ano pa bang pwedeng gawin ko sa red wine, Mersita?"

Nakita kong napanguso siya. "Ngunit gabi na, Senyora."

"Ayos lang, ilang baso lang bago matulog." Umawang ang labi niya animong may sasabihin pero sa huli ay tumango na lang.

Nakailang subo lang ako sa masarap na pagkain na inihain sa akin, wala akong gana. Dumating ang alak na pinapakuha ko dala ni Anna na kaagad din umalis.

Mukhang may trauma pa rin siya sa akin.

Gusto ko sanang uminom sa labas ng veranda, hindi naman nababasa roon dahil may malapad na bubong naman kaya binuksan ko ang glassdoor. Umihip ang malakas na hangin sa aking mukha, bahagya akong nilamig dahil sa manipis na sando na suot ko, nagsuot muna ako ng robang puti.

May wooden chair at table ako roon na madalas ko talagang tambayan.

Umupo ako roon dala ang bote ng alak, madilim ang kalangitan habang maliwanag naman ang ibaba ng mansyon.

Conrad Series 1: The Servantحيث تعيش القصص. اكتشف الآن