Natatarantang kaagad kong inayos ang buhok ko dahil alam ko kung anong mga nandoon na marka.

Kalmadong ibinaba ni Count Maddox ang kanyang tasa, inilapag ang kamay sa nakakrus na mga hita.

"If you have a lover, just make sure our family and upcoming wedding won't be affected by it. I am giving you two weeks to break up with him before our marriage."

"A w-what?!"

Halos maisigaw ko iyon, hindi ko magawang sumulyap muli sa mga guwardiya pero ramdam ko ang matalim na tingin ni Gabo sa amin. Paniguradong hindi nila naririnig ang usapan namin sa layo pero paniguradong nakikita niya ang emosyon ko.

Anong sinasabi niyang two weeks?

"Ikakasal tayo sa loob ng dalawang linggo. Kung gugustuhin nga kahit ngayon araw ay maaari ngunit ayaw kitang biglain tungkol sa bagay na iyon, binibigyan kita ng dalawang linggo, Milady," he reminded.

Naiwan nakanganga ang aking bibig, hindi ako nakapagsalita.

Sobrang bigat ng aking paghinga, sigurado akong may ideya na siya sa kung ano ang mga marka sa leeg ko. Hindi ko iyon maitatanggi, lalaki siya paniguradong alam niya.

Taas-noo kong pinantayan ang tingin niya.

"What if I decline this marriage? What if I don't want to marry anymore?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi, mas sumandal sa kanyang upuan. "Hm, the royal highness will not follow the tradition, e?" Tumabingi ang ulo ni Count Maddox. "Would you abandon your family to be with that boy? If you can, then . . . That is your answer. If you can't let the Lavelle family down, don't even try."

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya, hindi iyon nagbabanta ngunit madiin.

"Aalis na rin ako, dumaan lang ako bago pumunta sa aking tutuluyan habang nandito sa Pilipinas," imporma niya.

"You can sleep here; the mansion is big; we have enough room, Count Maddox," I said.

I know that would be my parents' words if they were here. Alam kong gano'n din ang gagawin nila kahit pa ayaw ko.

"Hindi na, baka hindi ako umabot ng bukas kapag dito ako natulog. Babalik na lang ako sa susunod na araw kapag nandito na ang iyong mga magulang kasama ang mag-asikaso ng ating kasal."

Naguluhan ako sa sinabi niya, magtatanong pa sana ako pero inayos na niya ang kanyang suot na tuxedo bago tumayo, halos matulos ako sa aking kinauupuan nang lumapit siya't yumuko, hindi kaagad ako nakakilos sa gulat.

Count Maddox kissed my cheek. "The next time your guard looks at me like that, I'll kill him in front of you, Milady," he whispered before he walked towards his guard.

Nadaanan niya si Gabo, hindi ko alam pero kinabahan ako lalo na nang tumigil siya, may sinabi si Count Maddox kay Gavril bago tuluyan lagpasan, nakita kong gumalaw ang panga ni Gavril bago yumuko na lang.

Napatitig ako sa tasa na nasa aking harapan. Everything looks unreal. I don't know how to react.

Tulala akong naglakad papunta sa kwarto ko, nadaanan ko si Gavril. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.

Bago pumasok sa elevator papunta sa palapag kung nasaan ang kwarto ko ay nilingon ko siya.

"Hindi mo na kailangan sumama sa akin sa kwarto, tawagin mo na lang si Mersita at papuntahin sa akin," seryosong sabi ko bago pindutin ang button para sumara ang elevator.

Mariin akong pumikit habang iniisip ang mga nangyari, parang bigla akong napagod.

Tama sila, pagkatapos ng saya ay kalungkutan naman.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon