"Jane... uy jane... jane!" yugyog sa akin ni Erin.

Medyo nakapikit na ako, tinatamad ako sumagot.

"Mmmh?"

"Si Ralph, nandyan!" 

Sa sobrang gulat ko napamulat at napabangon ako. 

"Nasaan?" tanong ko at itinuro naman ni Erin kung nasaan.

Paglingon ko sa direksyon kung nasaan si Ralph, sakto namang lumingon din sya sa akin. Patay.

Pumunta agad sya sa akin.

"Lets go." mahinahon nyang sabi.

"No."

"Jane, lets go."

Tumingin ako kay Erin at tumango na lang sya. Ano pa nga ba, edi sumama na ako kay Ralph kahit ayoko pa.

Nang makarating kami sa labas bigla akong sumuka. Nahihilo na kasi talaga ako. Agad naman akong inalalayan ni Ralph sa pagsuka.

"Yan na nga sinasabi ko, kaya ayoko kitang papuntahin sa mga ganito, malalasing ka lang tapos pag-gising mo bukas ng umaga, sasama pakiramdam m--"

"Pwede ba tama na!" pinunasan ko ang bibig ko bago magpatuloy ulit.

"Nakakasakal ka na...Alam mo ba sa ginagawa mo mawawalan ako ng kaibigan. Ano bang hindi mo maintindihan sa kaya ko naman ang sarili ko!"

"Nag-aalala lang ako sayo."

"Nag-aalala o wala ka lang tiwala sa akin? kasi alam mo, nakakasawa na. Nakakasakal na!"

"I'm sorry"

"Ganito na lang tayo palagi.  Sorry ka ng sorry, anong magagawa ng sorry mo? kahit minsan Ralph, bigayan mo naman ako ng oras para sa sarili ko!"

"Jane---"

"Uwi na ako." sabi ko.

"Hahatid kita."

"No! I can handle myself."

"Jane please--"

"No!"

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive na. Kahit nahihilo ako, kaya ko naman. Gusto ko na lang muna ng space. Baka sa sobrang sakal ko na kasi baka makapagdesisyon ako ng basta basta.

Madilim na ang daan, nahihilo pa ako kaya huminto muna ako para magpawala ng hilo. Aba ayos din 'tong nahintuan ko, kitang kita ang view ng city kaya lang medyo may mga kalat.

Napatingin ako sa isang parang vintage na telepono. Yung di ikot pa yung mga number. Kinuha ko, ang ganda, sayang naman 'to.

Nakaisip ako ng magandang idea. Gusto ko ng makakausap dito ko na lang sa telephone na 'to ilalabas lahat.

Itinapat ko sa tenga ko ang telepono at inimagine ko na may kausap ako sa kabilang linya.

"Alam mo mahal na mahal ko naman si Ralph, lagi nya akong napapasaya tsaka lahat ng perfect boyfriend material nasa kanya na. Lagi syang nandyan para sa akin, pag kailangan ko ng maiiyakan nandyan lang sya lagi at higit sa lahat mahal na mahal nya rin ako..." napahinto ako. naiiyak kasi ako.

"kaso, alam mo yun... nakakasakal na sya. Minsan kahit alam kong concern lang sya parang ang lumalabas na wala syang tiwala sa akin. Lagi nya akong pinagbabawalan lalo na kapag di ko sya kasama sa pupuntahan ko. Parang yung mundo nya sa akin nya lang pinapaikot, parang gusto nya kami lang sa mundo..."

"Sana... makalimutan nya naman ako, sana kahit papaano bigyan nya naman ako ng chance na mabuhay para sa sarili ko, sana makalimutan nya muna ako. Pero alam ko naman na hindi mangyayari yun. Kasi baka sa pagwish ko ng konting space hindi nya pa mapagbigayan..."

Binaba ko na ang telepono. Nagulat na lang ako ng biglang umilaw ang telepono. Anong nangyayari? Mas lalong tumingkad pa ang ilaw. Maya maya'y biglang nag-ring ang telephone.

Sinagot ko. "he-hello?" 

"Your wish is my command..." sabi ng nasa kabilang linya.

what? binitawan ko ang telepono sa sobrang takot na may nagsalita sa kabilang linya.  Agad akong sumakay ng kotse at umalis na.

Your wish is my command? joke ba yun.

ONCE UPON A WISH

Once Upon A Wish (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat