end.

42 19 0
                                    


PAALALANG MALUPET:
Don't you dare read this if you haven't read the whole story yet. Don't spoil yourself sa ending dahil wala na siyang thrill if you do that. Basahin mo muna ito mula sa umpisa hanggang sa huli upang lubos mong maunawan ang mga susunod na eksena, ayon lamang po. Tysm.



༺༻




Aesha Raeca Zhen Cariad's POV.




Nang mabasa ko ang chat na iyon ng bunsong kapatid nila na babae at hindi ako nagdalawang-isip na pumunta. Nagpaalam ako kina Papa at Mama na mayroon akong pupuntahan.

Sinabi ko naman na magse-send na lang ako ng pictures ko para alam din nila kung saan ako nagpunta. Those pictures will serve as my proof na rin. Besides, payagan man nila ako o hindi, aalis pa rin ako.

Almost one hour din ang iginugol ko sa biyahe. Finally, nakita ko na ulit siya. Jerana. Actually, this is the second time na makita ko ulit siya nang personal. Sinalubong niya ako sa kanto nila saka kami naglakad papasok sa mansyon nila.

At first, ayaw ko pa sanang tumuloy pero na-enganyo niya ako sa pangungulit nito sa 'kin. Gusto ko lang sanang magpasama na pumunta roon sa ospital pero sige, I'll meet their parents na lang muna bago pumunta ro'n.

At kagaya ng inaasahan ko, nakaramdam ako ng kakaibang kaba noong nakita ko ang mga magulang nila. Nasa salas ang mga ito. Busy sa kanilang mga kausap sa telepono.

"At sino na naman itong pinapasok mo rito, Yvoni? Hindi ba't sinabihan ka na namin na huwag ka ng dumagdag sa problema namin, ha?"

Napalunok ako nang marinig ko ang mga linya na iyon mula sa Daddy niya mismo. Yumuko si Jerana at hinayaan niyang sermunan siya ng kaniyang mga magulang sa harapan ko mismo.

"Ahm. Mawalang-galang na po, girlfriend ho ako ng anak ninyong lalaki at kaya ako nandito ay para magpasama kay Jerana na pumunta sa hospital."

"At bakit ka naman pupunta sa hospital?"

"To visit Kuya Iron," tugon ni Jerana sa kanila dahilan upang tumahimik ang mga ito.

"Oh, eh. Bakit dito mo siya pinapasok? Hospital ba 'to ha, Yvoni?"

Nasaktan ako nang makita ang tinginan ng mag-asawa sa kanilang anak. They don't deserve to be treated like this way. Oo, magulang sila pero mali, e.

"I'm so sorry but I think we have to go. Please excuse us," singit ko sa usapan nila sabay hatak kay Jerana palabas ng kanilang mansyon.

Now I know kung bakit rebellious si Ziron, indenial si Eroi at kung bakit gusto ng kausap ni Jerana. Dahil kung ako rin ay mayroong gano'ng klase ng magulang, ay nako. Ewan ko na lang.

Doon ko lang din na-appreciate bigla ang mga magulang ko na kahit hindi showy ay ramdam ko pa ring may silbi at halaga ako sa bahay namin. Hindi kagaya rito na parang ang sikip kahit na ang lawak naman ng espasyo. Nakakasakal at para bang may limitasyon lahat ng puwede mong magawa.

Hindi ako umimik hanggang sa tuluyan kaming nakasakay ni Jerana. I saw her crying. Lumapit ako at niyakap siya. "It's okay. Magiging maayos din ang lahat, ahm?" I smiled at her.

Panandalian siyang huminto sa pag-iyak niya at niyakap na rin niya ako pabalik. "I'm glad to know na tama po ang pinapunta kong tao para samahan at damayan ako. I'm too scared, Ate. I have so many what if's and I don't like it," sumbong nito habang nakatitig sa akin. Doon ko nakitang pinipigilan nito ang kaniyang pagluha.

Insubstantial Love (Virtual Heartbeat Series #12)Where stories live. Discover now