Napangiti ito nang malapad. "Marahil ay hindi mo pa nakikilala ang aking kuya Samuel kung kaya't mamaya ay ipapakilala kita." wika niya dahilan upang mapatingin ako sa kaniya at matulala.

Akmang sasagot ako nang biglang huminto ang kalesa, hindi ko namalayan na narating na pala namin ang kanilang tahanan. Halos mapaawang pa ang aking labi dahil sa laki ng kanilang mansion. Totoo nga ang sabi-sabi na malaki at nakalulugod ang kanilang tahanan.

Nauna akong bumaba kay Binibining Solana at inalalayan ko ito sa kaniyang pagbaba. Hinawakan niya ang aking braso at pumanhik kami sa kanilang tahanan. Halos malula ako sa taas at ganda ng kanilang tarangkahan, napapalibutan ng malilinis at dalisay na mga damo ang harapan ng kanilang mansion. Agaw pansin din ang kanilang hardin at balong.

Halos hindi ko na mabilang sa aking sarili kung gaano katagal nakaawang ang aking labi dahil sa pagkabighani ko sa kanilang bahay. Pumanhik kami sa kanilang asotea at nagtungo sa kanilang sala, lubos na akong nahahalina sa labas ng kanilang tahanan ngunit mas lalong napaawang ang aking labi nang makita ko ang loob ng kanilang mansion.

Bumungad kaagad sa'kin ang kanilang hagdan na tila ba isang salamin sa sobrang kinis at kintab nito. Punong-puno ang kanilang sala ng iba't ibang disensiyo at palamuting babasagin. Halos matulala ako sa malaki nilang kwadro sa gitna ng kanilang sala, sa aking palagay nasa edad labinwalo pa lamang si Solana roon.

Bumagay ang puti nilang makakapal at mahahabang kurtina, mas dumagdag ito sa aaliwalas ng kanilang bahay. Halos maduling rin ako sa laki ng kanilang aranya (chandelier).    

"Magandang Umaga mga binibini" sambit ng isang matanda na wari ko'y isa itong katulong.  Mukha itong mas bata kung ikukumpara kay Manang Lita ngunit kung pagbabasihan ang tindig ay ayos nito'y tila isa itong Mayordoma ng kanilang tahanan.

"Magandang umaga rin po.." tugon ko. "Nasaan ho si Ina, Manang Loring" tanong ni Solana sa kaniya. Napatikhim ito bago tumugon. "Kanina'y nasa silid po siya ni Ginoong Samuel Señora ngunit sa tingin ko'y nasa silid niya na ito.." tugon nito.

Napangiti si Solana sa kaniya at tumango. "Maraming Salamat po sa pagtugon. Kapag ako'y kaniyang hinanap ay pakisabi na kami ay nasa aking silid lamang" pakiusap ni  Solana. Tumango sa kaniya ang katulong at tumango rin sa'kin. Napangiti ako nang matamis at napayuko rin sa kaniya.

Inanyayahan na ako ni Binibining Solana  na magtungo sa kaniyang silid. Halos pitong silid ang aming nadaanan bago kami huminto sa kaniyang silid. "Marahil ay kaya kita inimbitahan sa aming tahanan ay may nais akong ibigay sa iyo" tugon niya pagkapasok namin sa loob.

Bahagya akong nagulat sa kaniyang tinuran pinaupo niya ako sa kaniyang katre habang nagtungo siya sa kaniyang aparador.

Pinagmasdan ko ang kaniyang silid nabubusog ang silid niya ng mga kaniyang burda at larawan nito nang siya'y bata pa lamang. May mangilan-ngilan ding aklat at pluma sa kaniyang silid.

"Ito ang nais kong ibigay sa iyo" napabalik ang tingin ko sa kaniya nang magsalita ito, napatingin ako sa tatlong ipit na nakalahad sa aking harapan. Tatlong klase iyon ng panali ng buhok at iba-iba ang mga disenyo nito.

"Pinabili ko iyan sa'king Kuya Samuel sa Europa ang sabi ko'y nais kong handugan ang isa sa matalik kong kaibigan, at ikaw iyon." masayang wika niya habang nakatingin sa'kin.

Napatitig ako sa panali ng buhok na nais niyang ibigay sa akin kaibig-ibig ang mga ito at tila ba ginto ang mga halaga nito. "Bakit mo ako nais handugan ng ganito Binibini? Hindi mo naman kailangang gawin ito." tanong ko habang sinserisad na nakatingin sa kaniyang mga mata.

Ngumiti ito bago tumugon. "Sapagkat ikaw ay tapat kong kaibigan Eliana, ituring mo ito bilang aking pasasalamat at simbolo ng ating pagkakaibigan." paliwanag niya at umupo sa aking tabi, napangiti ako at kinuha mula sa kaniya ang mga panali ng buhok.

"Maraming Salamat Binibining Solana sa iyong handog ngunit hindi mo naman ako kailangan handugan ng ganito, pinili kong maging tapat na kaibigan saiyo dahil iyon ay ginusto ko..."  saad ko at ngumiti sa kaniya nang matamis

Ngumiti rin ito nang matamis at hinawakan ang aking kamay. "Wala iyon, sa lahat ng aking naging kaibigan ay ikaw lamang ang tumagal at nagbigay halaga sa'kin." wika niya at sumilay ang isang napakagandang ngiti.

"Halika, ipapasyal kita sa'ming hardin. At huwag kang mag-aalala maya-maya lamang din ay ipapahatid na lamang kita sa mansion ng mga Villaflores." patuloy niya, tumango ako sa kaniya bilang pagpapahiwatig na rin ng aking pasasalamat.

Lumabas na kami sa kaniyang silid at nagtungo palabas ng kanilang tahanan.
Pagkababa pa lang namin sa kanilang asotea nang bigla naming narinig ang isang tinig na wari'y may hinahanap ito. 

"Binibining Solana!.." tinig ng kanilang soltera na sa aking palagay ay nasa labing-anim pa lamang ito. "Bakit Anna?" takang tanong ni Binibining Solana.

"Binibini, Ikaw po ay hinahanap ng inyong ina" saad niya habang hinahabol ang kaniyang paghinga. "Pakisabi'y ako'y nariyan na." tugon ni Solana at napatingin sa'kin.

"Maiwan na muna kita rito Binibini Eliana nang ilang sandali. Hintayin mo  lamang ako rito..." saad niya at ngumiti sa'kin. Napangiti ako sa kaniya at napatango.

Bumalik na siya sa loob habang naiwan akong mag-isa sa harap ng kanilang tahanan. Sandaling umihip ang malamig na hangin at inilipad nito ang ilang hibla at talutot ng mirasol na nangagagaling sa kanilang maliit na hardin.

Napangiti ako at pinagmasdan iyon ng tingin hanggang sa hinakbang ko ang aking mga paa upang mas masilayan ang mga ito.

Nang huminto na ang hangin ay kusa na ring tumigil ang pagliparan ng mga hibla ng talutot ng mirasol. Pinagmasdan ko ang hinandog sa'king panali ng buhok ni Binibining Solana, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hinandugan niya ako ng ipit.

Sandaling napakunot ang aking noo nang mapagtanto kong kulang ito ng isang piraso, tatlong piraso itong panali ng buhok na inabot sa'kin kanina. Agad akong napatingin sa ibaba ng aking kinatatayuan at sa paligid. Umaasang makita ang isang panali ng buhok na iyon.

"Ito ba ang hinahanap mo Binibini?"

Agad akong napalingon sa'king likuran nang marinig ko ang baritonong tinig na iyon. Sandali akong natulala dahil sa agad na pagtama ng aming mga mata.

Isang metro ang layo niya sa'kin,  nakasuot siya ng itim na pang-ibaba at kulay asul na pang-itaas. Mababakas sa kaniya ang kaniyang kakisigan ng kaniyang pangangatawan, matangkad ito at may pagkakayumanggi ang kaniyang balat.

Mahirap itanggi sa aking sarili ang katotohanang siya ay kaibig-ibig. Bakas sa kaniyang tindig ang pagkamaharlika. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya mula sa kaniyang makakapal na kilay niya at nakahahalinang mga mata. Pababa sa kaniyang matangos na ilong at mapulang labi.

"Binibining Eliana narito na muli ako!"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko ang tining ni Binibining Solana palapit sa'min. Kitang-kita ko ang pagkagalak nito at ang paglaki ng kaniyang ngiti habang papalapit sa'min.

"Kuya Samuel narito ka pala. Nga pala Binibining Eliana, ipinapakilala ko sa iyo ang aking Kuya Samuel. Kuya Samuel siya naman ang aking kaibigan, si Binibining Eliana." nagagalak na saad nito habang nakangiting nakatingin sa'kin.

Napangiti ako nang tipid at binalingan ng tingin si Ginoong Samuel na ngayon ay nakatingin muli sa'kin at nakakangiti nang bahagya.

"Ikinagagalak kitang makilala, Binibini."



Nabibigla,
Eliana




Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now