May maliit itong mukha at maaliwalas na hitsura, matangos din ang kaniyang ilong at may nangungusap na mga mata. Tuwid at maiitim ang buhok nito, bagay na mas lalo nitong ikinaganda. Hindi rin halos nalalayo ang aming edad sa isa't isa.

Napangiti ako at lumapit sa kaniya "Binibining Solana?" tanong ko.

"Ako nga ito Binibini." sambit nito at hinagkan ako nang bahagya. Tatlong linggo na ang nakalipas nang huli naming pagkikita.

"Marahil kanina pa kita pinagmamasdan sa loob ng simbahan. Aking hinihintay na lumingon ka sa aking gawi ngunit hindi mo ito ginawa." sambit nito at mapait na ngumiti.

"Pasensiya ka na Binibini, hindi na mauulit" paghingi ko ng paumanhin at ngumiti nang matamis. Napangiti ito sa'kin at yumakap sa aking braso.

"Ikaw ba'y may pupuntahan Binibini?" tanong nito habang nilalakad namin ang daan palabas sa kumbento.

"Wala naman binibini, sa katunayan ay pauwi na ako sa mansion ng Villaflores" tugon ko.

Napangiti siya at napaharap sa'kin "Kung gayo'y maaari ba kitang imbitahan sa aming tahanan?" hiling nito sa'kin.

Sandali akong napatigil sa kaniyang tinuran, ito ang unang beses na makadadalo ako sa kanilang tahanan. Tila nakaramdam ako ng kaba, isang kilalang  Mayor ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina'y kilala rin, dahil sa pagiging makatao at matulungin niya sa mga mamamayan.

Napakagat ako sa aking labi bago tumugon. "M-maaari naman binibini, ngunit hindi ba parang nakakahiya iyon?"
nag-aalinlangang tanong ko at tumingin sa kaniyang mga mata.

Napabuntong hininga ito at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. "Sino ang nagsabing makaramdam ka ng hiya Binibining Eliana? Ikaw ay matalik kong kaibigan  kung kaya't ang aming tahanan ay bukas para sa iyo." wika niya at ngumiti nang matamis habang nakatingin sa'kin.

Napakagat ako sa aking labi. "Ngunit, Binibini—"

"Wala nang ngunit-ngunit." saad niya sabay hila niya sa'kin patungo sa kanilang kalesa.




"MARAHIL ay ako'y nagagalak ngayon" panimula niya dahilan upang mapasulyap ako sa kaniya at binigyan ito ng isang malaking ngiti. 

"Ano ang dahilan ng iyong kaligayahan binibini?" tanong ko.

Ngumiti ito sa'kin bago tumugon "Sapagkat dumating na ang aking nakatatandang kapatid." nagagalak niyang tugon. Napatango-tango ako at napangiti. 

"Si Ginoong David?" hula ko.

Nagtataka ang mga mata nitong sumulyap sa'kin habang nakakunot ang kaniyang noo. "Binibini iyo na bang nakaligtaan  na dalawa ang aking nakatatandang kapatid" saad nito.

Napasingkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Hanggang sa naging malinaw na sa'king isipan kung sino ang binabanggit niya. Si Ginoong Samuel.

Napataas ang dalawa kong kilay nang napatapik si Solana sa kaniyang noo na tila ba may naalala. "Aking maalala, aking hindi nasabi sa iyo binibini na dalawa ang aking nakatatandang kapatid" tugon nito at pilit na ngumiti.

Napangiti ako nang malapad at bahagyang natawa sa kaniyang tinuran. Kahit hindi na niya sabihin sa'kin ay may kaunti na rin akong nalalaman sa kaniyang kapatid.


"Pasensiya ka na binibini, sa ating dalawa marahil ako ang may nakaligtaan" sambit niya at itinaas ang abanikong hawak nito sa kalahati ng kaniyang mukha.

"Wala iyong problema Binibini, hindi mo naman kinakailangan na banggitin sa'kin ang buong angkan at istorya ng iyong pamilya." saad ko at ngumiti nang matamis.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon