"Ilang babae na ang sinabihan mo ng linyang iyan, Tito Gavril, huh? I'm probably young, but I'm not stupid." Anong akala niya, na madadala niya ako sa malalalim na boses na iyon? Na maniniwala ako sa mapupungay niyang mata? Never!

Gumalaw ang kanyang panga.

"Oh! Hindi ka makapagsalita dahil totoo, hindi ba? Mabuti at nalaman ko ngayon ang pagkatao mo, madali pa naman akong makalimot sa mga manloloko!" I declared and pushed him again.

Kaagad kong pinunasan ang luha na trumaydor sa akin at kumawala sa aking mata. Nakita kong nanlaki ang mata niya nang makita ang luha ko, hindi na iyon nasundan pero sigurado akong nakita niya.

"U-Umalis ka," madiin sabi ko, halos mapamura ako sa isip ko dahil nautal ako.

Tinulak ko siyang muli sa balikat, hinawakan niya ang kamay kong iyon at dinala sa kanyang labi upang halikan.

Ang init ng kanyang labi, parang napaso ang kamay ko roon.

"Hush, sorry. I didn't mean to snapped at you, my highness, don't cry," he whispered like he was in pain.

Pilit kong binawi ang kamay kong hinahalikan niya, kinagat ko ang aking ibabang labi para hindi maiyak.

Hindi ako iiyak. Bawal akong umiyak.

"L-Lumayo ka, bitawan mo 'ko. Hindi naman ako umiiyak e, inaantok na ako." Naging mahina na ang aking boses, kaunti na lang ay bibigay na ako kaya gusto ko na siyang umalis sa harapan ko.

Gavril kept kissing the back of my hand. I don't know if there's something connected to my stomach because I feel cold inside my tummy.

"What made my baby upset, hmm?" he mumbled.

Umawang ang aking labi, nagtama ang aming mata, mas pumungay ang sa kanya at hindi ko naman alam ang sa akin.

"Don't fucking call me that, I'm not a baby!"

"Uh-huh."

Palihim akong napalunok habang nilalabanan siya nang tingin, ngayong sobrang lapit namin ay mas natitigan ko ang kanyang mukha. His scars are visible; they're long and deep bruises, from his forehead down to his cheek, some on his neck too. I noticed his manly, stubble beard. Even after only a few moments of staring at him this close, I'm struck by how dark and round his eyes are.

"I lied, your highness."

"Oo, tingnan mo na! You're a liar and—"

Suminghap siya. "I don't have any other women and I am not going to marry anyone else. Wala akong ibang nagugustuhan. Do you hear me?" mahinang bulong niya, halos tumama ang kanyang mainit na hininga sa aking pisngi.

Marahan niyang ginalaw ang magaspang at malaki niyang hinlalaki sa aking panga.

A pleasurable shiver ran down my spine.

"Wala akong pakielam, kahit sampo pa babae mo, ibente mo pa!" Parang may bumara sa aking lalamunan.

Bumuga siya ng hangin animong frustrated siya dahil sa sinabi ko.

"God, tatanda ako lalo sa'yo," he whispered like talking to himself.

Sinamaan ko siya ng tingin, ang kamay niyang nananatili sa aking panga ay bahagyang kinurot ang kanan pisngi ko kaya mas sumama ang mukha ko't hinawi iyon.

"Matanda ka na talaga!"

"Hm."

"You're a stupid liar!"

"Uh-huh." He kissed my forehead.

"Y-You're not even my type." I said. He kissed the corner of my right eye.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon