"Yun naman pala eh! eh di sila ang kausapin mo! okay na yung kinamusta mo ako kanina. Kontento na ako dun. Have a good day!" sabi ko bago tuluyan ng naglakad palayo sa kanya.

Alam ko namang mabait si ate Maicey. Kahit papano may pinagsamahan din naman kami. Pero given na yung mga ginawa nya dati? pati ako napahamak eh! saka ano pa bang kailangan nya sa amin? sabi ni Axel, sila na daw nung damuhong Hex na yun! Kaya para saan pa yung mga pinagsasabi nyang mahal pa nya si kuya Valen? yun ang hindi ko alam. At kung tatanggapin pa ba sya ni kuya Yuto? aba! minahal sya ng lubos ni kuya to the point na madami na syang sinakripisyo tapos ang ending si kuya Valen pala sasagutin nya? oh eh kung ikaw si Yuto Uzumaki, magiging okay ka lang ba?

Sabagay, yun din ang hindi ko alam.


Lia's POV

Hindi talaga ako mapakali.

Hindi nga din ako nakatulog ng maigi kagabi sa kakaisip. Papano ba naman kasi nawala yung susi ko sa kwarto. Buti na nga lang at hindi ko pa nakuha sa sampayan yung mga nilabhan ko nung isang araw kaya kahit papano ay may mga naisusuot pa ako. At salamat na din kay Love dahil pinayagan nya akong gamitin yung banyo nya kanina. Kaso lang masungit din sya kaya hindi ko alam kung makakaligo pa ako dun sa kwarto nya bukas.

Saan ko ba kasi naiwala yung susi?

Ayoko din namang  sirain yung pintuan. Isa pa kapag sinira ko, hindi ko din alam kung papano aayusin. Mukhang mamahalin pa naman yung doorknob. Saka wala din naman akong ibang maisip na pwedeng sumira nun. Imposibleng tutulungan ako ng magpipinsan. Ayoko namang tawagan si Mr. Mariano para sabihin lang na naiwala ko yung susi, parang hindi naman maganda iyon. Isa pa baka isipin nyang ilang araw palang ako sa bahay eh naiwala ko na agad ang gamit nya. Ayoko din namang ipaalam kay Mr. Wu, panigurado sasabihin din nya iyon kay Mr. Mariano.

At kung hindi ba naman ako bangag, iniwan ko din sa loob ng kwarto ko ang spare key. Oh diba amazing?

Huhu! gusto ko ng umiyak.

Wala sa sarili akong napatingin sa katabi ko ng kinulbit ako nito. "Bakit?"-ngarag kong tanong sa kanya

"Tawag ka ni Ma'am"

"Sige.." walang gana kong sagot. Titingin na sana ako sa harapan ng magsink in sa utak ko ang kanyang sinabi kaya muli akong napatingin sa kanya. Sya naman ay poker face lang ding nakatingin sa akin.

Agad kong nilingon si Ma'am at tama nga si Yuto, matalim ang tingin ng teacher sa akin. Hindi lang pala sya kundi ang buong klase namin.

"Ms. Arellano, are you listening?" striktong tanong nya sa akin

Hindi pa man ako nakakasagot ay naunahan na ako ni gagong oppa. "Ma'am baka tulog yan."

"Pero parang hindi naman ata, nakadilat eh" sagot ni Leon na syang katabi ni Sabrina. 

"Edi nanaginip ng gising! hahaha!" muling sabat nito at nakisabay na din ang lahat sa pagtawa nya. Humanda ka sakin mamaya, titirisin talaga kita gagong oppa!

Hinampas ni Ma'am ang kanyang desk dahilan para  maputol ang kaligayahan ng lahat at tumahimik ang mga ito. "Ms. Arellano, learn how to respect my Science class. I hope you'll pay attention from now on."

"Pasensya na ho Ma'am." nasabi ko nalang. Nagising ata diwa ko dahil kay Ma'am Legarda. Hindi biro ang presensya nya. Nakakatakot.

"Arellano.." muling pagbanggit ni Ma'am ng apilyedo ko kaya napaayos ako ng upo. Muli na sana akong sasagot sa kanya dahil akala ko tinatawag na naman ako, pero may karugtong pa pala. "Seinfeld and Uzumaki. Group 8. Topic-Tissues"

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now