"Hindi eh, since galit narin naman siya edi sabayan na natin nung sa papel para lalong magalit. Tayo na nga nag aalala tas mag iinarte pa eh" pagsusungit ko kaya si Neon naman ay nakatingin lang nang masama

"Void.. " Pagtawag ni Harmonia

"Oh ayan" sabi ko at pinakita ang picture ng paper. Biglang tumahimik ang lahat ng makita nila.

Hindi nila kita ang reaction ko dahil ako'y nakashare screen. Napatingin si Kisha kay Neon na gulat dahil sa nakita niya. Tumahimik bigla

"Oh my.." sabi ni Orio sabay sumipsip ng iniinom niyang ice tea.


"Maniwala kayo hindi ako gumawa nun. Alam niyo namang andito ako, bakit ako?" ani ni Neon na may halong kaba at pag-aalala sa tono ng boses

"May point si Kuya pero pwede rin ikaw ang nag utos tapos inutusan mong lagyan ng clue para malaman namin?" kalmadong paliwanag ni Scarlet

"Scarlet!" sigaw ni Neon

"What? I'm just guessing? edi don't" sabi ni Scarlet na sumimangot lang

"Dahil sa ugali mo, siguro may possibility pero dahil wala pa kaming evidence na ikaw baka paniwalaan ka naming hindi ikaw yung pumatay sa estudyante" sabi ni Tyco

"Atsaka hindi naman natin alam kung yung 'N' ba ay first letter ng name, maybe last or basta may letter 'N' lang sa name" kalmadong sabi ni Harmonia. Kahit siya rin mismo may 'n' sa pangalan... hmm..


"So anong mangyayari?"

"Well sabi daw, i-interviewhin daw mga estudyanteng nags-start sa letter 'N' ang pangalan" sabi ni Stacy kaya napabuga nalang si Neon ng hangin, yumuko at napahawak nalang sa buhok

Tiningnan ni Kisha si Neon. May sinabi ito kaya napatango nalang si Neon. Medyo mahina pagkakasabi niya kay Neon kaya lalaksan ko sana volume ng phone ko para marinig pero tapos na sabihin ni Kisha.

"I'll be fine.. right? will they believe me?" tumingin si Neon kay Kisha na kanina pa siya tinitingnan, halata parin nag aalala. Tumango si Kisha.

"Yes you'll be fine. Just tell them the truth" sabi ni Kisha

"Ehem" pekeng ubo ni Elixir. Kaya napatigil ang dalawa

"So ano gagawin natin?" Tanong ni Elixir

"Lets stay alert lalo na't unti unting nagpapakita ng signs and clues yung killer. Atsaka kasama daw si Void sa pagtingin ng mga i-interviewhin kasi siya daw nakahanap ng papel so baka makakuha si Void ng information" tinutok ni Stacy ang camera kay Tyco na nagsalita

"What if magkaibang killer yung pumatay kay Gwen at dun sa estudyante?" tinutok naman ni Stacy ang camera sa katabi ni Tyco na si Harmonia

"They might be connected, lets still find the person who's behind this" sabi ni Scarlet

"Kasama nga pala ako sa i-interviewhin ano?" sabi ni Elixir
kaya nagtaka kami

"Ha? bakit?" tanong ni Orio

"Ako yung napagkamalan nilang pumatay kasi ako lang ang nasa rooftop nung naganap yun pero naligtas ako ni Stacy at Void nung ipakita ni Void yung papel sa mga adviser pero sabi daw i-interviewhin ako eh" paliwanag ni Elixir at napatawa nalang

"Wait nakita mo ba yung killer?" Tanong ni Tyco, na nag iintay ng sagot dahil kailangan rin namin malaman yun

"Well uhh.." di na nakapagsalita si Elixir since pinag iisipan pa niya

"Uh guys.. Cassidy's awake" sabi ni Harmonia

Binitawan ni Stacy ang phone at nilagay sa table ng di namamalayan kaya di namin nakita kung anong nangyaring kasunod

"Cass.." sigaw ni Stacy. Di namin makita kung anong nangyayari

"Cass how are you feeling?you okay?" tanong ni Tyco di parin namin makita

Biglang tumahimik..

"Y-yeah I'm fine sumakit lang ulo ko medyo nanghina ako" narinig namin ang raspy voice ni Cassidy na halatang kakagising lang

"Uh hello andito pa kami" sabi ni Scarlet kaya napatawa nalang si Kisha ng mahina

"Ay sorry" tinayo ni Stacy ang phone at tinutok sakanila kung saan nakita namin si Cassidy na nakahiga lang sa kama sabay nakaupo si Harmonia sa upuan na malapit sa study table, si Elixir na nakaupo sa stool chair, nakatutok ang likod sa electric fan. Si Stacy at Tyco na nakatayo

"Pota ka Elixir, kaya pala ang init dyan ka nakaupo sa tapat ng electric fan" sermon ni Cassidy kay Elixir na ngumiti nalang at di namalayan na nakaharang pala siya sa tapat ng electric fan

"Kaya pala ang lamig, kala ko nga naka aircon kayo" sabi nito. Gago magkaiba naman ata ang hangin ng Electric fan at Aircon

"Ano pinag usapan niyo? Oh looks like Neon's getting better?" tanong ni Cassidy kaya tumango si Neon

"Yeah!" sabi ni Neon na natuwa kasi kahit papaano mabilis ang pag galing niya

"Anyway back to discussion tayo. From the top daw para malaman ni Cassidy" sabi ni Tyco

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
/ ˶. . ˶
/ づ💌 : Hi it's been a while. Medyo naging busy pero I'm back on track HAHA. Also hindi pa ako nakakakita ng kahit slight na improvement sa writing ko so siguro I'll try to practice more since ngayon lang ako nagtry magsulat ng Tagalog. Anyway Stay safe and healthy!

🖋 : [02. 21. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now