Halos mapamura nga ako kanina nang makita ang mga lingerie sa closet ng kwarto ko ngayon. My gosh! Sa mga nakita kong pantulog kanina ay ang silk dress at robe lang ang nakita kong maayos suotin. Ang iba ay puro mababa ang neckline at sobrang iiksi.




'Damn! Anong tingin nila sa'kin malandi? Sa sobrang tino ko ay hindi ko magagawang suotin ang mga 'yon para lang akitin ang mga male characters. Isipin ko pa nga lang ay kinikilabutan na ako. Geez!'





Inayos ko ang silk robe na suot ko ngayon at pinilit itong isara para walang pahamak sa malamig na gabi. Hehe!





Napalingon ako sa male lead nang manatili siyang tahimik at sa itsura nito ay mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. Dahil sa pananahimik niya ay hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa kabuohan nito.





Ngayon ay nakasuot siya ng black bathrobe dahil kagagaling niya lang sa banyo. Hindi pa nga siya nakakabihis dahil sa biglaan kong pagpasok kanina. Aba'y malay ko ba na may ginawa pala si Venom sa security system nitong kwarto ni Vile kaya nakapasok ako agad.





'Hayys! Sinasabi ko na nga ba ehh! Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga malalandi at may sayad sa utak na katulad ni Venom dahil mapapahamak ka talaga. Aish!'





Makalipas ang limang minuto kong pagmumuni-muni ay hindi pa rin nagsasalita ang male lead. Nangalay na nga ako lahat-lahat kakatayo dito sa may pintuan ay hindi pa rin siya umiimik. Hindi kaya patay na 'to? Hehe!




"Ayos ka pa ba?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko kasi ang pamumula ng pisngi, tainga at ng leeg niya. Mukhang malakas-lakas yata ang epekto ng gamot na pinainom ni Venomous snake sa kapatid niya.




Kung ako may kapatid na ganito ay malamang matagal na akong nagpakamatay kaysa siya pa ang pumatay sa'kin. Tama ba naman na painumin mo ang kapatid mo ng aphrodisiac?!




Grrr! Ako ang naloloka sa kabaliwan ng bruhang 'yon. May pasabi-sabi pa siya na 'Don't stick with my brother', pero siya 'tong ni-lock kami sa iisang kwarto. Ngayon ay masasabi ko na may pagkakatulad sila ni Clive sa pagiging baliw.




'Yeah, they are both so crazy that I want to choke them!'




"Narinig mo ba 'ko?" Pag-uulit ko nang hindi siya nagsalita. Problema neto? Hindi naman siguro ang pagiging pipi ang side effects ng gamot diba?




'*Sarcastic laughs* So funny, Carnelia! Hindi ka pa ba nasanay sa male lead na tamad na tamad kung magsalita. Minsan naman kung magsalita siya, nakamamatay! As in literal na nakamamatay sa sobrang kaba na maramdaman mo. Geez!'




Naglakad na lang ako papalapit kay Vile at sinilip ang mukha nito. Tinitignan ko kasi kung buhay pa ba siya, baka bigla 'tong mamatay, edi natapos ang istorya diba? Hehe! Be serious, Carnelia!




Nang makita ko ang walang emosyong mukha ni Vile ay nakahinga ako ng maluwag. Good thing at buhay pa siya! Nilingon ko ang basong binigay sa'kin ni Venom at mabilis itong kinuha.





Sa tingin ko kasi ay may note doon na nilagay ang bruha. Nang makuha ko na ang baso sa side table ng kama ay hindi nga ako nagkamali, dahil sa ilalim ng baso ay may maliit na red note na nakadikit. Agad ko naman 'tong binasa na kinakunot ng noo ko.





'Hello! This note was written by the beautiful me, so I'll go straight to the point! This drug is so high in dosage since I know that my brother is immune to any kind of poison and such. So, the only solution to this is to do the deed. Yes, that's right! You fuck each other 'til midday and tell me a good story tomorrow! Bwahahaha Good luck!' - Gorgeous Venom




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now