Napailing na lang ako at naglakad papunta sa railings. Diretso akong naglakad habang iniiwasang madaanan ang katawan ng lalaki sa sahig. Nang makita ang buong lugar ay hindi ko maiwasang mapangiwi. Nagkalat kasi ang katawan sa buong paligid at nagpawang kulay pula ang mga damo dahil sa dugo.







Kahit na madilim pa ngayon ay maaaninag mo pa rin ang mga itsura ng mga lalaki nang dahil sa liwanag na binibigay ng buwan. Nakapatay kasi ang mga ilaw sa paligid kaya mas lalong nagmumukhang nakakatakot ang buong mansyon.






*Rawr!*






Agad na naagaw ang atensyon ko nang marinig ang tunog na 'yon. *Gulp* Naigalaw ko ang ulo at tinuon ang mata sa naglalakihang hayop na nilalapa ang mga katawan ng lalaki sa damuhan.






"Ang cool talaga ng mga alaga ni boss!" Dinig kong sabi ng babae sa likod ko na pawang fan girl ng mga naglalakihang hayop sa baba.






'Yeah, they are cool but isn't that dangerous?!'






Napapailing kong tanong sa sarili nang makita ang limang 'wild animals' na pet kuno ni Vile. Kasalukuyan nilang pinaghihiwalay-hiwalay ang parte ng katawan ng mga lalaki na pawang natutuwa ang mga ito sa ginagawa.






'Aiya! Pati ba naman pets ng male lead mga demonyo din?!'






Napalunok na lang ako habang tinitignan ang Bengal tiger na excited na inaapakan ang hiwalay na ulo nung lalaki. Sa itsura niya ngayon ay hindi mo maiisip na siya yung cute na tigreng niyayakap ko kanina lang!






Sa kabilang banda naman ay nandoon ang white tiger na mukhang masaya din sa ginagawa. Kasama nito ay ang black Jaguar na isa-isang iniipon ang mga hiwalay na kamay na nakikita niya.






Samantalang, ang leopard ay sa kabilang parte naman naghahasik ng kasamaan. Katulad ng tatlo ay halatang nasisiyahan siya sa ginagawa na para bang bihasa na siya sa paghihiwalay ng mga ito.






'Oh my! This is so awesome!'






*RAWWWRRRR!!!*





(O_O)






"Kyahh! King is the coolest among them!" Excited na tili ng babae nang makita na lumitaw na ang literal na 'King of the jungle'!






'They are so huge! What the fuck?!'






Namamangha na lang akong tumingin sa lion na nakaupo lang sa damuhan. Sa itsura nito ay para siyang boss na naghihintay na matapos ang mga tauhan niyang tapusin ang trabaho nila. Aiya! May attitude ang lion na 'to at halatang may pinagmanahan.






"Boss..."






Napalingon ako sa may sliding door ng veranda nang marinig ang boses ng babae. Doon ay nakatayo ang napakagwapong male lead na nakatingin na sa'kin ngayon. Sa tingin ko ay pinag-aaralan niya ang kabuohan ko.







Ako naman na lutang ay napatigil at wala pang limang segundo ay agad na nag-sink in sa'kin ang lahat. Shit! I'M HEAVENHELL!!! Nang makita ko si Vile ay automatic na nanlambot ang tuhod ko at pinilit na patuluin ang luha sa mata ko.






'Cry and pretend that you're scared to death, Carnelia! Baka nakakalimutan mo ang male lead ang kaharap mo! Geez!'






"Yo–young master..." mahina kong tawag sa kaniya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagtaka yung babae sa gilid.







Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now