CHAPTER 45

374 20 1
                                    

JACOB POV

"YOU!, YOU!, YOU!, AND YOU!!! ALL OF YOU ARE SUSPENSION FOR ONE WEEK!!!"

Galit na pasigaw na sambit ni Ms Lucy habang napinag tuturo kame isa-isa.

"Lahat kayo buong section nyo suspension for one week!! Hindi na talaga kayo nadala dala!! Mr. Ozideo and Mr Ellison ngayon kayo naman ang nag bubugbugan!! Mr. Bongay Mr Montefalco wala talaga kayong kadala dala.!!!. Valeoux ikaw ang student council nakisali ka rin sa gulo ano bang gusto nyong mang yari!!! All of you ipapatawag ko ang mga magulang nyo at kakausapin ko Mr. Bongay i need talk to your parents naiintindihan mo gusto ko yung mismong magulang mo ang kakausapin ko!" Sambit ni Ms Lucy saamin

Pag tapos niya kami pagalitan nang paulit-ulit ay pinalabas niya na kame nauna na kaming lumabas kesa kila Oliver habang nag lalakad kame pabalik ng classroom ay narinig naming napa buntong hinga si Luxeen ng malalim.

"Couz! Ano ready kana pag uwi mo? Paniguradong yari ka kay tita!" Seryosong sambit ni Luxeen sa pinsan niya. "Pati ako yari dapat kase di nyo na pinatulan"

"Dapat pala di na tayo bumalik" seryosong sambit ni Kyle na agad naman siyang hinampas ni Luxeen sa balikat.

"Edi ganun din damay din tayo shunga! Buong section nga daw diba!" Sambit sa kaniya ni Luxeen at saka siya tinarayan.

Habang nag lalakad kame ay kinuha ko ang phone ko para tawagan si mommy. Na agad naman niya sinagot.

"[ Napatawag ka anak ]

"Mom kaylangan kayo kausap ni Ms. Lucy tomorrow may nagawa kase kaming gulo"

Narinig kong napa buntong hinga din si mommy sa kabilang linya bago ito mag salita. "[ Okay i"ll come. Jacob please!! Wag kanang gumawa ng gulo diyan gusto mo ba na ang daddy mo na mag punta diyan sa eskwelahan mo Jacob naman alam mong ayaw na ayaw ng daddy mo na gumagawa ka ng gulo ]" dere-deretsong sambit saakin ni mommy. Sumangayon na lang ako sa kaniya bago ko ibaba ang tawag niya.

Pag pasok namin lahat ng mga classmates namin yung iba ay tahimik yung iba naman at mga tinatawagan naman yung parent nila.

"Zeph! Paniguradong yari ka sa parents mo" dinig naming sambit ng isa naming kaklase sa kaniya.

"Wala yung parents ko dito sa pilipinas nasa Spain sila inaasikaso yung business namin baka si tita or si Kuya na lang ang pupunta para saakin bukas" pilit na ngiti niyang sambit sa kaniya.

Lumapit naman sa kaniya si Archius at may sinabi kaya tinanguan niya lang ito. Agad namang bumalik si Archius sa puwesto namin

"Kyle siya ba yung kinukwento na yung parents niya strick?" Pag tatakang tanong ni Luxeen sa kaniya. Na tina nguan naman agad ni Kyle.

"Pero di ko alam na may kuya siya ang alam ko only child lang din siya." Kunot na sambit ni Kyle at saka tumingin kay Zeph.

"Kuya! May kuya ka ba?" Pag tatakang tanong ng classmate namin sa kaniya.

"He's not brother. Pinsan ko lang siya. Siya na lang ang papuntahin ko dito sa school wala din kase si Tito ayaw ko naman sa bihin kay tita paniguradong pati siya ay pagagalitan ako at baka sabihin niya din sa parents ko" seryosong sambit niya.

Napatingin kame nang pumasok sa ang bago naminy adviser na si Ms. Sammy.

"Hindi na ko mag sasalita about sa nang yari kanina" seryosong sambit niya at saka kinuha ang record book niya. "By the way i need your middle name for record hindi kase ibinigay ng dati nyong adviser ang mga attendance nyo kaya wala akong record sainyo.

"Aldridge Kaiden what is your middle name" tanong agad sa kaniya ni Ms. Sammy.

"Scott po Ms. Sammy." Sagot naman agad sa kaniya ni Kaiden.

"Mr. Bongay your middle is?"

"Farrel" walang ganang sambit niya kay Ms. Sammy kaya tinignan siya nang masama saglit nito at ibinalik ang tingin sa sinusulat niya.

"Sinong nakakaalm ng middle name ni Bonvich?" Tanong ni Ms. Sammy na agad namng nag salita si Oliver.

"Velasquez middle name niya Ms. Sammy." Sambit ni Oliver sa kaniya agad naman napatingin si Ms Sammy sa kaniya at saka tinignan ang record book niya pati sa laptop ay tinignan niya din bago ibinalik ang tingin kay Oliver.

"Sigurado ka? Kase meron na palang naka lagay sa laptop ko na mga middle name niyo sorry ngayon ko lang na received yung email ng former adviser nyo." Sambit ni Ms Sammy pa din saamin " tatanong ko nalang yung mga wala pang mga middle name.

"Oo ma'am Velasquez ang middle name ni Neczeus" sambit parin sa kaniya ni Oliver.

"Velasquez ang middle name niya pero ang naka lagay sa record niya is Neczeus Bonvich Eton" takang sambit sa kaniya ni Ms Sammy.

"E-eton  Ms Sammy?" Biglang utal na sambit ni Oliver sa kaniya.

"Oo ako na lang bahala dito. Ms Xyierra what is your middle name?" Tanong naman niya kay Luxeen.

"Oxford po ma'am" ngiting sambit ni Luxeen sa kaniya tinignan namn siya agad ni Ma'am at saka ngumiti.

"Ah ikaw pala yung nag iisang anak na babae ni Ms Lucy. Okay." Ngiting sambit niya sakaniya at saka isinulat sa record book niya pati sa laptop. "Mr Willow What is your middle name"

"Saville po ma'am" sambit niya agad naman napatingin sa kaniya si Ms. Sammy kahit si Luxeen at Oliver at napatingin din sa puwesto niya.

"Are you related to Dra. Laura Nalla Saville? I think her family is one of the richest in Asia" Gulat na sambit sa kaniya ni Ms. Sammy.

"Yes Po she's my Auntie and her Daughter Luna and her son Luis is my first cousin." Sambit sa kaniya ni Zeph

"Eh? Siya yung pinsan ni Luna?" Napatingin ako kay Luxeen nang bigla siyang mag salita.

"Di ko alam na pinsan siya ng kaibigan mo parang di naman ata sila close." Singit na sambit sa kaniya ni Kyle.

"Damay nga pala pati siya" mahinang sambit ni Luxeen.

"Anong damay?" Takang tanong sa kaniya ni Kise.

"Damay diba lahat tayo ipapatawag yung parents para kausapin ng dean" seryosong sambit sa kaniya ni Luxeen

"Oo nga naman pero alam ko ni isang beses hindi pumupunta ang mom or dad niyang ni Zeph" sambit naman ni Ezekil at saka tumingin sa puwesto nila.

"Baka naman kase hindi siya sumasali sa gulo tulad nyo" seryosong sambit ni Luxeen sa kaniya.

"Akala mo lang yun kaibigan niya si Oliver. At kasali rin siya sa prat at gang niyang si Oliver."

"Tignan na lang natin bukas kung sino ang pupunta para sa kaniya bukas" Sambit ni Luxeen

"Baka mommy ni Lurein" takang tanong ni Archius sa kaniya.

"Kung si Tita Nalla ang aatend para sa kaniya mukhang lahat ng santo matatawag na niya" natatawang sambit ni Luxeen sa kaniya.

"Ganun ba'ng nakakatakot ang mom ni Lurein?, Ano bang ugali ng mommy niya" Takang tanong ni Kyle sa kaniya.

"Si Tita Nalla siya yung tipong hindi mo gugustuhing maging parents" seryosong sambit sa kaniya ni Luxeen

"Huh? Bakit naman?" Biglang tanong ko sa kaniya.

"Dati kase nag kwento saamin si Kuya Lucio na  pag nagagalit daw ang mommy nila ni Lurein lagi daw siyang ikinukulong sa kwarto tapos hindi siya papakainin. Di ko alam kung sinasaktan siya di naman kase niya na kwento yun. Tapos pag nasangkot ka sa gulo kahit hindi ikaw ang may kasalanan sa paningin niya ikaw ang mali. Tahimik lang din kase si Tita Nalla tapos laging seryoso sa lahat ng bagay. Ganun" Pag kukuwento ni Luxeen.

"Kaya pala nung nasa hospital tayo ganun nalang ang kaba nyo ni Krishna nang tawagin siya mg mommy niya?." Seryosong sambit ni Lucas sa pinsan niya.

"Di na nga sinabe ni Lurein kung anong pinag usapan nila ng mommy niya kase parang wala din siyang balak sabihin eh" Sambit parin ni Luxeen

Napatingin ako sa piwesto ni Zeph nang lumapit sa kaniya sila Oliver at umupo sa tabi nito at saka may ibinulong kay zeph.

TO BE CONTINUED

The Only Girl In The OXFORD ACADEMYOn viuen les histories. Descobreix ara