CHAPTER 12

1.1K 53 1
                                    

JACOB POV'

Napatingin ako sa relong naka sabit sa itaas sa pander ng counter ng SMTS

3:15pm na pala.

"Tara laro tayo basketball" pag yayang sambit ni Kyle.

"Bukas na lang total sabado naman na bukas maaga tayo para may exercise nadin" sambit ni Kaiden sa kaniya habang nakatotok sa cellphone.

"[ Oh!... Ano nanaman ba yun.... Oo alam kong hindi mo ko na miss oh bakit tumawag ka nanaman ha? Di ko nga kasama si Luna kung yan nanaman ang itatanong mong hudlom ka! ]"

Napatingin kaming lima kay Lucas. Habang nasa tenga nito ang cellphone inilayo niya pa ang cellphone niya sa tenga niya dahil sa biglang pag sigaw ni Luxeen mula sa kabilang linya.

"Si Luxeen ba kausap mo?" Mahinang tanong ni Kyle sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya at tinignan ang cellphone.

"...... okay?.... What are you saying Lux?"

Pinakinggan lang namin sila na nag uusap hanggang sa hindi namin marinig si Luxeen mula sa kabilang linya napa tingin naman saamin si Lucas at saka tumawa.

"Hey....... Luxeen... Ah alam ko na kausap mo siguro yung sho----" sambit ni Lucas sa pinsan niyang si Luxeen habang pinipigilan ang tawa. Hanggang sa binabaan na nga siya nang tawag nito.

"HAHAHAHAHA...yari to sakin pag uwi pupunta talaga ako sa bahay nila" tawang tawang sambit ni Lucas.

"Psh... Pag titripan mo nanaman pinsan mo" seryosong sambit ni Ezekil sa kaniya.

"Ang cute kaya pag tripan ng pinsan ni Lucas ang cute nang mukha pag nagagalit" tawang sambit ko at agad naman nila ako tinignan.

Napatigil ako sa pagtawa at kunot noo sa kanilang tumingin. "Oh bakit ganyan kayo makatingin?"

"Bro! Wag mo masyadong asarin si Luxeen" Kiden said.

"Enjoy na enjoy mo ang pang aasar kay Luxeen, Jacob umayos ka nga!" Seryosong sambit naman ni Ace.

"Tigilan mo nakaya pang iinis doon" sambit ni Kyle at saka uminom sa milktea niya.

"Ano ba mga pinag sasabi nyo mga sira ulo ba kayo?" Bilang inis na sambit ko sa kanila.

"Tol. Baka malaman na lang namin may gusto kana sa pinsan ko ah" seryosong sambit ni Lucas saakin habang naka tingin sakin ng masama.

Napabuntong-hinga na lang ako sa mga pinag sasabi nila. Mga gung-gung ako mag kakagusto sa babaeng yun.? Asa. Maganda naman talaga si Luxeen kahit nga kaibigan kong si Nam eh maganda rin parehas lang sila pero hindi ko naman sila gusto asa!.

"Tumigil ka nga wala kong gusto sa pinsan mo no kung mag kakagusto man ako sa isang babae gusto ko yung maganda, matalino palaban at yung walang paki kung ano ka"

Seryosong sambit ko sa kanila. Tinanguan lang nila ako at natawa sa mga sinabe ko.

"Mga gung-ngung ang mga hudlom."

Sabay sabay kaming napatingin nang may pamilyar na babae'ng pumasok sa loob ng SMTS. At may kasamang dalawang lalaking kasunod niya.

"Siya ang gusto ko katulad niya"

Bahagya akong napangiti nang tignan ko siya papalapit sa counter.

"Oh tapos anong gagawin namin doon?" Asar na tanong nung lalaking nasa likod niya. Naririnig namin yung mga pinag uusapan nila dahil malapit kame sa counter kung saan sila naka tayo ngayon.

"Anong gagawin nyo doon mamalimos gusto nyo?... Alam mo Christopher kanina kapa tanong nang tanong nakakapagod kaya nang paulit ulit.... " Sambit niya sa kaniya habang nakatoon sa menu ang paningin.

"Lurein look sumama ka kaya"

Napahawak naman siya sa ulo niya nang batukan niya yung lalaking kinakausap siya.

"Kayo nga lang ang puweding sumama doon sa monday" naiinis na niyang sambit sa kaniya.

"Cyden tayo lang palang dalawa ang pupunta doon." Naka ngusong sambit niya sa lalaking nasa kaliwa naman ni Lurein.

"Luna Sure kana talaga kaming dalawa lang talaga ang papa-puntahin mo doon?.."

Humarap naman si Lurein sa kaniya at pinag cross ang dalawang braso nito. " Ano ba!!... Apat kayo ata or lima kasama nyo sila Ivan, Viel at Charl nang 2nd A ang alam ko makakasama nyo din yung mga taga Oxford Student"

"Huh? Pati yung mga yun sino sa mga yun?"

Nagkatingin kaming anim sa sinabi ni Lurein sa kanila.

"Tayo ba yung sasama sa kanila wala panaman sinasabi sila Ms Victoria satin ikaw ba Ace?" Takang tanong ni Lucas sa kaniya. Agad namang napa iling si Ace kahit siya hindi niya din alam.

"Ang alam ko yung Oliver, at yung Hance di ko kase matandaan yung iba" sambit niya at saka lumapit ulit sa counter para kunin yung order niya nang tawagin siya ng kahera.

"Kaya please lang mag behave kayo okay sa Oxford ata kayo mag i-stay ng 1 week doon din kayo mag aaral" seryosong sambit niya.

"Makikita mo pala doon si Luxeen bro" natawang dinig namin na agad naman siyang binatikan nung lalaking kasamanila.

"Tsss.. manahik ka nga Christopher kanina kapa" asar na sambit sa kaniya nung lalaking kasama nila. Lumabas na din sila agad nang kunin na nila yung order nila...

"Wola pa bang ina-announce sila Ms Victoria Ace?" Pag tatakang sambit ni Kiden sa kaniya

"Wala pa nga hindi panaman nag patawag ng meeting si ms Lucy baka sa monday ko na malaman"

Nag lakad na kame papalabas ng Shop para bumalik sa school dahil iniwan namin yung mga sasakyan sa parking lot.

Pag dating namin sa parking lot nandoon ang mga kasama ni Oliver. Di ba talaga siya nag sasawang ma office kotang kota na siya.

"Ano nanaman kaya kaylangan nang mga yan" takang tanong ni Kaiden at derederetsong lang nag lakad papalapit sa kanila.

"Away naman hanap ng mga yan" seryong sambit ni Kyle at saka hinubad ang bazer ng uniform.

Mga mahilig sa away pero mga talunan naman agad akong pahawak sa sintido ng ilong ko habang naka pamewang na nakaharap sa kanila.

"Hoy!!... Ano nanaman ang kaylangan nyo diba kayo yung mga kaibigan ni Oliver." Sambit ko sa kanila.

"Maniningil lang naman kami ng utang sayo wag kang mayabang"

Ako kay utang sa inyo sabong ba siya kelan ako nagka utang? Na tawa ako sa sinabi niya saakin.

"Ako may utang?.. at kanino naman ako may utang? Tsss.. paano ko mag kakautang eh mayaman ako?"

"Totoo nga ang balita. Hindi ka lang matapang mayabang kadin pala talaga"

"Ano pa hinihintay niyo sugod na!.." walang ganang sambit ko sa kanila. Agad naman silang nag takbuhan papa lapit saakin yung iba ay madala pang mga tubo na pamalo

Pagka lapit na pagka lapit nila ay agad kong sinapak yung lalaking nag salita na nasa gitna ganun din ang ginawa nila Kaiden na nakikipag sapakan na ngayon sa mga kasama nung mukhang paa na lalaki.

"Sa susunod na susugod kayo dito siguraduhin nyong kaya niyo ako. Kame na iintindihan mo" Malakas na sigaw ko sa kaniya bago kinuha ang kuwelyo niya at sinapak ulit nang paulit ulit.

Nahagip naman nang paningin ko na hahampasin ng isa sa mga kaaway namin si Lucas nang hawak niyang kahoy mabuti na lang at agad na naka lapit si Ace at sinipa yun

"Lucas!! Ayos ka lang?" Sambit ko sa kaniya.

"Gago!! Muntik na ko doon okay lang naman gagantihan ko lang tong hayop na to" Seryosong sambit niya saakin at saka lumapit sa lalaking sinipa ni Ace at saka niya din ito Pinag sasapak sapak.

Nasan na ba yung gunggung na duwag na yun d*mint. Pag nakita kitang hayop ka sasapakin na talaga kitang hayop ka!!

Nag gagalaiti kong sambit sa sarili ko habang nakipapag sapakan sa lalaking nakasapak din saakin.

TO BE CONTINUED.

The Only Girl In The OXFORD ACADEMYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora