CHAPTER 25

685 26 0
                                    

JACOB POV.

"Sure ka na uuwi na tayo?" Pag tatakang tanong saakin ni Nam habang nag lalakad kame dito sa eskinita papunta sa kanila.

"Walang tayo Nam, iuuwi lang kita," Pang aasar na sambit ko sa kaniya.

Ganun na lang ang gulat ko nang bigla niya kong hinampas ng hawak-hawak niyang kawayan.

"Saan galing yung kawayan na hawak nito. Kung ano ano na lang nahahawakan nito at ihahampas saakin"

"ANG KAPAL MO AH MATAPILOK KA SANA" asar na sambit niya saakin.

Natawa naman ako sa itsura nang mukha niya.

"Hindi ako naka heels para matapilok tuleg ka?" Pang aasar na sambit ko sa kaniya alam kong asar na asar na siya saakin kaya nang aamba nanaman siya nang hampas ay agad na akong tumakbo papalayo sa kaniya.

"HOY!!!!... HAKOB!!!! YARI KA TALAGA SAAKIN PAG NAABUTAN KITA!!!.." sigaw na sambit niya habang hinahabop ako tumigil na lang ako sa pag takbo dahil sa kakatawa ko sa kaniya.

Nang makalapit na siya saakin ay akala ko hahampasin na niya ko nang kawayan na hawak hawak niya pero dumeretso lang ito at nilagpasan ako.

"Nam." Sambit ko sa pangalan niya pero hindi ako pinansin at tuloy tuloy parin sa pag lalakad.

Paulit ulit ko siyang tinawag pero hindi parin ako nito pinansin lahat na naisip kong itawag sa kaniya ay hindi parin talaga niya ako nililingon. Lumingon lang ito nang sabihin ko sa kaniya na sasamahan ko siya mag mall

"Nam. Sige na sasamahan na kita mag punta sa mall" sambit ko sa kaniya agad naman itong lumingon at ngumiti nang pagka lapad lapad.

Sabe na eh.

"We? Totoo? Baka trip mo lang tapos hindi naman pala" busangot na sambit nito.

"Oo nga. Tapos samahan mo na din ako sa Hospital after mong bumili nang kung ano-ano"

"Hospital? Bakit anong gagawin mo doon" seryosong tanong niya.

"May bibisitahin lang ako" sambit ko sa kaniya.

"Sino" taka niya pa ding sambit.

"Basta pag nandoon na tayo, tara na dami mo pang tanong eh"

"Masama ba mag tanong?" Naka ngusong sambit nito.

Pag dating namin sa kanila ang nandoon lang ang katulong nila si yaya edna. Ipinag paalam ko si Nam na after ko siyang samahan sa mall ay dederetso kame sa Hospital para bisitahin si Ace. Pumayag naman siya kaya pag labas namin sa kanila ay pura na agad ito nang taxi.

Excited talaga tong babae na to pag mall.

"Kuya sa Moa po tayo" deretsong sambit niya

"Moa? Hindi kaya traffic?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"Di yan, tara na po manong" sambit ni Nam sa taxi driver,

"Hindi pala traffic ah"

Napapailing na lang ako dahil sa traffic. Nandito parin kame sa Pasay sa rotonda.

"Akala ko-" di ko na naituloy pa yung sasabihin ko nang mag salita siya agad.

"Oo na..! Sorry na ang akala ko kase hindi traffic, pero malapit naman na tayo kaya please lang wag kang magulo!" Seryosong sambit niya saakin

Napatingin ako kay manong driver nang makita ko siyang naka tingin saamin sa rearview mirror habang naka ngiti at napapailing.

"Manong paki you turn na lang po sa mega mall na lang po" walang ganang sambit ko. Aangal pa sana itong si Nam nang sinamaan ko siya ng tingin.

"Hala..." Pag rereklamo na lang niyang sambit nang maka rating kaming mega mall ay agad siyang bumaba ng taxi. Nag bayad agad ako kay manong driver at sinundan agad si Nam pag pasok na pag pasok namin sa mall doon agad siya dumeretso sa books store

"Yan lang ang bibilhin mo?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Oo meron pa nga sana kaso sa Moa lang meron nun. Kaya ito na lang oh. Paki bayaran na lang ah wait kita sa labas salamat" ngiting dambit niya at agad ibinigay saakin ang hawak niyang apat na libro at mabilis na lumabas nang books store.

"Ang galing sinamahan ko na nga ako pa binag bayad." Walang ganang sambit ko habang pinag mamasdan si Nam na lumabas ng books store.

Agad akong pumunta nang counter at biniyaran yung libro'ng ibinigay ni Nam. Nang bayaran ko iyun. Ay agad kong ibinigay sa kaniya.

"Ikaw na mag dala nito" pag rerekmo niya habang nakasunod saakin.

Aba ako na nga pinag bayad ako pa mag dadala napaka bait naman talaga

Hindi na lang ako umangal at kinuha ko ulit sa kaniya yung paper bag. At baka hindi nanaman ako pansinin nito pag hindi ko sinunod.

Pag labas namin ng mega mall ay bumili na muna ako nang pweding makain ni Ace. At nag para agad ako ng taxi. At pinapasok agad siya sa loob.

"Monville Hospital tayo manong" deretsong sambit ko sa kaniya. Tumango naman agad siya at pinaandar agad ang sasakyan.

Mahigit dalawang oras ang byahe namin mula mega mall hanggang monville hospital. Nang makarating kame agad kong inabot yung bayad kay manong.

"Keep the change na lang salamat" sambit ko at  bumaba agad. Naka sunod naman agad si Nam saakin habang papasok kami sa entrance nang Hospital ay naka sabayan naman namin si Lurein.

"Luna!." Biglang sambit ni Nam sa kaniya sinamaan naman siya nang tingin ni Lurein samantalang tinawanan niya lang ito.

"What are you doing here?" Pag tatakang tanong ni Lurein at tinignan kame'ng dalawa na nag tataka.

"Wala sinamahan ko lang tong kumag na to may bibisitahin daw siya" sambit sa kaniya ni Nam.

"I see. By the way i'll go first na muna Nam, i have an emergency i'll talk to you later okay bye" sambit sa kaniya ni Lurein at dali daling pumasok sa loob nang hospital nag tataka akong naka tingin sa kaniya nang sinalubong agad siya nang isang lalaking naka doctor coat.

"Let's go" sambit ko kay Nam at saka dumeretso na agad kami at nag lakad sa hallway ng hospital papunta elevator.

Nang maka pasok na kame dito ay agad kong pinindot ang sixth floor.

Pag ka dating naman namin ay nag lakad pa kame nang kaunti hanggang sa nakarating na kame dito sa tapad nang kuwarto ni Ace kumatok lang ako nang dalawang beses. At binuksan yung pintuan nang kwarto niya at saka pumasok ganun na lang ang gulat ni Nam nang makita niyang si Ace ang nandoon.

"Ace? Omay god. What happened to you?" Pag tatakang tanong ni Nam sa kaniya gulat na gulat na tanong ni Nam habang nakatayo ito sa harapan niya.

"Hey, long story" sambit sa kaniya ni Ace.

"Ah, okay are you okay naman na?" Pag tatakang tanong ni Nam sa kaniya tumango lang ito sa kaniya at ngumiti.

"Kelan ang labas mo?" Deretso kong tanong sa kaniya.

"After two weeks sa pa lang ako makakalabas." Sambit niya saakin.

Habang naka upo ako sa tabi nang higaan ni Ace si Nam naman ay nag prepare nang dinala naming pag kain na binili namin. Kanina.

"Kumakain kaba ng food dito sa hospital Ace?" Pag tataka niyang sambit.

"Yeah,masarap naman pwede na din" sambit niya sa kaniya.

"Mag handa kana lang diyan" walang ganang sambit ko sa kaniya at saka palihim na tumawa.

"Oo nga pala naka usap ko si Mr Hernandez nang galing siya dito actually kaaalis nga lang niya hindi nyo ba naka salubong?" Takang tanong ni Ace.

"Hindi" tipid kong sagot sa kaniya.

Paniguradong nag kwento nanaman ang pandak na yun

TO BE CONTINUED..

The Only Girl In The OXFORD ACADEMYWhere stories live. Discover now