"Bili mo rin ako ah!" I shouted. He didn't turn his back he just waved his hands.

Napabuntong hininga ako. Tama ba ang narinig ko kanina? Or sadyang pagod lang ang isip ko. Bahala na nga.

Bumalik ako sa Court at naabutan ang mga kaklase ko na nakain na rin for lunch. They group their selves to their friends. Hindi ko naman alam kung kanino ako tatabi dahil wala sila Bianca. Siguro ay sa Canteen kumain. So I just sat alone in my place a while ago and waited for Patrick to come back.

After a minute ay nakabalik na siya. Mayroon siyang dala na dalawang cup ng somai rice at dalawang bottled water.

"Kumakain ka naman siguro nito 'no? Hindi ko kasi alam kung anong bibilin ko sa'yo."bungad niya sa akin.

"No worries. Kumakain ako ng kahit anong food. Huwag lang mapait sa panlasa."

"Dapat pala binilhan kita ng ginisang amplaya." Pang-aasar niya pa. "Sige na kain na."

We just eat there peacefully. Hindi ko na siya tinanong tungkol sa huli niyang sinabi kanina nung nasa girls bathroom pa kami. Baka akalain niya pa na big deal 'yon sa'kin.

Nang matapos ang lunch naming lahat ay nagpractice na ang mga kaklase ko. Dahil wala naman na akong gagawin sa Court, I decided to go back in our room. Sumabay naman sa akin si Patrick dahil babalik na rin siya sa room nila.

Habang naglalakad kami papunta sa building namin, tinanong ko siya kung bakit sila biglang tumulong sa section namin. Sinabi niya lang na sobrang sipag daw kasi ng section namin at lagi niya nakikita sa Court.

So lagi nga siya napapadaan sa Court pero hindi man lang nagpakita sa'kin!

I don't miss him ah! It just that naguguluhan ako if bakit siya naglalaho bigla tapos magpapakita rin ng biglaan. Basta ang gulo niya.

Nang marating na namin ang floor ng room ko ay nagpaalam na ako a kaniya.

"Sabay tayo mamaya pag-uwi." Pag-aya niya sa'kin.

"Pa'no kung ayaw ko?" I said, teasing him. "Ako naman mang ghosting phase sa'yo."

"Bahala ka. Basta pupunta ako rito." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Sige na. Babalik na 'ko sa room."

I nodded and turned my back at him. Pumasok na'ko sa room namin at siya naman ay dumiretso na sa room nila sa third floor.

•••••

"Sure ka na okay lang talaga na mag commute ka?" Tanong ni Patrick.

Tinupad niya ang sinabi niya at pinuntahan nga ako nang mag-uwian na. Kaya naman hindi nakatakas sa amin ang panunukso ng ilan sa mga kaklase ko. Sinabi pa ng iba na nagtatampo raw si Michelle.

I don't know if Michelle likes Patrick. Well, Wala naman malisya sa pagsasabay namin ni Patrick sa pag-uwi. Nakasanayan na lang namin. And he's the only one that I'm comfortable with.

"Oo nga. I just need to text the driver para hindi na siya pumunta." Humarap ako sa kaniya. Tinaas, baba ang kilay at nagpa-cute.

Nagkamot siya ng buhok niya."Pero hindi mo naman alam ang pauwi sa inyo."

"Kaya nga sasamahan mo 'ko 'diba?" I pout in front of him.

Matagal niya akong tinignan kaya tinagalan ko rin ang pagpapa-cute. Isang buntong hininga ang ginawa niya bago pumayag. Anong saysay ng pagsabay niya sa'kin pauwi kung hindi niya susubukan na ihatid ako 'diba?

Wait tama naman 'diba? Wala naman mali do'n. Yeah. Right.

"Saan nga ulit ang bahay niyo?" Tanong niya habang nasa gilid kami ng kalsada at nag-aabang ng sasakyan.

I Write YouWhere stories live. Discover now