CHAPTER 68

1K 45 20
                                    


"No... no... please Vinny! No!"

"Hey... Hey..."nagising ako nung maramdaman kung may yumugyog sakin. Napalikwas agad ako sa kinauupuan ko at nakitang si Vinny ang gumising sakin. Nanlalamig pa ang buong katawan ko at parang wala sa wisyo na niyakap siya agad. It was just a dream, a bad dream.

"I thought I lost you..." napaiyak nalang ako habang niyayakap siya. Hinaplos niya naman ang likoran ko.

"I won't let that happen. Are you have a bad dream??" tanong niya. Tinangoan ko lang dahil ayokong bumitaw sa pagkakayakap sakanya. Masamang panaginip na ayaw kung mangyari sa totoong buhay. "Alright just hug me, okay? Forget about that bad dream..." nakatulog pala ako sa sasakyan habang papunta na kami kela Papa. Was that a sign na hindi nalang kami tumuloy? Bakit ang sama ng panaginip ko?

"Wag nalang kaya tayo tumuloy??"

"What? No, we should probably meet your father. We're almost there." sagot niya at hindi na binitawan ang kamay ko. "Your hands are cold. Are you okay?" pag-alala niya.

"Ang sama ng panaginip ko." namamawis nga ako hanggang ngayon dahil hindi talaga maganda ang panaginip ko. Hindi ko kakayanin pag nangyari yun.

"Ga, it was just a bad dream. Don't mind that." sabi pa niya at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. "You have to forget those bad dreams, opposite ang nangyayari in real life if that happens."

"Ga?" takang tanong ko.

"Oo. Ga, short for langga. Our new endearment." proud niyang sabi sabay ngiti. Ga din yung tawag niya sa panaginip ko kaya kinakabahan na ako ngayon. Napra-pranning na ba ako??

"Sir, andito na tayo." sabi nung driver. Ni ready na niya pala talaga to matagal na bago siya nag proposed sakin. Gusto niya personally makausap si Papa para hingin ang blessings niya.

"Wag mo nalang taasan ang expectations mo, Ga. Baka ma-disappoint ka lang kay Papa." briefing ko. Ayaw ko lang na masaktan si Vinny pag hindi kami makilala ni Papa.

"Don't think negative. Just hold on to the thought na makakausap mo yung father mo." nauna siyang bumaba para ma-alalayan naman ako makababa sa sasakyan. Pumasok na kami sa may harang nila na gawa sa kawayan at dumaan muna sa maputik na daan bago makarating sa bahay nila.

"Tao po..." ako na mismo ang nag salita pero nireready ko na ang sarili ko na masaktan. Kung mangyayari man sakin yung napanaginipan ko, edi disappointed na naman. Nagulat ako nung si Papa ang lumabas habang may lampin pa na nakasabit sa balikat niya tapos gulo-gulo ang itsura.

"Nak..." nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Kilala niya ako? Nakilala niya agad ako?

"Hello, Sir. Good morning. I'm Vincent. Ezra's fiancé..." pakilala ni Vinny at nakipag-kamayan pa kay Papa.

"Magandang umaga din..." sagot naman ni Papa at inabot ang kamay ni Vinny. Wala akong masabi dahil akala ko hindi niya ako makikilala as anak niya. "Ernesto. Ako si Ernesto Libradilia. Pasok muna kayo." pag-iimbita niya samin sa loob ng bahay nila. Para din siyang kinakabahan habang tumitingin sakin. Ako naman, diko alam kung anong nararamdaman ko.

"See?? I told you don't think negative." bulong ni Vinny nung papasok na kami sa loob pero nag tanggal muna kami nang sapatos.

"Pasensya na ha medyo magulo yung bahay..." hinging paumanhin ni Papa at iginiya kami na maupo sa upuan nila na gawa sa kawayan.

"Okay lang po." sinusubukan ni Vinny na magsalita in tagalog kahit hirap na hirap siya. Hindi ako maka-imik dahil sa kadahilanang hindi ko alam bakit. "Darwin, please bring the food inside." utos niya sa driver. Nag dala na kami ng pagkain dahil parang pamamanhikan ang gagawin yata ni Vinny kaso di makasama sila Mommy at Daddy dahil sa sobrang busy. Naiintindihan ko naman yun, buti nalang din di sila nakapunta dahil kung nagkataon na totoo yung panaginip ko na di ako kilala ni Papa, hiyang-hiya na talaga ako.

"Naku nag abala pa kayo." hiyang tugon ni Papa. Pa simply lang akong tumitingin sa itsura ng bahay nila. Tama nga si Jane, masyadong maliit ang bahay nila. "Ano ang sadya mo sakin, iho?"

"Gusto ko lang po na ma-meet kayo." kahit hirap mag tagalog si Vinny ay sinusubukan niya parin para makausap si Papa. "Gusto ko din po na personally to ask you blessings na pakakasalan ko po ang daughter ninyo." kahit conyo, kinikilig padin ako. He really did this for me.

"Naku... Ikakasal ka na pala, anak." parang nag echo sa tenga ko nung tinawag niya akong anak. Nag pipigil akong umiyak sa harapan niya dahil ayokong umiyak.

"Pumunta po kami dito para formally na sabihin na nag proposed na po ako sa anak niyo po. Sir, I promise na iingatan ko, to love and take care of your daughter until forever." napangiwi nalang ako sa tagalog niya. Trying hard pero ang cute.

"Kung gayon, panghahawakan ko yang pangako mo, Iho. Alagaan, ingatan, mahalin mo ang anak ko na hindi ko nagawa sakanya..." naging malungkot agad ang kanyang boses pagkasabi nun kaya napatingin ako sakanya na nakatingin din pala siya sakin. "Anak, alam ko malaki ang pagkukulang ni Papa sayo sa ilang taon. Maling-mali at sising-sisi ako sa nagawa ko sainyo dati. Pasensya ka na anak at naging irresponsable at walang kwenta ako sainyo. Patawarin mo ako, anak." basag ang boses ni Papa dahil umiiyak na siya sa harap ko. Nahawa naman ako sa iyak niya kaya tumulo na din ang mga luha kung kanina ko pa pinipigilan. Nakikita ko ang pagsisisi sa mga nagawa niya. Matagal ko na itong iniintay, na magkapatawaran kami at mawala na ang galit sa puso ko.

Lumapit agad ako sakanya para yakapin siya. Niyakap niya ako pabalik at nag-iyakan kami habang magkayakap. "Patawad pa at hinusgahan kita na baka ma-dismaya mo na naman ako pag punta namin dito. Sorry talaga pa." sabi ko at nagpatuloy na umiyak sa balikat niya. Para akong bata na umakap sa kanya dahil na mimiss ko siya.

"Patawarin mo ako, anak. Patawad sa lahat ng nagawa ni Papa sainyo. Patawad talaga, anak." hindi na halos matigil si Papa kaka-hingi ng tawad at iyak dahil sising-sisi sa nagawa niya.

"Tama na po. Napatawad ko na po kayo. Matagal ko na po itong inantay na mangyari. Gusto ko lang po na mayakap at makausap kayo. Tama na po kaka-hingi ng tawad." humiwalay muna ako ng pagkakayakap sakanya at pinahiran ang kanyang luha. "Matagal na kitang pinatawad, Pa. Inantay ko lang na makausap ka dahil gusto ko lang na mayakap ka."

"Hindi ka pa din nag-babago, Ezra. Ikaw pa din ang lakas namin dahil sa katangian mo na nakakaya mo lahat ng pagsubok sa buhay mo. Pasensya ka na anak. Mahal na mahal ka ni Papa." pagkasabi niya palang nun ay mas lalo pang bumuhos ang luha ko. For how many years of my life, hindi ko yan narinig sakanya. Kaya ngayon, parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya na finally narinig ko yan galing mismo sa kanya.

"Mahal din kita, Pa. Pinapatawad na din kita." nakangiti kung sagot kahit patuloy parin sa pag-tulo ang mga luha ko.

"Salamat, anak. Salamat." nabunot na ang malaking tinik na nakatarak sa puso ko ng mahabang panahon. Nag kabati na din kami ni Papa. "Ka gwapo saimong mapangasawa, nak."(Ang gwapo nang mapapasawa mo, nak.)  bulong ni Papa habang nag pupunas ng luha niya. Natawa naman ako habang tinitignan si Vinny na masayang nakatingin samin at nag approve pa. Masayang masaya ako dahil nakasama ko ang dalawang lalaki sa buhay ko na kahit nasaktan na ako ay mas pipiliin ko parin magpatawad para sakanila.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now