CHAPTER 03

1.2K 55 23
                                    

Mabuhay! Welcome to Manila Airport. Basa ko sa plaka ng makarating na kami sa Manila at dumeritso na kami sa sasakyan. Mag kahiwalay kami ng sasakyan ni Vinny dahil iba ang sasakyan ng mga PSG.

Ang laki pala talaga dito sa Manila. Nakakalula ang mga matatayog na building. Mag didilim na kasi nung makarating kami dito kaya busy na lahat ng kalye at nag sisi-ilawan na lahat ng buildings.

"Welcome to the club, Ezra." nag taka ako sa sinabi ni Master. Yung head namin. Nakakaproud kasi ang bata pa niya pero naging head na namin siya, mag kasing edad nga lang kami eh. Malaki respeto namin sakanya.

"Ano po ibig niyo sabihin, Sir??"

"This." sabay mwestra niya sa mga kasabayan namin dito sa sasakyan. "You are the new member of the club." saka ko pa na gets yung sinasabi niya. Akala ko naman kung ano na.

"Salamat, Master." nakipag kamayan pa ako sakanya at sa ibang PSG. "Grabi pala talaga ang lawak ng Manila noh?" sabay tingin ko sa bintana ng sasakyan. Ako lang babae sa position namin kaya kahit awkward, kailangan ko parin makisama.

"If you need anything don't hesitate to ask me." aniya ni Master.

"Sure, Master. Salamat talaga."

"Calvin. Call me Calvin pag off duty na." pag correct niya.

"That would be awkward."

"Naah... Just be use to it. We are friends now." sabi niya saka ngumiti.

"Alright, Calvin. Calvin it is." pag agree ko saka siya nginitian siya pabalik at ibinaling nalang ang atensyon sa bintana.

Nakarating kami sa isang private na lugar, mukhang dito nakatira sila President kasi andaming security na nakabantay sa labas ng gate. Halatadong nga high profiled lang na mga tao ang nakatira dito sa subdivision kasi ang gagara ng mga design ng bawat bahay. Pumasok pa kami sa isang gate at yun na yung bahay nila.

"Let's go?" sabi ni Calvin nung maka park na yung sasakyan namin.

"Ah sige..." nauna akong bumaba at kinuha yung mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Madali-daling lumapit si Calvin para alalayan akong bitbitin lahat ng gamit ko papasok sa bahay. "Thank you..."

"No beggie." hatak-hatak ko ang maleta ko habang papasok kami sa bahay nila President.

" Akala ko sa Malacañan dapat tumira ang Presidente?" tanong ko kay Calvin.

"Isa yan sa misconception dito. Di naman necessary na dapat tumira sila sa Malacañan Palace. It depends naman sa kanila." napatango ako sa sinabi niya. Okay, new learning!

"Ayos! Thanks sa new knowledge" mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"Finally. May makakakwentohan narin ako dito. Balita ko madaldal ka daw." dun na ako natawa sa sinabi niya.

"Hoy di naman HAHAHA... Medyo lang pero professional naman ako sa trabaho."

"As should be. It's good na talkative ka, at least di na boring dito." sabi pa niya.

"I guess you already met my personal guard, Calv." pareho kami napalingon kung saan nanggaling yung boses, si Sir Vinny.

"Good evening, Sir." pareho kaming sumaludo agad kai Sir Vinny.

"Good evening too. So, you already met my lady guard." panimula ni Sir Vinny.

"Sir. Yes, Sir." sagot ni Calvin. Nakikinig lang ako sakanila kahit di ko sila matingnan.

"Good. Ezra, come with me. I'll take you to your room." utos ni Sir, Vinny."

"Sir. Yes, Sir." sagot ko agad at iniwan si Calvin para sundan si Sir, Vinny. Iginala ko agad ang tingin ko sa kabuohan ng bahay nila. Grabi ang simple lang pero yayamanin ang datingan. Paakyat na kami aa ikalawang palapag nila at ang daming pintuan, baka mawala ako dito.

"You will be staying here, next to my room. On weekends umuwi ako sa Ilocos but since your my personal guard now, dalawa na tayong mag tra-travel." wika niya.

"Thank you, Sir."

"Get clean and change your clothes. We'll have our dinner with everyone." sabi pa niya.

"Yes, Sir."

"I told you earlier na pag tayong dalawa lang, you call me Vinny."

"Oh sorry Sir—Vinny. Hehehehe peace." bawi ko saka nag peace sign.

"Cute. Also, get comfortable here. If you need anything just tell me so I could help you. Let's be comfortable with each other so we can both be smooth day by day." bigla akong naguluhan sa last na sinabi niya. What does it mean??? "Laugh everyday para masaya."

"Huh? Para na akong baliw nun."

"HAHAHAHA...." humagalpak siya agad ng tawa. "Di lumusot. I hope I'm your saturday and you are sunday." teka? Babanat ba siya???

"Huh?? Bakit??"

"Para ikaw ang kinabukasan ko. Boom! Take that! HAHAHAHA" binigyan ko lang siya ng poker face dahil sa banat niya. Babanat na nga lang, pag jeje pa.. "You don't like it??"

"Linggo ka ba??" hirit ko pero seryoso parin mukha ko.

"Ahm... Why??" para siyang na excite sa sinabi ko.

"Pahinga ka na." ang dating excited niyang expression ay napalitan agad ng panlililiit ng kanyang mata.

"Bad. Tsk! Ang pangit mo ka bonding." Naks! Alam niya pala yung mga ganyang linyahan? "Bahala ka na nga dyan. Get change for dinner." padabog siyang umalis sa kwarto at sinara ang pinto. Pinalibot ko agad ang tingin ko sa kwarto. Mas malaki to kaysa sa kwarto ko sa Davao. Lakas maka yayamanin yung kwarto ko.

Lumapit ako sa kama at dahan-dahang dinadama ang lambot ng kumot at dali-dali kung tinggal ang sapatos ko saka nag tatatalon-talon ako sa kama dahil ang lambot-lambot nito. Grabi! Di ganito kalambot yung kwarto ko sa bahay namin, sana andito si Jane para maranasan din niya ang ganito kalambot na kama. Kailangan ko talagang kumayod para mabigyan ng magandang buhay si Jane. Napagod na ako kakatalon kaya bumaba na ako at binuksan ang maletang dala ko saka hinanap ang towel para maligo na muna.

Pagkapunta ko sa banyo ay dun nakita ko kung gaano kaganda ang banyo nila. No wonder siguro ang gaganda ng lahi nila President kasi parang may magic yata tubig nila dito. Grabi may sarili na akong banyo sa kwart with shower pa. Grabi talaga! Dali-dali akong naligo dahil excited akong gamitin ang shower. Di naman ito ang first time na nakapag shower ako pero iba kasi ang saya na nararamdaman ko ngayon kaya enjoy ako sa pagliligo.

Nung matapos na ako maligo ay binalot ko muna ang katawan ko sa towel at lumabas na sa banyo para mag apply ng lotion, medyo maarte ako sa katawan kaya ayan talaga ginagawa ko after maligo. Tinanggal ko na ang towel na nakabalot sa katawan ko dahil mag dadamit na sana ako nung biglang bumukas ang pintuan.

"Bababa na tay—HOLY SHIT!!" biglang pasok ni Vinny na di man lang kumatok.

"PUTANGINA!" dali-dali ko tinakpan ang dibdib habang inaabot ang tuwalya sa sahig. "HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK?!?"

"SORRY! SORRY! I DIDN'T MEAN TO—OH JESUS!—"

"WAG KANG TUMINGIN!!!" taranta na akong binalot agad ang tuwalya sa katawan ko.

"I wasn't looking.... This is embarassing...." dali-dali siyang lumabas ng kwarto at ako naman naiwan na parang tanga kasi namumula na ang pisnge ko dahil sa sobrang hiya. Gagong Vinny yun!!!

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now