CHAPTER 39

1.1K 53 9
                                    


"Ano ba Richardo! Bitawan mo ako!" marahas na inagaw ni Mama ang kanyang kamay kai Papa saka niya ito sinampal. "Ikaw pa may ganang magalit ngayon?! Ikaw pa may gana magalit na nahuli kitang may kabit?! Ha!?" Hinampas-hampas pa ni Mama si Papa sa dibdib habang ako ay nakasilip lang sa maliit na siwang ng pinto. Kitang-kita ko kung paano umiyak si Mama at nasasaktan dahil sa pangangabit ni Papa.

"Anong magagawa ko, Cherry?! Halos nag tra-trabaho ka buong araw! May mga pangangailangan din ako na hindi mo naibibigay." malutong na naman na sampal ang natanggap ni Papa galing kay Mama. "Nakakarami ka na ha!"

"Anong gusto mung gawin ko?! Tumunganga lang dito habang ikaw nagsusugal buong araw?! Bakit?! Mayaman ba tayo?! Anong ipapakain mo sa anak natin?!"

"Wala na akong magagawa dyan! Mahal ko si Karen at siya ang pipiliin ko." binitbit ni Papa ang dala-dala niyang bag. Madali-dali akong lumabas at nag-iiyak na hinabol siya.

"Pa!!! Pa!!!!" sigaw-sigaw ko habang sinusundan parin siya. Pareho kami ni Mama na hinahabol siya at nag maka-awa na wag niya kaming iwan. "Pa! Wag mo kaming iwan pa..." habol ko parin sakanya. Naabutan ko siya at niyakap aa bewang. Hinawakan niya naman ako at tinignan saglit pero iwinakli niya yun saka dire-diretsong umalis at sa unahan ay nag hihintay yung kabit niyang kaibigan ni Mama. Umiiyak ako sa galit habang tinitignan ang papalayo nilang sinasakyan na tricycle at hinahabol parin ni Mama.

"Richardo!!! Bumalik ka!!!!" pagmamakaawa ni Mama bago pa siya madapa kaka-habol. Mosmos palang ako pero ramdam ko ang sakit na dinaranas ni Mama nung iniwan siya ni Papa. Halos hindi na siya kumakain ng maayos, palaging tulala, hindi kumikibo, palaging nag-iintay sa labas ng bahay kung kelan babalik si Papa. Namatay si Mama sa konsimisyon sa pangangabit ni Papa sa kaibigan niya. Pero kahit na nawala si Mama ay hindi parin nagawa ni Papa na puntahan man lang ako at alamin kung okay ba ako, kung buhay pa ba ako. Kaya puro galit ang naramdaman ko buong buhay dahil sa ginawa niya sakin, ako na totoo niyang anak.

"Ate! Ate!! Gumising ka!!"  naramdaman kung parang may yumuyog-yog sakin kaya napabalikwas ako ng bangon. Naaninag ko si Jane agad na puno ng pag-alala ang mukha tas sa likod niya naman si Vinny na nag-aalala din. "Ate, binabangungut ka na naman. Kanina pa kami kumakatok para sabay tayong mag-agahan pero walang sumasagot kaya gumamit na ako nang susi." tulala akong nakatingin sa kawalan. Hindi na nga ako halos nakikinig sa sinasabi ni Jane. Napapaluha nalang ako nung maalala ang bangungut na nakaraan ko na dati ko na gustong kalimutan.

"Can I talk to her, Jane??" malumanay na sabi ni Vinny. Tumabi naman si Jane agad at hinayaan maka-upo si Vinny sa tabi ko.

"Ate, hayaan ko muna si Kuya Vinny kumausap sayo ha. Need ko na umalis eh last practice na namin ito. Kaya di ako pwede ma late. I love youu..." paalam ng kapatid ko saka humalik muna sa pisnge bago umalis. Nung kami nalang natira ni Vinny sa kwarto ko ay tinitignan lang niya ako habang di ako makakibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Are you feeling better now??" dun ko pa siya natignan diretso sa mata, tumango lang ako. Niyakap niya lang ako ng pagkahigpit at tinapik-tapik ang likod ko. "You don't have to worry anymore, baby. You have me always." parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Mabuti nalang at andito siya, unti-unti na akong nabubuo dahil sakanya.

"Thank you.. thank you dahil andyan ka."

"It's just a bad dream. I'll remove it for you." humiwalay siya sa pagkakayakap sakin saka hinawakan ang magkabila kung pisnge at hinalikan ako sa noo. "There." cheesy pero ang sweet ng ginawa niya. Parang umepekto agad dahil bumuti yung mood ko. Ngumiti agad ako after ng ginawa niya.

"Kumain kana??" tanong ko.

"Not yet. Let's eat together." inakay na niya ako makababa para sabay kami makapag-breakfast. "I cooked your favorite cornbeef with egg." proud pa niyang sabi. Di ko aakalain na may pag lulutuan kami ng breakfast. "Let's eat. I have a surprise for you after breakfast." dahil excited ako sa surprise niya ay nagsimula na ako kumain.

After breakfast ay pinagbihis na niya ako at siya na daw bahala mag ligpit sa pinagkainan namin. Taray talaga, pang husband material na. Umalis na agad kami sa bahay after gumayak. Hindi din naman kami nahirapan dahil pinag booked na kami ni Jane ng sasakyan. Narating namin itong adventure park na surprise niya sakin. Namangha agad ako sa ganda ng lugar palang dahil ang ganda ng paligid, pati narin ang mga activities na pweding gawin dun.

"You like it?" tanong niya sabay tingin sa paligid. "I just saw it on the internet, then I asked Jane to book us here. It's sad that she can't come with us because of her graduation practice but hopefully next time she can join us."

"First time ko dito. Ang ganda dito, Vin..." mangha parin ako sa ganda ng lugar kasi kita ang mga bukirin at green masyado ang paligid. "Try na natin yung bungee jumping..." madali-dali ko siyang hinatak para makapila na kami.

"What?! Are you sure you wanna try this??"

"Oo. Kaya tara na. Try natin ito." pag-aaya ko. Nag-aantay nalang kami ng turn namin para kamai na maka-akyat dahil nakapagbayad na kami. "Diba na try mo na to??"

"Yes but that was many years ago." kahit di niya aminin, kitang-kita sa mukha niya na kabado bente otso siya.

"Try mo ngayon. Malay mo di ka padin takot."

"I'm not hundred percent sure about that. This is nerve wrecking." kabado niyang sagot. Di pa kami tinatawag pero kabado na siya.

"Ikaw nag aya dito tapos matatakot ka."

"I was referring to the view, not the bungee jumping. God! Help my soul." natawa nalang ako sa sinabi niya. Nag sisimula na mag dasal eh.

"Next..." mas lalo pa siyang namutla dahil sa sinabi nung operator. Ayon tumayo na kami at sumakay sa parang elevator para makaakyat sa itaas. Pagkarating namin dun ay hindi ko talaga binitawan ang kamay niya para maramdaman niya na andito lang ako kasama niya.

"I don't think I can do this." nanginginig na boses niya saka tumingin sa baba nung makarating kami sa pagtatalunan namin.

"Kaya mo ito." sinoutan na kami ng harness nung taga assist. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Vinny. Gustong-gusto ko tumawa pero parang ang sama ko naman nun pag pinagtawanan ko ang kahinaan niya.

"Alright we have couples here. Makinig muna kayo." sabi pa nung taga assist. Anong couple oy?? "Before kayo tumalon dalawa, kailangan nakabukaka muna paa ninyo. Pagkatalon niyo naman, dapat wag kayong masyadong malikot para hindi ma tali sainyo yung harness. Kuha niyo?" tumango-tango naman kami sa instructions niya. "Pwesto na." sinabitan na niya kami nung rope sa harness. Tumayo na kami sa dulong parte ng pagtatalunan namin.

"Oh jeez! I don't think I can do this." sabi ni Vinny at pasimpling tumingin sa baba ng pagtatalunan namin. "Have mercy on me." habol pa niya. Pigil ako ng pigil ng tawa sa mga pinagsasabi niya.

"Are you ready???" tanong nung lalaking nag-aassist.

"I'm not!" sigaw pa niya habang napapikit. Kawawang bata naman.

"Hey..." hinawakan ko magkabilang pisnge niya at pinatingin siya ng diretso sa mata ko. "Kaya mo to, okay?"

"1...2...3..." countdown ng taga assist.

"Fuck!" malutong niyang mura.

"Pag ako kasama mo, safe ka. Talon." niyakap ko siya agad saka nagpatihulog kami. Mataas ang tinalunan talaga namin. Sinabayan ko siyang halikan sa labi at niyakap pa siya ng mahigpit dahil ramdam ko parin ang kaba niya. "Mahal na mahal kita, William Vincent Araneta- Marcos."

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now