CHAPTER 27

1.2K 44 2
                                    

Nakauwi kami ni Borgy pasado mag a-alas 7 na ng gabi kasi nag-aya na naman siya kumain dahil natakam siya sa mga barbecue dun sa may ihawan sa plaza kaya, ayon napakain na naman kami. Di nga ako makapaniwala na kumakain pala siya ng street foods, I mean mayaman kasi sila and ah basta di lang ako makapaniwala. Nakakatuwa lang na napaka down to earth niya pa din.

"Malalgot talaga ako kai Vinny nito." sabi ko sakanya habang papalapit na kami sa gate ng bahay nila Vinny.

"Don't worry. Ako bahala sayo." sabi niya sabay kindat at pumasok na kami kaagad nung mabuksan na ni Manong guard ang gate. Nag park lang siya saglit bago kami bumaba para di na siya mahirapan mag backing mamaya pag-uwi niya. Pumasok na kami kaagad sa bahay at nakita namin si Vinny at Millie na nag lalampungan sa sala. See? Ano pa ba aasahan mo Ezra? Dika talaga niya minahal. I have to act like parang wala lang sila sa harapan ko. "Eherm.." igham ni Borgy. Pagkalingon ni Vinny sa gawi namin ay natulak niya bahagya si Millie na muntik pa tumama sa arm rest ng sofa. Tsss

"San kayo nanggaling?? You know what time it is??" panenermon niya. Napairap nalang ako sa sinasabi niya. Lakas manermon eh nung siya nga di ko sinapak nung iniwan ako maglakad papauwi. Lakas manermon, Nanay ba kita?? Tinignan ko pa relo ko bago sumagot sakanya.

"7:05pm, Sir." magalang pero pabalang kung sagot. Para siyang napikon sa sagot ko. Nakita ko natawa si Borgy dahil sa sinabi ko.

"You already know what time it is but late ka parin umuwi." bawi niya.

"It won't happen again, Sir." sabi ko nalang. Hirap makipagtalo sakanya baka mapikon ako at sapakin siya.

"Better be."

"Come on, William. Let's continue what we're doing." sabi ni Millie sabay hatak sa kamay ni Vinny. Yuck! Di man lng nahiya, dito pa talaga sa sala gumagawa ng milagro. Inirapan ko nalang sila. Ang Vinny naman parang nananadya, di man lang umayaw. Bahala kayo sa buhay niyo.

"Samahan muna kita." sabi ni Borgy at pasimpleng humahawak sa pinky finger ko.

"Naku. Wag na, kailangan mo rin mag pahinga, aga mo nagising kanina. Matutulog na din ako kasi baka makaisturbo ako dito." diniinan ko talaga pagkakasabi nun kasi nakatingin lang samin si Vinny habang ito naman si Millie pinugpog ng halik ang pisnge niya. Kadiri!

"Alright. You really need to rest also. Thank you for going out with me. Looking forward for our next hang out." sabi niya at napakalaki ng ngiti. Dahil masama ugali ko at gusto ko inisin si Vinny. Bago pa man makaalis si Borgy ay hinalikan ko siya sa pisnge agad, parang beso lang. Nakita kung nagulat siya sa ginawa ko.

"WHAT THE FUCK??!!" napatayo agad si Vinny dahilan para masubsub ang mukha ni Millie, buti nalang talaga sa sofa nasubsub mukha niya, kung sa sahig pa yun, kawawa siya. "What was that for?!?" galit na tanong niya.

"Bro, chill. It was just a friendly kiss." natatawang sabi ni Borgy. Ngumiti lang ako bago iniwan sila at umaakyat na sa taas. Naiirita talaga ako makita pagmumukha ni Millie at Vinny. Pagkapasok ko ng kwarto ay hinubad ko na ang jacket ko at nag handa muna ng pamalit ko bago maligo para makatulog na rin.

"What the fuck was that for?!" bungad ni Vinny pagkabukas ng pintuan ko sa kwarto, nagulat pa ako. Anong ginagawa niya dito??

"Can't you knock??" kalmado kung tanong.

"What the?! Are you trying to make me jealous??"

"Are you??"

"Don't answer me with another question, Ezra. Where did you and Borgy went?!" diniinan niyang tanong habang papalapit sa gawi ko.

"Don't ask me with tons of questions, Vinny. Borgy and I have a great time all day...." sinadya kung maging malandi ang boses pagkasabi nun at nakita ko kung paano nag pupuyos sa galit si Vinny na halos umiigting na ang kanyang panga.

"What the fuck?! FUCK IT!!" di na siya nakapagtimpi at gigil siyang nilapitan ako at hinila palapit sakanya at marahas na hinalikan ang aking labi. Ramdam ko ang gigil niya sa bawat pag-halik sakin at mas lalo niya pa iyong idiniin.

"Lumayo ka sakin!" tinulak ko agad siya at di sinasadyang nasampal. Nagulat siya sa pagkakasampal ko sakanya at di nakakibo agad. "How dare you to act like you own me. Iniwan mo ako kahapon sa daan, Vin! Hinayaan mo akong maglakad mag-isa pauwi and now your gonna act like concern ka?! Wow naman! Stop giving me mix signals kung di mo naman pala kayang panindigan." I saw how he looks at me like I was nothing to him. "I gave you my body and soul, Vinny. Hindi ko naman inexpect na may in return yun pero sana naman nirespeto mo ako at hindi mo ako iniwan sa daan! Kung hindi pa siguro ako nakita ni Borgy kagabi, ewan ko nalang kung anong nangyari sakin. Masakit pa pagitan ko, iniwan mo pa akong hanging dahil hindi ko alam kung bakit ka nagalit kagabi at pinababa mo ako sa kotse!"

"No.. no.. It's not like that—"

"Then what Vin?! Na that was just a play time for you?! Fine. But yung iniwan mo ako sa daan after I gave my body to you?! Grabi ka. Grabi! Hindi ko hiniling na may mag bago bigla sa pagitan namin pero di man lang ba sumagi sa isip mo na ihatid man lang ako pauwi?! Oo! Big deal sakin yun! Big deal na big deal! Masyadong masakit yung ginawa mo. Tas pag-uwi ko, makikita ko kayong dalawa ni Millie naglalampungan sa sala." para akong baliw na nagagalit kai Vinny kahit alam ko di naman tatak sa utak niya yun.

"She came here unannounced—"

"Nga naman no? Palay na nga ang lumalapit bakit di mo pa tutukain." pabalang kung sagot. Di na halos makapagsalita si Vinny dahil lagi kung pinuputol. Galit ako at gusto ko ilabas yun. "Kailangan ko talaga tung sabihin sayo dahil kahapon pa ako nag pipigil sa galit dahil sa ginawa mo!—"

"I'm starting to fall in love with you.." bigla akong natigil sa sinabi niya.

"What?!"

"I said I'm starting to fall in love with you..." parang nakalimotan kung huminga ng ilang segundo dahil sa sinabi niya. "I can't help it. This is new to me. I'm starting to love you."

"Ba't parang kasalanan ko??" sabi ko sabay turo sa sarili ko. Kasalanan ko pa na nainlove siya? Ganon?

"No. It's not like that. I'm just confused about my feelings." see?? Di siya sure.

"Sayo na mismo nanggaling, Vinny. Confuse ka. I understand. Now please you may leave, wag kang mag bitaw ng salitang panghahawakan ko pero hindi ka pala sure." pinipigilan kung umiyak sa harapan niya dahil nasasaktan ako na narinig ko na galing mismo sa kanya. "Hayaan mo muna akong mapag-isa." iginiya ko siya papalabas ng pinto at kahit nag mamatigas siya para diko matulak.

"Please, Ezra..." pag mamakaawa niya.

"Not now, Vin. Klarohin mo muna yang nararamdan mo. Wag ka munang mag madaling mag desisyon. Good night." pagkasabi ko nun ay sinara ko agad ang pinto. Kumakatok pa siya sa labas pero diko na sinagot. Napasandal nalang ako sa pintuan habang umiiyak dahil mabigat na masyado ang loob ko, hindi ko na mapigilang umiyak ng umiyak.

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now