CHAPTER 52

896 49 3
                                    


"Ate, san kana?? Patulong naman oh. Napuwing yata ako. Aray." napalingon agad ako kai Jane na naglulugod ng mata dahil napuwing daw. Pag lingon ko ulit sa harapan ko wala na si Vinny. Bigla akong kinabahan agad at lumingon-lingon sa paligid.

"Ezra? What are you doing down there?" napaangat agad ang tingin ko sa nakatayong Borgy sa gilid.

"Kanina ka pa ba dyan?"

"Kakarating lang. Why? Tumayo ka nga." utos niya. Tumayo agad ako saka lumingon-lingon pa sa paligid. Namamalik mata lang ba ako? Impossible naman kasi yun.

"May nakita ka bang lalaki na..." nag dadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sakanya dahil baka namamalik mata lang talaga ako.

"Who???" takang tanong niya.

Umiling-iling nalang ako dahil baka namamalik mata lang talaga ako. Kung andito man si Vinny edi sana nakita na siya ni Borgy. "Ah wala. Nilipad kasi ng hangin yung panyo ko." kinuha niya agad yung saka pinagpag bago ilagay sa bulsa.

"It's dirty already. I'll wash this before you use it again." bumalik na agad kami sa swing. Tinutulungan ni Calvin yung kapatid ko na hipan yung mata niyang na puwing.

"Okay na ba?" tanong ni Calvin at tumango-tango naman yung kapatid ko. Na subraan na yata to sa amats si Calvin kai Jane, masyadong pabebe.

"We have to go back to the hospital, it's getting late." sabi ni Borgy. Maka late eh mag aalas-sais palang eh.

"Dito na muna tayo. Ngayon lang ako nakalabas eh. Kain tayo dun sa may table. Nakabili ba kayo ng corndog?"

Itinaas agad ni Borgy ang dala-dala niyang supot at naka ngiti itong ipinakita sakin. "Tada~~"

"Oo nga kuya. Dito na tayo kumain. Nakakasawa na kasi yung pagkain sa ospital." reklamo ni Jane na ikinatawa naming lahat. Lumipat na kami sa table at bumili sila kaagad ng iba pang pwede kainin for dinner. Lumingon-lingon agad ako sa paligid at tinitignan ang bawat dumadaan malapit samin. "Oy, ate??"

"Huh? Bakit?" wala sa sarili kung tanong dahil may hinahanap akong mukha. Impossible naman kasi na namalik mata lang ako. Bakit parang totoo talaga na si Vinny yung nakita ko.

"Kanina pa ako nagsasalita tapos di ka pala nakikinig. Anyare sayo? May hinahanap ka ba??" pati siya ay napapalingon na sa mga tinitignan ko.

"Jane, may nakita ka ba kanina na humawak sa kamay ko nung pinalid ng hangin yung panyo ko?" napakunot agad ang noo niya at parang natatawa sa tinanong ko.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita, Ate?"

"Gaga! Kaya nga ako nag tatanong diba para ikumperma kung tama ba yung nakita ko." mahina ko siyang tinampal sa kamay.

"Bakit? Sino ba yung nakita mo?"

Lumipat agad ako ng upo katabi niya saka bumulong. "Si Vinny..."

"Ano?! Si VINNY?!" halos maisigaw na niya sabay tayo kaya napalingon agad yung mga kumakain sa tabi ng table namin. Binatokan ko agad siya at hinila para maupo ulit.

"Sige. Sigaw mo pa ng marinig ng buong mundo. Oo siya nga. Pero hindi ako sure kasi tinawag mo ako bigla tas paglingon ko, nawala na siya sa harap ko. Minumulto ba niya ako???" biglang nag tayuan ang mga balhibo ko sa buong katawan.

"Gaga ka din eh. Pano ka mumultuhin eh hindi pa naman yun patay." tama nga naman siya. Pero bakit sa lahat ng mukha si Vinny talaga ang aking nakita? Kung imagination lang yun, bakit ramdam ko ang pag hablot niya sa kamay ko?

"Nababaliw na yata ako. Kakatambay ko ito ng ospital eh."

"Mag dahan-dahan ka, Ate...." biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Bakit?"

"Baka sa mental hospital bagsak mo niyan." napa pokerface nalang ako sa sinabi niya. Akala ko seryosohan na.

"Mauuna ka pang ipasok dun dahil mababaliw ka na yata sa pagmamahal ni Calvin." pang-asar ko.

"Ewan ko ba sakanya. Masyadong inlababo. Oh well... Gunduh ko no?" hambugera niyang sabi saka nag flipped pa ng buhok. Peki ko nalang nginitian saka inirapan.

"We're back!" sulpot nila Calvin at Borgy. Nilapag nila agad yung mga pinagbibili nilang pagkain.

"Grabi... Andami naman nito." manghang sabi ni Jane habang nakatingin sa pagkain. I used to love foods before pero nung nagsimula yung sakit ko, natakot na ako mag over kumain, naisusuka ko lang kasi eh.

"For you, Jane. Kain ka ng madami ah." sabay offer ni Calvin sa mga binili niyang pagkain para sa kapatid ko. Napaka-inlababo talaga eh. Parang na out of place kami bigla dahil mukhang may sarili silang mundo habang naguusap. Sarap bangasan.

"You like this one? Or this?" tanong ni Borgy at ipinakita yung binili niyang tteokbokki at barbecue. "Don't worry mild lang yung spicy yan."

"Ito nalang sakin." pinili ko yung tteokbokki dahil mukhang masarap. Siya na ang kumain sa barbecue. Nakasanayan na namin di kumain ng kanin kaya nadadamay na din sila Borgy at Calvin.

"Water nalang inumin mo para hydrated ka lagi. You like it here?" tanong niya nung nagsisimula na kami g kumain. Nag bukasan na kasi ng mga street lights at nag operate na yung fountain dito sa park kaya mas lalo pang gumanda at naging maaliw dito.

"Oo, ang ganda dito. Salamat sa pagdala mo sakin dito ha. Alam ko busy ka, Borgy. Maiintindihan ko kung minsan kalang dumalaw sakin." napakunot agad ang noo niya. "Sinabi kasi ni Calvin kanina na medyo hectic yung schedule mo kaya nag taka ako kung bakit nakabisita ka sakin ngayon, knowing na busy pala ang schedule mo." tinignan niya ng masama si Calvin na ngayong busy sa kahaharot sa kapatid ko. Pasimble niya itong binatokan pero halatang malakas pagkakabatok niya dahil napayuko agad siya.

"God damn it! What was that for?!" daing ni Calvin saka sinapo-sapo yung ulo niya.

"Idiot. Watch your language, kids are looking at you." lumingon-lingon agad si Calvin at nakikita yung mga batang tinitignan siya.

"Sorry kids. Don't say bad words." hinging pasensya niya at binalikan ng tingin si Borgy saka binigyan ng tingin na 'your dead look'

"Tama na nga yan. Kumain na kayo." saway ko. Bumalik nalang ako sa kinakain ko kanina at di talaga mawala-wala sa isip ko yung nakita ko kanin. Kung siya yun, bakit nawala naman siya bigla? Napapranning na yata ako. Aist!

Pagkatapos namin kumain at mag pahinga saglit dahil masyado kaming busog ay bumalik na kami agad sa ospital. Hindi na ako pwede magtagal sa park dahil lumalamig na ang paligid at dumadami na ang mga tao. Still recovering pa ako kaya di ako pwede mag pagod at makihalubilo sa tao.

"You like the food?" tanong ni Borgy nung malapit na kami sa entrance ng ospital.

"Oo. Thank you ulit ha."

"You're welcome. Balik na tayo so you could rest." inangkla niya ang kamay ko sakanya para magkasabay kami mag lakad papasok sa ospital. Before pa kami makapasok sa entrance ay nahagip ng mata ko ang isang itim na sasakyan at nakabukas ang bintana nito sa driver's seat.

"Vinny??" wala sa wisyo kung sinabi.

"What?" pagtataka ni Borgy.

"Si.. si Vinny..." paglingon ko agad sa sasakyan ay nakataas na ang bintana nito at umalis na agad. Hindi ako pweding mag-kamali sa nakita ko. Nag tagpo ang mata namin at alam na alam ko si Vinny yun dahil sa pintig ng puso ko. Nababaliw na ba talaga ako? Minumulto ba talaga ako ni Vinny dahil palagi ko siyang iniiwasan??




Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now