CHAPTER 66

1.1K 46 18
                                    


"Change of plans. Na spoil na ni Mommy yung surprise." sabi ni Vinny na tinawanan lang ni Mommy.

"Bakit? San naman tayo ngayon??" biglaan yata mga plano nito eh. Halos di na siya mapakali sa kinauupuan niya.

"I'll call Spencer to ready the private jet." nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya. What? Saan naman kami pupunta?? Bakit may pa private jet pa?

"Punta ba tayong Manila?" nasa condo ni Calvin nag sta-stay si Jane dahil nahihiya na siya kay Borgy na makitira sa penthouse niyang pagkalaki-laki. Pwede na mag cart wheel, bike at kung ano-ano pa sa sobrang laki talaga nang penthouse niya.

"Nope. Trust me. I would never tell anyone. Baka ma spoil na naman." he said while looking at Mom.

"Sorry, son hehehe..." tatawa-tawa parin si Mommy dahil napipikon padin si Vinny na nadulas yung surprise niya.

"Mom naman kasi eh... Anyways, are you lovers okay?" tukoy niya kay Mommy at Daddy. Napakunot naman agad ang noo ko sa tanong niya. May nangyari ba kagabi after dinner?

"Your Dad is so busy. We're okay though. Don't worry."  Mommy assured.

"Bakit mo naman natanong?" bulong ko.

"Mom used to eat with dad every breakfast but lately I seldom see them eat together." sagot niya.

"Well... That's life, son. Your dad is the President of the Philippines. He will always be busy. But, we understand each other's priorities. Your dad's life is not turning just for me but also for the peole who needs him. I'm just here to give him my full support and be his rest when he's tired." Mommy sigh. "I hope when you two got married, you will understand and respect each other's time and priorities. Marriage is not just about love but also learning to respect, understand, accept and be faithful to your partner."  tango-tango naman kami ni Vinny pareho sa sinabi ni Mommy. Ganda nang words of wisdom niya.

"We will, Mom. Thank you." sabi ni Vinny at hinawakan si Mommy sa kamay. Biglang tumunog yung phone niya indikasyon na may nag text. "It's Spencer. Jet is ready." tingin niya sakin after binasa yung message. "We have to go, Mom."

"Sure. Please be careful you two." pa-alala ni Mommy.

"Yes, we will, My." sagot ko at bumeso na kami sa kanya para maka-alis na dahil nag mamadali na naman si Vinny.

"Bye, Mom." paalam naman ni Vinny. Hatak-hatak niya ako papunta kaming sasakyan niya.

"Dahan-dahan naman Vinny. Mapipigtas braso ko sayo eh." angal ko agad. Makahatak, wagas.

"Oh sorry, sorry." ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa braso ko at nakipag-holding hands nalang sakin. Pumasok na kaagad kami sa sasakyan niya. Magkatabi kami dahil hindi siya ang mag dra-drive ngayon. "Airport tayo, Kuya." utos niya sa driver.

"Okay, Sir." pinaandar na niya agad ang sasakyan para maka-alis na kami.

"Saan ba kasi tayo pupunta??"

"Secret... You know what?? You never call me using our endearment. Nakakatampo ka." sabi niya sabay nguso. Aba! Marunong na siya mag ganito ha. Dati ayaw niya sa clingy tapos ngayon ganito na siya.

"About that... Ano kasi ahm..."

"What??? Ahmm??"

"Ang awkward kasi. Baby? Ano? Sanggol yarn??" dinaan ko nalang sa biro dahil baka magalit siya.

"Now that explains HAHAHAHA I really thought you don't love me ha." sabay pa cute. Aguy. Sarap kurutin sa pisnge.

"Mag papakasal ba ako sayo kung hindi kita mahal? Pa cute ka ha..." kinurot ko yung pisnge niya sabay tawa.

"That hurts..." reklamo niya habang hawak-hawak ang kanyang pisnge na kinurot ko. Namumula agad yung pisnge niya, napalakas ko yata yung pagkurot. Ninakawan ko agad siya ng halik sa pisnge na kinurot ko para kunwari gamot. "That was fast..."

"Oh para gumaling yang pisnge mo."

"Here. It hurts here." turo niya sa labi niya habang napapapikit. Ang pilyo talaga! "It needs your healing kiss." gatong pa niya.

"Ang harot mo. Bahala ka dyan." basag ko sa trip niya. Kaso pinsan niya ata si the Flash kaya mabilis pa sa alas kwatro naka dikwat siya ng halik sa labi ko.

"There. Much better." sabi niya na parang walang nakawan ng halik na nangyari. Mahina ko siyang hinampas naman sa binti saka natawa. Hokage eh.

Nakarating kami sa airport maya-maya at pumasok na kaagad kami para dumeritso sa jet nila. Maraming tao sa airport kaya pahirapan kami maka-daan dahil dinumog agad si Vinny dahil maraming gustong magpa-picture. Todo alalay at nakahawak lang siya sa magkabilang balikat ko habang nasa likod ko siya nung dinumog na kami ng tao. Di nag tagal ay nakalabas kami sa nag kulumpulang tao at dumeritso na agad sa jet.

"Are you okay? Di kaba naipit?" alalang tanong niya.

"Hindi. Okay lang ako. Ikaw? Di ka ba nasaktan?"

"I'm fine. Sorry to exposed you on that. I didn't expect na madami ang—"

"Shh... Okay lang. Syempre dudumugin ka. Gwapo ng fiancé ko eh." pag li-lighten ko sa mood kasi nahihiya din siya everytime dinudumog siya ng nga tao. Although masaya naman siya pero shy type minsan eh.

"Concern much?"

"Malamang. Palangga gud tika duhh..." sabi ko sa ay irap. Papasok na kami sa private jet nila at katabi kaming mag kaupo ngayon.

"What?? I can't understand what you're saying."

"It's bisaya. Palangga or gihigugma tika means iloveyou. Mahal kita in tagalog. Gets?" sagot ko.

"I love that..." he said while smiling so big. "From now on, i'll call you langga." Oh-no... natampal ko nalang noo ko sa sinabi niya. "That's really meaningful."

"Seriously, Vinny?"

"Yes. Seriously..." he said while mocking me nung sinabi ko yung seriously. "Call me langga from now on." mando niya. Mas okay na yung langga kesa baby, parang sanggol kasi eh. Common na din.

"Oo na, langga." saka peki akong ngumiti kahit deep inside natutuwa ako sa endearment namin.

"That sounds unique. Say it again." excited niyang utos at inaantay na sabihin ko ulit yun. Ang kulit talaga.

"Tsk! Kulit mo."

"Okay. Balik tayo sa baby—"

"Hell no! Cheesy..." sabi ko na may halong pandidiri. "langga... umayos ka na dyan kung ayaw mo mabalian ng buto." kalma kung tugon pero may halo ng gigil at banta. Para namang natakot siya kaya naupo na siya ng maayos.

"Sweet na sana kaso may threat. But that's okay. I still love you." bulong niya na ikinangiti ko. Rereklamo pero susunod din pala.

"Take off na. Mag seat belt na tayo." isinuot na namin ang seatbelts namin at umayos na ng upo. "Saan ba kasi tayo pupunta William Vincent Araneta-Marcos??" kinompleto ko na pangalan niya dahil kanina pa ako nag iisip talaga kung saan kami pupunta.

"Davao City..." he simply answered.

"What? Bakit?" takang tanong ko. Anong gagawin namin dun?

"I would like to ask for your father's blessing even if you guys are not that really close. I just want to ask his approval out of respect. He's still your father though." na touch talaga ako sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect na gagawin niya yan kahit alam niyang hindi kami okay ni Papa nung una palang. Well, siguro time na din par magpatawad na siguro ako. Hindi sasaya ang buhay kung pupunuin lang nang galit ang puso ng isang tao. Maybe si Vinny ang magiging daan para magkaayos na kami ni Papa. Sana nga, sana talaga.


Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now