"N-Ngayon hapon?" he looked so tense.

Napairap ako sa kanyang tanong. Anong klaseng tanong 'yan?

And Elias likes this man; he looks old and stupid. 

"Now, of course! You will guide me!"

"S-Saan, Signora?" Humakbang ako papalapit sa kanya pero bahagya siyang napaatras kaya mas lalo akong nainis.

"Edi roon!" Tinuro ko malawak na lupain sa gilid ng mansyon kung saan ako madalas sumasakay ng kabayo dahil medyo malilim doon. Kadalasan ay nasa thirty minutes lang naman, wala naman na akong gagawin kaya bago umakyat sa kwarto ay sasakay muna ako. I haven't practice since I fired Mando. "Marunong ka naman hindi ba? When was your last?"

Nakita kong napalunok siya, nagdadalawang-isip pang tumango.

"I-I can't remember; do you have to ask that, your highness?" bahagyang humina ang kanyang boses.

I rolled my eyes. Paano ko masisigurong marunong siya kung hindi ko itanong? Baka mamaya ay nagmamagaling siya tapos hindi pala siya marunong sumakay ng kabayo.

"Syempre, what if you don't know how to train me properly? Edi maghahanap ako nang mas marunong," inis na sabi ko, inayos ko ang aking buhok.

Nag-iinit talaga ang ulo ko sa lalaking 'to.

His jaw moved. "I will do it. I can do it!"

"Dapat lang. Aakyat muna ako para magpalit ng damit." Tinatamad akong umakyat sa kwarto pero hindi bagay ang suot ko.

Bumaba naman ang tingin niya sa dress na suot ko, suminghap siya. I can see unfamiliar emotions through his eyes. "That would be better, your highness. Easy access."

"A what?!"

Napapantastikuhan ko siyang tinitigan. Kung alam niya talagang sumakay sa kabayo, alam niyang hindi ito ang proper clothes.

"Marunong ka ba talaga? Baka naman hindi mo pa 'yon nagagawa, pwede mo naman tanggihan." My gosh, I felt the nerve in my neck pop.

He chewed on his lower lip, unti-unti siyang sumeryoso na para bang may nasabi akong nakainsulto sa kanya. Sandali niya akong tinitigan animong binabasa ang iniisip ko bago magsalita.

"Before we start, I want you to know that I like it rough. I prefer BSDM. " He informed me with a serious tone.

Bahagyang tumabingi ang ulo ko dahil bago lang iyon sa pandinig ko o hindi ko lang matandaan. Damn. What the fuck is BSDM? What is that? A style of riding a horse or what? May gano'n pala ang pagsakay sa kabayo, hindi ko alam, hindi sa akin naituro noon.

At ayokong magmukhang bobo sa harapan ng guwardiya ko kaya taas-noo ko siyang sinagot. Baka isipin niyang mas madami siyang alam sa akin.

"Fine. I can do it," balewalang sabi ko.

Mas nagdilim ang kanyang mukha.

"Kukunin ko muna 'yong lubid at latigo sa kwarto," mahinang sabi niya,  nagulat ako sa awtoridad no'n saka siya bahagyang lumapit sa akin.

Gulat akong napatingin sa kanya dahil doon. "Lalatiguhin mo ang kabayo ko?! What the hell, Gabo? Alagang-alaga ko ang mga kabayo ko, naka-aircon pa ang kuwadra ng mga iyon tapos mamaltratuhin mo sila? Gusto mong tanggalin kita sa trabaho?! You're abuser!" sigaw ko, sabay tulak sa kanya palayo sa akin.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako, kumurap-kurap siya animong naguguluhan sa sinabi ko. Tapos ngayon ay magpapanggap siyang walang sinabi? Narinig ko, sabi niya kukunin niya 'yong lubid at latigo.

I will tell this to Elias, he will surely turn off.

Umawang ang kanyang labi.

"I-I..." Hindi niya matuloy ang sasabihin, nilagpasan ko na siya bago mag-init pa lalo ang ulo ko sa kanya.

Conrad Series 1: The ServantWhere stories live. Discover now