30. Manipulated

58.9K 2.3K 256
                                    

Alam ko ang sagot diyan! Pero bakit parang sinadya pa talagang ang pangalan ng angkan ko ang sagot sa tanong na yan? Bulong ko sa sarili nang magsimula na akong magduda.

Frost clan. Yan ang tamang sagot. Ang angkan namin ang unang nag-alaga sa kauna-unahang hwy. Ang pamilya ko ang nakatakdang humanap sa bagong silang na hwy at ang tagasilang nito -si Lara. Nagsimulang bumilis ang kabog ng aking dibdib. Pinagpawisan na rin ako kahit hindi pa nakikipagbunuan sa mga kapwa ko kalahok. Mukhang may kinalaman ang pagsali saamin sa larong ito sa imbestigasyon sa aming lima. Kung hindi ako nagkakamali, kilala na ng mga Holoma kung sino si Lara at parang minamanipula ng mga ito ang takbo ng laro! Lagot na!

"Pick the correct floating answer... in three, two... ONE!" Anang boses na dinig sa buong field.

Nagsiunahan ang mga kasama ko. May ibang tumalon ng mataas gamit ang kanilang mahika at may iba namang gumamit ng spell para makuha ang tamang sagot na nakasulat sa isang bloke ng bato -ang FROST.

Tila isa akong batong nakamasid lang sa mga pangyayari. Napakabilis ng mga katunggali ko. Seryoso nga silang hindi nila ako papupuntusin kahit ni isa. Sa huli ay madaling nakuha ng tila amasonang si Daisy ang puntos na nakataas noo pa nang maagaw niya ang bloke ng bato na may sulat na 'FROST'. Inirapan ako nito pagkatapos at tila nangmamaliit ang tingin.

"Question number 2, easy round: Saang rehiyon ng Cairos matatagpuan ang mystic forest? A. Westeros B. Easteros C. Northun D. Southunia"

Easy quuestion that has an easy answer. Easy nga yung tanong pero sobrang difficult kunin ng answer. Napansin kong nakahanda na namang magsilundagan ang apat pang kalahok para makuha ang mga simbolo ng apat na rehiyon. Ang simbulo ng puno ang dapat kunin dahil yun ang simbulo ng rehiyong Easteros. Naduwag ako nang lingunin ko ang iba pa na parang magpapatayan para kunin ang simbulong iyon. They seem so hungry of winning.

"Get the region's symbol in three, two, ONE!" Nakakabingi na namang hudyat ng boses. Bumuwelo si Daisy. Tila namuo ang isang malakas na pwersa ng hangin sa paanan nito. Ilang saglit pa ay malakas itong pumadyak sa pahina ng librong kinatatayuan namin at parang isang raketang lumipad patungo sa sagot na ilang pulgada din ang taas. Bago pa niya marating yun ay may isang witch fire keeper ang nakakuha ng sagot sa ere gamit ang summon nitong espirito. Charm ang pangalan nung fire keeper kung hindi ako nagkakamali na isang spirit summoner, isang keeper na may kakayahang tumawag ng magical spirit para tulungan siya.

Bago pa matapos ang bilang na sampo kung saan yun lang ang nakalaang oras para mag-agawan ng sagot ay agad na nakababa si Daisy sa pagkakalutang at mabilis na bumaba sa likod ni Charm at naagaw ang sagot mula dito. Tinaas nito ang simbulo ng Easteros pagkatapos ng sampong segundo.

Nakakadalawang puntos na siya.

Hindi maaari.

"Miss Frost? Anong ginagawa mo?"

"Mistress Fhaun, naguguluhan ako. Hindi ako makapagfocus. We are in trouble. I think the game is being manipulated!" Sagot ko sa isip ko.

"I know but don't lose hope. Pinapanood ka ng mga tao. Huwag mong ipahalata na alam mo nang framed up kayong lima sa larong 'to."

Hindi ko alam kung bakit ako naguguluhan. Kanina pa ako tuliro. As if someone's controlling my movements at kanina pa ako nababato. I can't move my legs even if I wanted to jump or fly using my broom. I can't even cast a spell. Tagatak na ang pawis ko. I was trying hard moving my joints since the first question but it's as if I was under someone's manipulation. I was freezing under negative degrees.

Natapos ang first set of questions nang hindi ako gumalaw o nakipagbunuan man lang. Daisy finished round one with 5 points, Charm with 3 points and the other two contenders with one point each. I ended up zero and frozen.
"Miss Frost. Are you under manipulation spell?" I heard Mistress Fhaun's voice again. Halatang nag-aalala.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon