"I still love you," sabi n'ya at umiling s'ya. "Pero pagod na 'ko."

"Please take time to seek for me in the dark," pakiusap ko, ngunit tuluyan na s'yang lumabas ng pintuan.

Sumigaw ako nang paglakas-lakas at tinabig ang mga bagay na nakalagay sa mesa sa gilid ng kama.

Ang hirap lumaban kapag alam mong ikaw na lang 'yung lumalaban.

I ran and chase her. Kumaripas ako nang takbo papunta sa dalampasigan kung saan kaming unang nagkakilala dahil alam kong doon lang s'ya pumupunta kapag may problema, pero mas nadurog ang puso ko sa'king nakita.

Naabutan ko silang dalawa ni Oliver, magkadampi ang labi sa isa't-isa.

"Harl..." Mahina kong banggit.

Nang makita nila ako ay kumaripas ako nang takbo. Tumatakbo habang tumutulo ang luha, wala akong magawa para pigilan ito.

I ran to chase her, but she never ran to chase me.

Pagpasok ko sa mansyon ay sumalubong sa'kin si papa na nakatayo sa may sala.

"Pa..."

"B-bakit, anak?" B-bakit anak?

Ikinuwento ko kay papa ang nangyari.

Nagkulong ako sa kwarto pagkatapos ng mga pangyayari. Naisip kong magpatiwakal, ngunit naisip ko na hindi ito ang solusyon sa panandaliang problema.

Gabi-gabi akong dinadalaw sa panaginip ko ng mga alaala, araw-araw akong umiiyak dahil sa sakit na ginawa nila. Kinulong ko ang sarili ko sa kalungkutan.

Binuo ko s'ya, ngunit ako naman ang nasira.
Binigay ko 'yung ibang parte ko sa kan'ya at ako ngayon ito, hindi ko alam kung paano ko ulit bubuuin ang sarili ko.

Sa labis na kalungkutan at galit ay pinalabas kong patay na ako. Naalala ko pa noong sumilip ako sa bintana at nakita ko siya. Tinatanong n'ya pala kung nasaan na ako and I let our maids tell them na wala na ako.
Nakita ko s'yang umiyak, ngunit nandoon si Oliver para saluhin s'ya.

Dumaan ang mahabang panahon, naisip ko na ganon pala talaga, na kapag namatay na ang isang tao, roon ka lang nila maaalala, pero habang tumatagal, hindi ka na nila nababanggit.

Magmula noon, nabuhay na ako sa mindset na don't give rainbow to someone who's colorblind, because I have learned when I was broken and now wiser because I've been hurt.

Isang araw, kumatok si papa sa pinto ng kwarto ko.

"Nate?" Mahina n'yang tawag habang kumakatok sa pinto.

"Pasok, pa. Bukas 'yan," sabi ko.

Pumasok s'ya at umupo sa tabi ko.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, anak.  Pero gusto ko na maging matapang ka... gusto ko na ipaglaban mo kung anong sa'yo," sabi niya. "Matagal ko na itong tinatago sa 'yo, ngunit oras na para malaman mo ang totoo," dagdag pa niya.

Nagtaka ako. "A-ano 'yon, pa?"

"Sumama ka sa'kin." Tumayo s'ya at lumabas ng kwarto, agad ko naman s'yang sinundan.

Nagpunta kami sa silid na pinaka iniingatan n'yang may makadiskubre at pinakita ang isa sa kan'yang imbensyon.

"Ito, anak. Ito 'yung isa sa imbensyon ko na oras na para gamitin," sabi ni papa. "Kaya gusto ko na 'wag kang mabuhay mag-isa."

Huminga siya nang malalim.

May pinindot s'yang buton at nagsimula nang gumalaw ang mga bagay sa paligid na tila ba'y lumilindol.

"Pa, anong nangyayari?"

"Relax ka lang," an'ya.

Lumalakas na rin ang tunog mula rito kaya napapatakip ako ng tenga. Unti-unti itong nagliwanag at nagsimula na ring balutin ng malakas na boltahe ng kuryente.

Namangha ako sa 'king nakita.

"Anak, ito ang makina na pwedeng kang dalhin sa ibang dimensyon, kontrolin at paglaruan ang gusto mong mangyari. Ngunit maging maingat ka dahil hindi mo pa rin mababago ang mangyayari sa reyalidad at sa hinaharap. Hindi pwedeng maraming makaalam nito kaya ko ito tinago sa 'yo nang mahabang panahon at hindi ipinagsabi sa iba," sabi n'ya.

"Hindi ko maintindihan, pa. I’m so confused right now.”

"Anak, makinig ka. Itong makina na ito ay kaya ring ipakita ang hinaharap," sabi n'ya at nakita kong nangingilid ang luha sa kan'yang mga mata. "Oras na para makita mo."

Bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid dahilan para masilaw ako, pagkatapos nito ay natigilan ako habang pinapanood ko ang mangyayari sa 'kin sa hinaharap na babago sa 'king pananaw.

Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa isang hospital bed at wala ng buhay.

Bago pa man umalis si papa kasama ng iba n'yang pamilya ay masusi ko itong pinag-aralan. Nang malaman kong aalis na si Harl para mangibang bayan, agad akong kumilos para muli s'yang bawiin.

Sa tulong ng siyensya at kompyutasyon ay sa isang iglap, magbabago ang lahat.

Ipinuwesto ko ang lahat sa gusto kong mangyari at ilang sandali pa, nagising ako sa kaparehong kwarto, ngunit sa ibang dimensyon kung saan nawala si Harl ng 20 years. Ngunit hindi ito totoo at iba ang nangyari sa katotohanan.

Kaya't bago ako mamatay, gusto ko munang bawiin kung anong akin, gusto ko pang makasama si Harl nang matagal.

When Our Heavens CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon