31

4K 294 46
                                    


"Seriously, you're so strong, your highness. Hindi ko akalain na tatanggapin mo ang alok ni Ma'am," sabi ni Viana habang sumusubo ng fries.

"Natakot na rin tuloy ako sa teacher na 'yon, pati dummy niya nakakatakot din," nakangusong sabi ni Isabela.

Napangisi naman ako. "Tinakbuhan mo pa talaga ang dummy."

"Ayoko kasing masaktan, hmp." Napailing ba lang ako at uminom ng shake na binili namin sa cafeteria.

Break time na kaya nandito kami ngayon nakatambay. First time kong pumunta rito. Hindi ko akalain na mas masarap pa ang pagkain dito kaysa sa pagkain na niluluto nila Lana noon.

"Ang Royalties, nandito na," sabi ni Viana at nginuso ang mga taong pumasok sa cafeteria.

"Hayaan mo sila," sabi ko at kumagat sa binili kong burger.

Huminga ako ng malalim ng malasahan 'yon. Ilang buwan na ba ang lumipas nang huli akong makatikim nito? Ahh, napakatagal na.

"Fei!" Hindi na ako nagulat nang may yumakap sa likod ko at kiniskiskiskis ang mukha niya sa buntot ko.

Si Lana lang naman ang mahilig gumawa n'yan.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko at lumingon sa kanila.

"Ayaw mo ba kaming nandito kami?" nakangusong tanong niya.

"Hi, Isa. Hi, uhm? Sino 'to?" tanong ni Lana at itinuro si Viana.

"Viana, classmate namin," sagot ko.

Umupo siya sa upuan namin kasama sila Mira at Nana. Mukhang bumili ng pagkain ang mga lalaki.

"Nice meeting you, Viana." Hindi sumagot si Viana kaya tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

Namula naman ang mukha niya. "Nice too meet you, ah! The way how you raise you eyebrows, so gorgeous! My heart is beating so fast because of you, your highness!"

Nagtataka naman silang napatingin saakin.

"Your highness?" tanong ni Mira.

"Ah, hayaan mo siya. May sira 'yan sa ulo," kaswal na sabi ko.

Dumating naman ang ang mga lalaki na may dalang pagkain. Patapos na kami at mag-uumpisa pa lang sila pero hindi muna kami umalis. Nakakabastos naman kasi kapag iniwan namin sila, 'di ba?

"Kumusta naman ang klase?" tanong ni Lana.

"Tsk, may bully ro'n. Naging target si Fiera pero na-handle naman niya," sagot ni Isabela.

"Bully? I doubted that. Baka nga si Fiera pa ang bully," natatawang sabi ni Mira na ikinasimangot ko.

"Meron nga, Ricky ang pangalan," sabi ko at nakikain ng fries kay Lana.

"Oh, anong nangyari?" Napangisi ako.

"Ayon, tinakot ko. Tsaka kumuha ako ng test sa trainor teacher namin. Sabi niya kasi kapag napasa ko 'yon, exempted na ako sa klase niya," sagot ko.

"Ha? Sinong trainor, si Miss Kluveya?" Nagkibit-balikat ako.

"Si Miss Kluveya nga," sabi ni Viana.

Napasinghap naman si Lana.

"Omg! For sure papahirapan ka no'n." Hindi na lang ako sumagot at inubos na na ang drinks ko.

Pagtapos namin kumain ay bumalik na rin kami sa kanya kanyang klase. Medyo kinakabahan kapag iniisip ko kung anong klaseng test ba ang ibibigay niya saakin.

Obviously, hindi siya test na magsasagot ka sa papel. Hindi ko pa alam kung gaano ako kalakas o kung out of the world na ba ang lakas ko. Hindi  sa naguayang pero parang kaunti lang ang ginawa ko para makuha ang kapangyarihan ko.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Место, где живут истории. Откройте их для себя