20

5.3K 309 51
                                    


Nakasuot ngayon ako ng damit ni Lana since siya lang ang sumakto sa size ko. Isa pa, may kalakihan din ang dibdib ng katawan ko.

"Wag n'yo naman akong titigan ng ganyan," naiiyak kong sabi.

"Hmm." Tumayo si Lana at tumabi sa 'kin.

Hinaplos niya ang buntot ko at tenga ko. Ano bang ginagawa n'ya?

"Malambot, lumaki rin ang buntot at tenga." Tumango tango pa siya.

"So you're Fiera? Are you sure about that?" Napasimangot ako sa tanong ni Kreyos.

"Ako nga kasi! Ako na nasa human form, okay?" Napatingin ako sa mga kasama kong lalaki at nanlaki nang mata ko dahil dumudugo ang ilong nila.

Isang beses ko pa lang nakita ang sarili ko na nasa human form at hindi ko masyadong natitigan ang hitsura ko dahil gulat pa rin ako noon ng bigla akong maging tao.

"Shuta be, ang ganda mo pala. Talo mo pa beauty ko," gulat na sabi ni Isabela.

"Can you turn into fox?" tanong ni Nana.

Napakurap ako at umiling. "I don't know how."

"I'll tell this to Dean, whether you like it or not, you're studying with us," pinal na sabi ni Kreyos.

Napanganga ako at mabilis na napatayo.

"Ano?!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Any problem?"

"Meron! At ayoko mag-aral," sabi ko.

Nginisihan n'ya lang ako. "It's my decision, not yours." Pinalobo ko ang pisngi ko sa inis at sinampal siya.

Ay hala shet.

"Omg ka Fiera!" tili ni Lana.

Napatakip naman ako ng bibig habang nakatingin kay Kreyos na nakatabingi ngayon ang ulo. Bumakat din ang kamay ko sa mukha niya sa lakas ng sampal ko.

Nakalimutan ko, hindi na pala ako soro ngayon.

"Fiera." Nangilabot ako sa paraan ng pagtawag ni Kreyos sa pangalan ko.

"Bet ko idea mo, parang gusto kong mag-aral," sabi ko at tumango tango.

Pilit kong iniiwasan ang madilim na tingin sa 'kin ni Kreyos. Susme, mabubuhay pa kaya ako?

"Come with me."

"Ahh!" sigaw ko ng bigla akong hilain ni Kreyos.

Naiiyak akong tumingin kina Lana na nakangiti lang habang kumakaway sa 'kin. Hindi talaga nila ako tutulungan?

Nagpahila na lang ako kay Kreyos hanggang sa mapunta kami sa Dean's office. Nagpapasalamat ako dahil walang estudyante ang pakalat kalat dahil hindi pa rin ako sanay aa histura ko ngayon.

"Oh, why are you-who is she?" tanong ni Dean.

"She's my guardian, in human form," sagot ni Kreyos.

Bumakas ang gulay sa mukha ng Dean. "Really? She's gorgeous." Lumapit ito sa 'kin at hinaplos ang mukha ko. "You can be a Goddess for this beauty."

Hele, ene be. Char.

"Don't praise her too much, baka lumaki ulo," walang emosyong sabi ni Kreyos.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Kahit kailangan talaga ang epal.

"So what do you need?" tanong ng Dean.

"Please enroll her." Ngumiti naman ang Dean at tumango.

Kinuha n'ya ang libro n'ya at pumitik lang sa ere tsaka lumabas na ang mga papel.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon