18

5.2K 335 20
                                    


Gabi na ng makauwi kami sa dorm at hindi pa sila nakapasok dahil naaliw sila sa pagku-kwento ni Headmaster. It's pretty accurate. Wala naman akong narinig na mali.

Pinaliwanag din ni Headmaster ang tungkol sa baybayin. Gaya ng sinabi ko sa mga babaeng 'to na hawak hawak ang kopya ng mga letra ng baybayin.

"This is cool!"

"I wish we could go to the world called earth," nakangiting sabi ni Lana.

Yeah, how about we go to my former world? Papayagan kaya kami? Mga royalties naman ang mga kasama ko.

"Emergency, to all Royalties, proceed to headmaster's office. I repeat, to all Royalties proceed to headmaster's office." Eh?

Kaaalis lang namin doon, pinapatawag agad sila?

"Emergency raw, ano kaya 'yon?" takang tanong ni Nana.

"Puntahan na lang natin, let's go." Binuhat ako ni Lana at lakad takbo ang ginawa nila para makapunta agad sa office.

Pagdating ro'n ay nandoon na rin ang ibang Royalties. Agad naman akong kinuha ni Kreyos ng makita ako.

"Tch, why you keep vanishing from my sight?" mahinang tanong niya.

"Kasi ayokong makita ang pagmu-mukha mo," bagot na sabi ko.

Hindi na siya sumagot at nang dumating na si Headmaster ay para bang ang laki ng problema niya dahil sa histura niya ngayon.

"You need to go to the Earth." Nanlaki ang mata ko.

Whoa, for real? Ngayong gabi talaga?

"What? What earth?" takang tanong ni Luca.

"It's the other world. The people there don't have powers," sagot ni Dean.

"Wow, so it's like, a world that full of normies? Cool." Napasimangot naman ako.

Hindi cool 'yon. Marami sa mundo namin na gustong nagkaroon ng kapangyarihan. Makakakita ka ng taong bigla bigla na lang magka-kame hame wave sa daan. Char.

"Yes. We sensed something wrong, there's someone who's not belong there," sabi ng Dean.

"Someone? Like us?" Tumango ang Dean.

"I'll give you this magic stone. It can sense someone who has magic. Ito rin ang magtuturo sainyo ng direksyon."

Eh? Sa earth? For sure sa ibang bansa 'yan. Pero paano naman kaya napunta ang may kapangyarihan doon? Wierd.

"We don't have so much time, you need to go before demons get her." Kumuha ng libro si Dean at binuklat 'yon, pagtapos ay nagsalita siya ng hindi ko maintindihang salita.

Lumabas ang magic circle sa ibaba namin at lumiwanag tapos nasa tapat na kami ng isang portal. Gano'n lang. Magic.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda. Halos mga halaman kasi ang nandito at puno ng mga fireflies. Pero maliit na fairy lang talaga sila na may dalang lampara.

Anyways, may dalawa rin na bantay rito which is stone golem. Hindi naman nakakatakot ang mukha, sa katunayan mukha silang bato. I mean, bato naman talaga sila pero may buhay na naka steady lang sa pwesto nila.

"It's already opened. Mag-iingat kayo," sabi ng Dean.

Napatingin naman ako sa portal. Pitch black lang siya. Hindi ba ang portal ay may pagkakulay purple tapos may glitters? Pitch black talaga? Sinungaling mga magic sa earth.

"But how we can get back?" tanong ni Kreyos.

Ngumiti ang Dean. "Babalik kayo sa malaking puno na pinaglabasan n'yo. You can just walk and then you're back," sabi ni Dean at nagkibit-balikat pa.

That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Where stories live. Discover now