"Una sa lahat, wala kang karapatang saktan ako." Sa pangatlong pagkakataon ay lumapat ang palad ko sa pisngi niya. "Pangalawa, wala kang karapatan para laitin ako. Sino ang sinasabi mong mahina?"

Nagpakawala ako ng kapangyarihan sa kamay ko at itinutok sa kanya.

"I can burn you alive in a second and there's a reason why I'm here." Naglakad ako palapit sa kanya na ikinatras nila.

Hindi na ako nagulat ng mapatid ito at napaupo sa lupa kaya napangisi ako.

"I'll tell this to Dean!" sigaw niya.

"Tell her, I don't care. Wala naman silang magagawa kapag nakita ka nilang nasusunog na," sabi ko.

Bumakas ang takot sa mukha niya. Pinawala ko ang kapangyarihan ko at yumuko para titigan siya sa mukha.

"I will never flirt with my Master. I'm his guardian afterall," wika ko ang ngumiti.

Nanlaki naman ang mata niya at mabilis na tumayo. Tumakbo siya palayo saamin kaya napahalakhak ako. Ang lakas ng loob, takot naman pala.

"An-ang cool! As expected to your highness!" Akmang yayakapin ako ni Viana ng mapatigil siya. "I don't deserve to hold a precious person like you, ahh! You look even more beautiful!"

Napairap naman ako at napatingin kay Isabela na nakanguso habang masama pa rin ang tingin sa mga bully. Napailing ako at pinitik ang noo niya.

"Okay na," sabi ko.

"Hmp."

Sakto namang dumating na si Ma'am kaya umayos na kaming lahat.

"Get your weapon, let's start our training." Tumayo naman ang mga estudyante kaya tumayo na rin kami para kumuha.

Napili kong kunin ay ang espada. Wala akong alam kung paano gumamit nito kaya basta basta ko na lang iwinasiwas ng walang tinatamaan.

"Report: Acquired title, sword master. Obtain, God speed."

Ah, great. Gets ko na kung ano ang sinasabi ng boses na 'yon. Sword master?! Eh kakahawak ko pa nga lang ng espada!

"May problema ba?" tanong ni Isabela.

Mukhang napansin niyang napahinto ako kaya nagtanong. Umiling ako at napabuntong hininga at ibinalik ang espada. Kinuha ko ang bow at pinaglaruancang string nito. Parang ang tibay, ah.

"Report: Acquired title, sharp shooter. Obtain, eagle eyes."

Punyeta! Ano ba?! Ako ba ang main character dito at ganito ang nangyayari saakin?! Ugh! Gusto ko mag training kahit papano! Kapag nagpatuloy pa 'to, magiging over powered na ako.

Kasalanan 'to ni Tania. Bakit pa kasi ako ginawang guardian kung pwede na maging normal na tao na lang ako sa normal na bayan.

"Fiera? Bakit parang maiiyak ka na?" tanong ni Isabela

Ngumuso ako at ibinalik ang bow at kinuha ulit ang espada.

"Wala," sagot ko at bumalik sa upuan.

"You already know me, right?" Tumango naman ang mga estudyante sa tanong ng teacher.

"Gosh, she's the worst trainor ever," sabi ni Viana. "Napaka strikto niya magturo."

"I will give you ten minutes to warm up. Hindi nagiging madali ang training ngayon." Nakarinig kaagad ako ng iba't ibang reklamo na hindi naman pinansin ng guro.

Nagsimula na kaming mag-stretching. Ginagaya ko na lang ang ginagawa ng ibang estudyante ng mawalan ako ng ideya kung paano ako magwa-warm up. Hindi naman kasi ako nagi-exercise noon sa past life ko.

Kung iisipin ay parang normal na babae lang ako na sikat at mayaman. Pero ako 'yung babae na walang pakialam sa mga gano'n kasi nga I was seeking for love and attention dati to my family but it turns out na ako lang pala nag-iisip na hindi nila ako mahal.

It's hurt to leave them pero wala na akong magagawa kasi hindi na ako nababagay sa mundong 'yon. Nandito na ang bago kong buhay, ayos na ang nabigyan ako ng pagkakataon na makita sila at malaman na mali ako.

Matapos namin na mag-warm up ay nagsimula nang matawag ng pangalan si Ma'am. Unang tinawag si Ricky dahil a ang start ng apelyido niya.

"Start, now." Nilabanan ni Ricky ang isang dummy na naging madali sa kanya.

Ngumisi ito na para bang proud sa ginawa niya.

"Next round." Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Ma'am.

Naging dalawa ang kalaban niya, hanggang, naging tatlo. Hindi niya na kinaya ang tatlong tao kaya napangisi ako. Ganyan nangyayari sa mayabang.

Nanood lang kami sa laban ng ibang estudyante. Hanggang si Viana na ang tinawag. Nagulat pa ako ng umabot siya sa limang dummy at siya ang pinakamaraming napabagsan sa lahat ng tinawag.

Siyempre, huli akong tatawagin kasi ako ng huling nag-enroll.

"Waah!" Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa ng makitang tinakbuhan ni Isabela ang dalawang dummy.

Napailing na lang si Ma'am at may isinulat sa papel niya na hawak niya.

"Fiera." Tumayo ako at lumakad sa gitna.

"Go Fei," sabi ni Isabela at nag-thumbs up pa.

"Your highness, beat them up!"

Palihim akong napangiti at nawala 'yon ng makita ang grupo nila Ricky na nakangisi saakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at hinanda ang sarili ko.

"Five," sabi ni Ma'am.

Nagtaka naman ako.

"Ano pong five?" Hindi siya sumagot at nagulat na lang ako ng tumayo ang limang dummy.

Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga kaklase ko. Teka, bakit lima kaagad?

"Ma'am—" Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng sumugod silang lima saakin.

Agad kong sinipa ang dummy at iniwasan ang iba pang sumusugod saakin. Ginalaw ko ng espada ko, akala ko ay matatagalan ako sa pagpapatumba sa kanila pero hindi.

Napakagat ako ng labi at napabuntonghininga. May galit ba saakin ang teacher na 'to? Saka hindi ko rin alam na kaya kong lumaban ng gano'n, pakiramdam ko kasi lumakas ang reflexes ko.

"Hmm." Seryosong tumingin saakin si Ma'am. "Twenty."

"Pero Ma'am, ang unfair naman po," reklamo ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "I see that you're stronger than the others. Of course, I need to see how far can you go."

Nakasimangot akonf humarap sa mga dummy. Huminga ako ng malalim at sumugod na sa kanila. Ako lang ba o mukhang madali talaga silang mapatumba?

Sa tingin ko ay hindi pa umaabot ng limang minuto ay natapos ko na kaagad sila. To my surprise, wala akong naramdamang pagod.

"Fiera, where are you from?" tanong ni Ma'am.

Napangiwi ako. Anong isasagot ko? Sa earth?

"From far away?" patanong kong sabi.

"You had a great move. You look like a veteran wielding a sword," sabi niya.

"Thank you po." Siyempre kailangan kong magpasalamat kasi pinuri ako.

Kahit hindi ko rin alam kung bakit ang first timer na katulad ko ay naging sword master.

"Tommorow, I will give you a test. If you passed, you will be exempted from my subject." Natahimik ako sa sinabi niya.

Seryoso ang boses niya kaya alam kong seryoso siya sa sinasabi niya. Well, bawas gawain kung makapasa man ako.

"I'll accept."



That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon