Chapter 25

110 6 0
                                    

❝ Akala ko matatagalan pa

Bago ko makompirma

Pero dahil sa pagmamahal mo

Hinulog mo ako nang hinulog . . .

At wala na akong balak pang umahon

Sa pagmamahal sa ’yo. ❞

Since maraming nadagdag na requirements sa ibang subject ngayong Grade 12 na kami, pinagpaliban na muna namin ang pag-survey sa junior department

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Since maraming nadagdag na requirements sa ibang subject ngayong Grade 12 na kami, pinagpaliban na muna namin ang pag-survey sa junior department. We still have more than a month for this since October pa ang deadline.

"What's your plan for your birthday?" he asked as we walked hand in hand to the gate of the campus.

Nauna nang umalis sa amin si Eureka at Gilbert dahil mas mahirap ang topic nila kaya naman nag-survey na sila ngayon. Naiwan tuloy ulit ako nang mag-isa kay Klein.

Baka magsawa na sa akin 'to dahil palagi na lang kaming magkasama!

I shrugged. "Wala. Maghahanda at mag-iimbita ng mga friends and relatives."

He looked at me as he pulled me closer to him. "You don't want to hold a party?" I shook my head. "Sayang, gusto ko pa naman maging escort mo."

I laughed. "Hindi ako mahilig sa mga gano'ng party. Sayang lang ang pera. Ipunin na lang ni Papa pera niya para do'n tapos umuwi na siya ulit sa amin."

He sighed. "I can't wait to meet him."

I looked up at him and smiled widely. "Ako rin."

Sumakay kami ng jeep pauwi. Dahil mas malapit siya, mas mauna siyang bababa sa akin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa kan'ya na nag-download ako ng League Of Legends sa computer ko. Kasi naman, hindi ko pa rin natututunan! Tama nga siguro yung sinasabi ng iba dati na may parts na ginaya ng ML and LOL dahil halos pareho ang mechanics ng game, ang skills ng hero or champion, at iba pa.

Pero sobrang hirap niyang laruin! I just can't understand and I don't think I'll ever understand it. Nahihirapan ako sa skills pati sa paggamit ng mouse dahil minsan, hindi ko pala naitututok sa kalaban ang skills dahil nalilito ako na magkaiba ang dapat pag-focus-an: yung keyboard sa left hand at mouse naman sa right hand. Ang dami pang pinipindot!

Feeling ko, hanggang ML lang ang kaya ng braincells ko.

Klein bid a goodbye to me before leaving the jeepney.

Nang ako naman ang makauwi na, dumeretso ako sa k'warto para magbihis at magpahinga. Wala rin kasi si Mama kaya pakiramdam ko, nasa bahay siya ni Caleb. Medyo nawawala na rin yata ang galit at selos ko sa tuwing ginagawa ni Mama 'yon.

Siguro dahil masaya ako lately? O baka dahil may alam si Caleb na ginawa ko na hindi p'wedeng malaman ni Mama?

Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako nang maramdaman na may kumikiliti sa talampakan ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata bago bumangon. Dahil wala na ang suot kong salamin kanina, hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng kung sino man itong nakaupo sa paanan ko.

A Kiss To ReminisceWhere stories live. Discover now