Chapter 13

106 6 0
                                    

❝ Gusto kong magtanong sa sarili ko

Bakit pakiramdam ko

Ang dali kong maniwala

Pagdating sa 'yo? ❞
   

  Naupo ako sa swivel chair at kinuha ang earphone saka isinaksak ang jack nito sa cellphone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 
Naupo ako sa swivel chair at kinuha ang earphone saka isinaksak ang jack nito sa cellphone. Inilagay ko ang magkabilang earbuds sa tainga nang makita na tumatawag na siya. Sinagot ko ito makalipas ng ilang ring.

"H-Hello . . ." I said, gulping.

He sighed. "Bakit mo ginawa 'yan mag-isa?"

I bit my lower lip as I tried to focus my eyes on the monitor. "I-I have nothing to do today."

"You should've replied to my texts, then."

I gulped as my heart started beating faster. "W-Wala naman akong sasabihin, eh."

"Ako, meron."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. Hindi ko man lang nagawang makasagot kaagad . . . hanggang sa magsalita siya ulit.

"Bakit hindi ka na pupunta dito bukas?"

I gulped again. "I told you, I have other plans."

"Mas importante pa sa research natin?"

I sighed in frustration as I bit my fingernails. "K-Kaya nga ginagawa ko--"

"Stop biting your fingernails."

Napakunot-noo ako nang dahil do'n bago ibinaba ang kamay. "Huh?"

I heard his breathing. "I know your voice too damn well."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Tumikhim ako bago muling sinabi ang sinasabi ko kanina.

"T-Tulad ng sinabi ko kanina, kaya nga g-ginagawa ko na ngayon kasi hindi ko magagawa 'to bukas d'yan."

He became silent for a few minutes. Ilang beses ko pang tiningnan ang screen kung nandoon pa ba siya. Ilang sandali pa, narinig ko ang paglunok niya at ang pagtunog ng baso bago siya nagsalita.

"What's your plan tomorrow, then? Is it so urgent that you had to cancel our plan? Napag-usapan na natin 'to noong nakaraang linggo pa, 'di ba?"

Napakunot-noo ako dahil parang iba ang boses niya ngayon kaysa sa boses niya noong mga nagdaang gabi na magkausap din kami sa cellphone.

"Uhm . . . p-pupunta ako kina Eureka."

He chuckled. "They have plans for research tomorrow, too. Nakalimutan mo na bang kasama natin sila mag-lunch kanina? I might not talk a lot personally but I do observe. I heard them talk about it."

Hindi na ako nakasagot pa. Hindi ako nakapaghanda ng explanation para dito. I know I'm such a coward for doing this--an asshole for suddenly being like this--but I can't really help it.

A Kiss To ReminisceWhere stories live. Discover now