"Hindi naman talaga ako magnanakaw. Nakikita mo ba yung mop at timba na dala ko? Naglilinis lang naman ako. Atsaka matagal na ako dito no." Sabi ko habang nagpupumiglas. Siya naman ay hinigpitan pa ang pag-hawak sa akin.

Hayop na lalaking ito. Sana ay may pumasok at ipaliwanag sa lalaki na ito na hindi ako magnanakaw. Ang kitid ng utak ng antipatiko na ito. Ipinagtataka ko lang kung ano ang ginagawa niya dito. Bumalik sa isip ko ang sinabi niyang our house, at Nana Lupe. Posible kayang kilala ni Aling Lupe ang taong ito? Kung kilala niya ay malamang kilala din ni Lola Gracia—

Unti-unti akong naliwanagan. Kinabahan ako bigla dahil naalala ko talaga yung apo ni Lola Gracia. Sabi ay may isa pa siyang apo. Nanlaki ulit ang mga mata ko. Unti-unti akong nag-angat uli ng tingin sa kanya. Kahit mukha siyang nangangain ng tao ay matapang ko siyang minata kahit natatakot ako.

"I-Ikaw yung apo ni Lola Gracia?" Nautal kong tanong sa kanya dahil sa kaba. Para akong sasabog. Para rin akong haharap sa matinding recitation sa klase dahil sa tindi ng kaba.

Nagtaas siya ng kilay at sinamaan pa ako ng tingin. "Kung sabihin ko sayong oo, anong gagawin mo?" Matalim niyang sagot.

Ito yung gusto kong iwasan. Ni isa sa mga apo ni Lola Gracia ay hindi ko gustong makasalubong dahil may pakiramdam talaga ako na hindi maganda ang pakikitungo sa mga kagaya kong hindi mayaman.

"Ano bang ingay yun Phoebian— Phoebian? Ano ito?" Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang pinto at pumasok si Aling Lupe. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng lalaki.

Suminghap ako at pilit na kumawala sa lalaki. "Aling Lupe. Pinagbibintangan niya ako bilang magnanakaw. Naglilinis lang naman po ako dito sa loob ng library." Agad kong sumbong kay Aling Lupe.

Yung antipatikong lalaki ay hindi nagpatalo. "Nana, bakit kayo nagpapapasok ng hindi natin kakilala. For sure madami na ang ninakaw ng babae na'to."

"Bakit mo ba pinagdidiinan na magnanakaw ako huh?! Taga-linis lang ako dito at alam ni Aling Lupe yun at ni Lola Gracia!" Pagdiin ko sa kanya dahil hindi kasi naniniwala eh. Talagang matapobre ang lalaki na'to dahil pinagdidiinan niya na magnanakaw ako.

Mabilis siyang tumingin sa akin at pinandilatan ako. "Because that's the truth! Kung hindi ako pumasok dito ay malamang madami na ang kinuha!"

"Ang kitid ng utak mo! Wala ka manlang namanang kabaitan kay Lola Gracia!" Sagot ko.

"How dare you!" Sigaw niya pabalik sa akin. Mas humigpit pa ang pagkakadiin ng kamay niya sa braso ko.

Doon na lumapit si Aling Lupe dahil nakita niyang nasasaktan na ako mula sa hawak ng apo ni Lola Gracia. Kinalagan niya ang kamay nung lalaki.

"Teka, Teka, Teka lang Phoebian. Pwede ba nating pag-usapan ito hijo? Kilala ko ang batang ito. Kilala din ito ng Lola mo."

"Bakit kayo nagpapapasok ng magnanakaw Nana huh? We trusted you so much tapos magpapapasok lang kayo ng kung sino-sino?" Matigas niyang sagot.

Awtomatik na umikot ang eyeballs ko dahil sa sagot niya. Ang tigas niya talaga.

"Hijo naman. Alam ko yun. Alam ko na bawal pero Lola mo ang nagpapasok sa kanya dito bilang taga-linis. May taon na siyang nandito at hindi siya magnanakaw. Mabait na bata itong si Maia. Kung gusto mo ay kausapin mo ang Lola mo pagdumating siya galing sa pagbibisita."

Mabuti at pinagtanggol ako ni Aling Lupe. Sinipat ko ng tingin ang braso ko. Namumula ito at parang lilipat ito ng ibang kulay. Kung tutusukin ko ito ng karayom ay lalabas ang dugo. Nagkaroon pa ng marka kamay niya sa braso ko.

"Whatever you say Nana. In my eyes, she's a thief. And she's not trustworthy." Isang beses niya akong sinipat ng matalim na tingin bago kami iniwan ni Aling Lupe sa loob ng library.

Phoebianजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें