Chapter 13 Nightmare

Beginne am Anfang
                                    

"Venice andyan ka lang pal---" naputol ang sasabihin ko ng pag bukas ko ng pinto ng kusina ay natagpuan ko si mama na nag luluto. Tumingin saakin si mama at sinabing

"Huh? Sinong venice ang pinag sasasabi mo anak? Wala akong kilalang venice at isa pa anak ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan anak" nag tatakang tanong ng aking nanay saakin.

"Ma nasan si venice? Magkatabi lang kami kanina. Umalis ba siya ng walang paalam? Ma may sinabi ba siya sayo bago umalis?" sunod sunod kong tanong kay mama. Napapansin ko ang pag tataka sa mukha ni mama habang sinabi ko iyon

"Anak sino ba si venice? Ni hindi ko pa siya nakita rito sa bahay" sagot ni mama sa tanong ko sabay tanong saakin. Ngumiti ako ng mapait nag babakasakaling nag bibiro lang si mama

"Ma si venice yung kasalo nating kumain kagabi. Kausap mo lang po siya kahapon" sagot ko sa tanong ni mama na ngayong naka upo at nag pupunas ng noo

"Anak wala ako kahapon. Nasa trabaho ako. Anak diretsohin mo nga ako binibiro mo ba ako?" seryosong nyang tanong

(Song played : Even when it hurts by hillsong United )

"Ma hindi ako nag bibiro" inis kong sagot kay mama. Biglang tumayo si mama at tumingin ng diretso a aking mga mata

"Anak diretsohin na kita wala ako kahapon at mas lalong wala kang kasamang umuwi kahapon rito galing  trabaho" Napatulala ako sa mga binitawang  salita ni mama.

Naninikip ang dibdib ko sa pag pipigil ng luha. Napa buntong hininga nalang si mama. Bawat salitang bini bitawan niya kanina ay mas lalong dinu durog ang puso ko.

T-trabaho?sa pag kakaalam ko istudyante palang ako. Tinawanan ko nalang ang mga sinabi ni mama

"Anong taong ngayon ma?" tanong ko kay mama. Sinagot naman ako ng diretso ni mama

" 2030 ng mayo ngayon anak, bakit?" nag tatakang tanong niya. Napasapo  ako sa noo sa sagot ni mama

"Mah! Kailan ka pa nag biro? Ma nag aaral palang ako at isa pa ma 2022 palang ngayon. Ma kung biro man yan hindi nakakatuwa. Sabihin mong nag bibiro ka lang" tatawa tawa kong tanong kay mama habang unti unting buma bagsak ang luhang kanina ko pa pini pigilan. Lumapit saakin si mama na may nag aalalang tingin

" A-Anak h-hindi ako nag bibiro. Ano  ba ang nangyayari sayo? May sakit kaba? Nananaginip ka lang ba?" sagot niya sa tanong ko sabay tanong saakin ang katagang  nananaginip

Nananaginip? Ako? No hindi pwede yan! Sa tagal ko ng kasama si venice posibleng panaginip ang lahat ng iyon

"Ma hindi ako nananaginip! Ako? Nananaginip? Hindi yan totoo sa tagal ko ng kasama ang mga kaibigan ko ngayon mo sasabihing panaginip lang ang lahat?" umiiyak kong saad. Naninikip ang dibdib ko basta naiisip ko ang mga sinabi ni mama at ang nangyayari ngayon

" A-anak wala akong kilalang venice na kaibigan mo. Ang kilala ko lang ay si veronica, jhonson at Elvie na ngayon may asawa at anak na " napa nganga ako sa sagot ni mama. What?! Ni hindi ko nga sila kilala pano ko sila naging kaibigan

May sina sabi pa simama ngunit hindi ko maintindihan kasi pahina ng pahina ang naririnig ko. Bago magdilim ang paningin ko ay nakita ko si mama na umiiyak

*Splashhhhhhhh*

"Ahhhh!" napa bangon ako bigla dahil nabuhusan ako ng malamid na tubig sa mukha. Hinanap ko kung sino ang nag saboy saakin ng tubig at nakita ko si venice na may nag aalalang tingin. Nilapitan niya ako at tinanong ngunit bago pa niya maibuka ang kanyang bibig ay agad ko siyang niyakap. Nag reklamo siya ngunit niyakap nya ako pabalik

Unexpected Identity (WHO AM I) (Ongoing) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt