Nagtinginan naman silang dalawa.

"Haneul, ampf! wag kang mabibigla ah, ang papa mo kasi"

Napa kurap naman ako at mas bumilis ang tibok ng Puso ko sa sinabi niya may nangyari kayang masama?

"Bakit anong nangyari kay papa?"tanong ko kay tito

"Nawalan siya ng malay kanina sa Gym, ngayon nasa emergency Room siya"sabi ni tito na may pag aalala sa boses nito.

Napa kurap naman ako, hindi ako makagalaw sa nalaman ko.

"P-po? K-kamusta po siya asan po siya? Anong nangyari?"sunod sunod na tanong ko sa kanila habang Nanginginig ang boses "kailangan kopo siya puntahan, kailangan kong malaman ang lagay niya ngayon"sabi ko at nag panic na at takot na takot, hindi ko alam kung anong nangyari at ano na ang lagay ni papa.

"Haneul kumalma ka!"ok sabi ni tito
Habang pinapakalma ako,

Napa kunot noo naman ako
"Pano po ako kakalma kung hindi ko alam ang kalagayan ng papa ko?" Inis na sabi ko.

I lost my temper, Napa iling nalang ako at napa upo sa coach ng marealize ko kung ano yung sinabi ko "sorry"sabi ko at napa hilamos ng mukha, " sorry"tanging bulong ko habang umiiyak,

Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya.

"Wag kang mag alala magiging ok din ang lahat" sabi ni tita at tinapik ang likod ko.

Pareho naman kaming napa tingin kay tito ng tumunog ang cellphone niya, mabilis naman niya yung kinuha at binasa ang text.

"Ohh ok na daw siya naka uwi na sila sa bahay niyo"sabi ni tito.

Naka hinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya

Pero hindi pa din ako mapakali hanggang hindi ko naririnig ang boses niya kaya tinawagan ko siya.

"Hello pa" bungad ko pag ka sagot sa tawag.

["Ahh hello Neul"] boses ni kuya jay ang Bumungad sa akin

"Kuya Jay Si papa asan siya?"madaling tanong ko

Natahimik naman siya sandali,

"Hello kuya!"sabi ko na Medjo na iinip ang tono

["Oh, sorry may kinuha lang ako, natutulog siya ngayon, maayos na siya kaya wag kanang mag alala uhmm"]sabi niya

Kahit papaano mas napanatag ako sa sinabi niya.

Napa kunot noo naman ako nag tataka kung bakit nahimatay siya.
Hindi ba siya kumakain ng tama?

"Bakit ba daw siya nahimatay?" Tanong ko kay kuya

Tumikhim muna ito bago sumagot.

["Ahh sa Pagod daw eh paro wag kang mag alala maayos na siya kailangan niya lang ng Pahinga"]sabi ni kuya

Napa tango naman ako

"Ok sege pag ka gising niya sabihin mo na tawagan ako ah!" Sabi ko

[Uhm sege] sabi niya saka pinatay ang natawag.

Napa tulalang binaba ko nalang ang Phone ko.

"dapat nandun ako eh para alagaan siya" bulong ko at napa hilamos ng mukha.

KINABUKASAN agad kong tiwagan si papa dahil hindi ako naka tulog kakaisip sa kanya.

"Ohh pa" sabi ko pag ka rinig ko sa Boses niya

["Uhm, ka aga aga Haneul tumatawag ka"] sabi niya at halata sa Boses na bagong gising ito.

Mukhang Ok na nga Eto, nag susungit na eh.

"PROMISE"(BTS Series #5) PARK JIMINWhere stories live. Discover now