Epilogue

2K 39 7
                                    

Epilogue

“ZEKE, SA’N BA tayo pupunta at kailangan na may piring pa?” tanong niya dito habang nasa loob sila ng sasakyan at papunta sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. She is excited sa kung ano ma’n ang mangyayari kahit na gano’n. Feeling niya, today is really the day.

After all ng nangyari sa kanya, feeling niya okay na rin na bigyan niya na ng chance si Zeke for them to start again. Tinulungan talaga siya nito sa lahat though siya naman ang kumikilos pero maraming advices ang binigay nito sa kanya plus the support na binibigay nito. Gusto niya na lang na humanap ng perfect timing para maibigay ang yes niya kay Zeke. Kung p’wede nga lang, siya na mismo ang mag-alok dito na maging boyfriend niya lalo na ngayon na okay na ang lahat sa buhay niya.

“We will go to a place special to the both of us. No more questions, Mika.”

A place special? she asked herself. Napaisip tuloy siya kung saan sila p’wedeng pumunta pero wala pa din siyang maisip. Sa school nila noon? Sa restaurant kung saan sila muling nagkita? Hindi niya talaga alam.

Nang tumigil ang sasakyan, naramdaman niya ang pagkilos ni Zeke at ginabayan siya nito sa paglalakad papunta sa pupuntahan nila. When they stopped walking, tinanggal nito ang piring niya and she discovered herself in the same playground where she and Zeke used to play when they were kids. Talaga ngang dinala siya nito sa lugar na special para sa kanilang dalawa because that is where they first met. Nasa tapat rin siya ng sandbox na may nakapaligid na candles kung saan may nakasulat na “Will you be my girlfriend?” She cannot believe it. Ito na nga ‘yon!

“Yes, Zeke! Yes, I will be your girlfriend!” sigaw niya sabay talikod at yakap dito. Is this it? Ito na ba ‘yung happy ending ko? She cannot help to ask that to herself. Ang saya saya niya ngayon.

Nagtaka na lang siya nang lumuhod sa harap niya si Zeke at naglabas ito ng isang box at nang buksan iyon, mayroong singsing. Hindi niya tuloy alam kung paano magrereact.

“Mika, I know na ang bilis ng mga pangyayari for the both of us pero hindi naman na tayo mga bata to take our time and just enjoy what we have. We are actually on our marrying age and I think that I am ready for this. Well, I know you might not be ready lalo na at binigla kita but I am very willing to wait until you are ready so I wanted to ask you this... will you marry me and be with me forever?”

Bigla siyang umiwas ng tingin at tumungo. She is ready to give Zeke a chance to be her boyfriend pero ready na nga ba siya to take it to the next level na sa marrying stage na? She had achieved so much at ang gusto niya lang naman, happy ending but isn’t this too much for her? Too much na parang ayaw niya ng tanggapin dahil baka hindi pa meant to be? Sobrang bilis ng pangyayari at natatakot rin siya na baka mabilis din iyon matapos. Alam niya na marami na silang pinagdaanan ni Zeke pero is that enough? Naguguluhan siya.

“Zeke, walang forever,” ‘yon lang ang tanging nasagot niya sa dami ng inaalala niya dahil sa biglaang proposal nito. May halong doubts ang sagot niya na ‘yon.

“No, Mika. Mayroong forever. Mayroong forever if we will work it out... if we will be together until our last breath. Hanggang nag-eexist tayo sa mundong ‘to, hanggang sa magkasama pa rin tayo at nagtutulungan until the very end, then that is forever to me. I really wanted to give you the happy ending that you want, Mika. I may not be the best but I am certain I can make you happy until the end.”

Hindi siya makasagot. Her heart is actually overflowing with happiness pero may takot at doubts pa rin siya... which is hindi naman talaga maiiwasan.

Nagtaka na lang siya nang tumayo si Zeke at tinago ang singsing.

“I don’t want to give you pressure. I’m sorry if I asked too soon and startled you. I should’ve waited for more months. Don’t worry, okay lang na hindi ka muna sumagot ngayon. Masaya na ako sa “yes” na ibinigay mo sa’kin kanina.”

Tinitigan niya si Zeke sa mga mata at kahit na alam niyang masaya ito, nakita niya sa mata nito ang lungkot dahil sa naging reaction niya.

“Give me the ring or isuot mo na lang sa’kin para mas maganda. Dali! No more questions!” utos niya dito na agad nitong sinunod sa takot na baka magbago ang isip nito.

Nang maisuot sa daliri niya ang singsing ay agad niya iyon na tinitigan. She is trying to hide a smile pero gusto niyang ngumiti. Talagang nahihiya lang siya na gawin ‘yon after what she did a few minutes ago.

“Infairness, it looks good on my finger. Bagay sa’kin. I just want to remind you na kapag binali mo ‘yang forever mo, isasampal ko sa’yo ang kamay na ‘to at sisiguraduhin ko na babakat ‘yung singsing na ‘to sa pisngi mo. Got it?” pananakot niya dito.

“So does that mean?” nag-aalangan na tanong ni Zeke.

“Yes, Zeke. It’s a yes!” sabi niya saka hinalikan ito. “Actually, I still have some doubts and I also worry about some things but I’m sure we will work it out like you said. I’ll just have to trust you until the end. I love you!”

“And you know, I love you more that you love me Mikaela.”

She can’t help but smile. Matapos siyang paglaruan ng tadhana, kay Zeke pa rin pala ang bagsak niya. Indeed, what’s meant to be will always find a way. This may not be the happiest moment of her life but it is indeed one of those moments she will never forget because that is the day she achieved her happy ever after.

The End.

Played by Fate (Game of Love side story)Where stories live. Discover now