Chapter 6: Time and Space

1.2K 33 2
                                    

Chapter 6: Time and Space

“WHAT AM I gonna do now?!” nagpapanic na tanong ni Mika.

She is currently at Jin’s pastry shop with Gab. Doon sila naglunch kung saan nagorder lang sila ng pasta na available din doon at habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila. It has been a while since she last talked to Gab ng ganoon. Ever since he got married, naging busy na din kasi ito not only on hiw work kung hindi pati din sa family life. Idagdag pa doon na nabuntis kaagad si Jin at ngayon, may baby na sila. Lalo tuloy itong naging busy.

“Ano ba ang gusto mong gawin?”

“I don’t know! Bakit ba kasi out of nowhere nagyayaya ‘tong si Zeke magtravel, eh. Tapos ano na naman ang sasabihin ni Marc? Na kaya ako humihingi ng bakasyon dahil doon? Ayoko nga na may masabi ‘yon. Ang sungit sungit na nga sa’kin tapos lalo lang akong susungitan no’n ‘pag nalaman niya.”

Gulong-gulo na si Mika. Kagaya kasi ng sinabi ni Zeke sa kanya na she should have fun at ito na ang bahala sa kanya kung paano ‘yon, nagyaya ito na magbakasyon naman sila para makapag-unwind siya. Gusto pa nga nito na sa ibang bansa sila pumunta.

“Gusto mo ba na tumuloy? Kung dahil lang sa guilt sa nagawa mo kay Marc ang dahilan mo para hindi tumuloy, hindi sapat ‘yon. I really think you should have fun since mukhang stressed ka lately dahil sa nangyayari sa’yo,”

“Kasi naman, eh. Pakiramdam ko ang sama sama ko kay Marc dahil sa nagawa ko sa kanya. I want to make up to him kahit in small and simple ways lang sana,”

“Do you know kung ano ang best thing that you can give him para makabawi? Closure, Mika. I know that you guys talked about breaking up pero wala pa kayong proper closure. ‘Yung tipong matatanggap niya na ang nangyari sa inyo at okay ka na din. But this is not the right time for you to do that. Hayaan mo muna siya na i-absorb ang lahat dahil kahit mukhang alam niya na ‘di mo naman talaga siya nagustuhan, umasa pa rin siya kaya hanggang ngayon, in denial siya sa nangyari. Mukha naman na kahit hindi niya sabihin sa’yo, gusto niya na balikan mo siya kahit same setup pa rin kayo.”

She let out a heavy sigh. Naisip niya na Gab is right. Siguro nga kailangan niya na bigyan ito ng maayos na closure kagaya ng ibinigay na closure nito sa kanya noon. Noon, nagmakaawa siya kay Gab na patawarin siya sa nagawa niya dito nang mabuking siya ng mga ito pero naibigay lang nito ang closure which is forgiveness noong araw lang ng kasal nito.

Now that she is looking back, napansin niya na kung ano siya kay Gab noon, ganoon rin si Marc sa kanya. One-sided love ang nangyari. Kung siya noon, minahal niya si Gab na ang mahal ay si Jin, si Marc naman ay minahal siya kahit na alam nito na nagmomove on siya kay Gab at puro trabaho at pagpapa-impress sa parents niya ang inaatupag niya.

“You’re right. I should give him a proper closure once were both ready. Thanks, Gab! I really don’t know what to do anymore since I cannot let Zeke know about this,”

“Why not? You used to tell him everything,”

“But the situation is different now. He told me he still love me. No, hindi talaga love, eh. Basta ang sabi niya maghihintay siya sa’kin. Long story, eh! But if you will really look through it, parang ang dating eh may gusto pa siya sa’kin until  and he wasn’t able to make his move on me since iba ang mahal ko. Well, that was before noong gusto pa kita. Pero nagconfess siya sa’kin lately lang. O.M.G! Ang dami kong kailangan i-kuwento sa’yo!”

“Sorry, nawala ako. May pamilya na, eh. But you know, I’m still here to be a friend. Best friend mo ako, ‘di ba? Lumapit ka lang anytime. Jin will understand so you don’t have anything to worry about,”

“Will she understand if dumadamoves na ako sa’yo?” she jokingly asked.

“Ikain mo na lang ‘yan, Mikaela. You know I love my wife so much.”

Played by Fate (Game of Love side story)Where stories live. Discover now