Chapter 5: Consequences

1.1K 30 0
                                    

Chapter 5: Consequences

NAGISING NA LANG si Mika dahil sa ingay mula sa pintuan ng kwarto niya. Asar na asar siya dahil bukod sa hangover mula sa dami ng ininom niya kinagabihan ay kulang pa siya sa tulog. Napahawak siya sa ulo niya at dahan dahan na umupo at naglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya at nang buksan iyon ay bumungad sa kanya ang substitute na manager niya habang wala pa si Marc para gawin ang trabaho nito.

“What is going on with you, Mika? Bakit ganyan ang itsura mo?!”

“Can you stop nagging?! Ang aga aga pa para dyan!” bwisit na bwisit na sinabi niya habang naglalakad pabalik sa kama niya at muling humiga at ipinikit ang mata. Gusto niya pa talagang matulog kahit ilang minuto lang.

Hinila siya nito pabalik para umupo sa kama. Nanatili lang siyang nakapikit.

“Do you know na na-miss mo ang isa sa schedule mo?! Kanina ka pa namin hinihintay at kinakatok pero hindi ka nagigising! You even smell alcohol! Ano ba ang gusto mo gawin sa buhay mo, ha?! Gusto mo talagang mapariwara at sayangin ang ilang taon mong pinaghirapan?!”

Tuluyan nang nabwisit si Mika kaya tumayo na siya.

“Wala kang pakialam sa buhay ko! Manager lang kita. No, let me rephrase that. Ikaw lang ang acting manager ko ngayon so don’t tell me what I should or shouldn’t do. Hindi ako aso na susunod lang sa lahat ng gusto mo!”

Hindi na napigilan ni Mika ang sarili. Gustong gusto niya na napapagalitan siya ng parents niya dahil kahit papano ay napapansin siya nito pero ayaw niya na pinapagalitan ng ibang tao.

“Do you even know what is happening to you? Ilang projects na ang tinurn down mo dahil sabi mo, you need to rest. Ilang projects na din ang hindi mo sinipot at kung pupuntahan mo man, late ka pa. What is happening to you, Mika? Look at you! Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon?”

Hinila siya ng manager papunta sa harap ng salamin. Gulo gulo ang buhok niya, bloated ang mukha at namumugto ang mga mata niya. Dahil iyon sa pag-uwi niya kagabi ay umiyak siya ng umiyak hanggang sa nakatulog siya at kumain pa siya ng kumain.

“Anong mali sa itsura ko?”

“May photoshoot ka mamayang gabi. Pupunta ka doon ng ganyan?”

“Why? Who told you na pupunta ako do’n? Cancel all my schedules today and have them re-scheduled. Kung ayaw nila, edi kumuha sila ng iba,” walang gana niyang sinabi.

“May problema ka ba? Palagi ka na lang ganyan. Ang sabi sa’kin ni Marc, hindi ka ganyan noon! All you are doing is work and you were never late sa schedules mo. Bakit simula ng nawala si Marc, ganyan ka na?”

“Edi pabalikin mo si Marc. Baka sakaling bumalik din ako sa dati. Do you know he treats me? Akala ko nakakasakal na si Marc noon but you are worse! Hindi niya ako pinapagalitan and he tries to understand me at binibigay niya ang gusto at kailangan ko pero ikaw? Oo, may problema ako ngayon. Bawal na ba ko dumaan sa ganon?! You know, what? You better leave! Gawin mo na lang ang sinabi ko at ‘wag ka na magpakita pa sa’kin. Get lost! I’m not going back to work hanggang hindi si Marc ang kasama ko, do you understand?” matigas na ulo na sinabi niya.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng manager niya at pumasok na lang siya sa CR sa kwarto niya at naghilamos. Tiningnan niyang muli ang sarili sa salamin at hindi niya nagustuhan ang nakita. What the hell? Mukha akong squid.

“What am I gonna do with this face now?”

Ginawa niya na ang kailangang gawin sa sarili at lumabas sa CR. Paglabas niya, hindi niya nagustuhan na nandoon pa din ang manager niya.

Played by Fate (Game of Love side story)Where stories live. Discover now