Napailing nalang ako bago naglakad palabas ng kanyang kwarto. Wow, another weirdo in the house.

Didiretso na sana ako sa main door ng madaanan ang malaking picture ni Jiji (lolo) na nakasabit sa wall. Ang sagwa ng mukha nya.

A smile crept on my face as an idea popped out of my head.


Third Person's POV

Alas otso na ng umaga at kakalabas lang ni Valen sa kanyang kwarto. Naabutan nyang nagkakape si Yuto habang nagbabasa ng newspaper. Nilagpasan nya ito at dumiretso ng kusina. Doon naman ay naabutan nya si Lav na nagluluto.

"Sawadee krap Phi (Good morning kuya in Thai)"

"Ayoko ng lumipat ng bahay." bati naman nito sa kanyang pinsan.

"Itlog you want? nagluluto ako" sabay ngiti nito

"Nasaan yung yaya?" tanong nito bago umupo sa counter

"Si ate Lia? hmm I guess tulog pa ata"

Napasmirk naman si Valen. "Ibang klase, ano ba sya dito? yaya o prinsesa?"

"Moana?" mabilis at wala sa sariling sagot ni Lav sa kanya

Saglit silang natahimik at.. "Bwahahahaha!" sabay nilang tawa

Sakto namang pumasok si Mr. Wu kaya agad naman syang binati ng dalawa.

"Magandang umaga din sa inyo." sabay ngiti nito bago tumabi kay Lav. "Ako ng tatapos ng niluluto mo. Doon na kayo sa sala at may pag-uusapan tayo."

"Ilang araw na ba tayong nag-uusap? hindi pa rin ba tapos Mr. Wu?" magkatagpong kilay na tanong ni Valen.

"Oo nga po. Hindi ba pwedeng magliwaliw naman tayo? ayoko pa naman sa mga seryosong pag-uusap. Nababangag lang ako ng husto eh." dugtong ng isa sa kanya.

"Wag na kayong makulit. Basta hintayin nyo nalang ako doon."


Lia's POV

Aray!

Hinay hinay kong kinapa ang bewang ko sa kaliwa. "Ang sakit naman"

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin ang sahig. Umupo ako at tumingin sa paligid.

Sa bangko nga pala ako natulog kagabi.

Hindi kasi ako makatulog sa napakalaking kama. Pakiramdam ko lalamunin ako nito pailalim sa sobrang lambot, eh sanay pa naman ako sa matitigas na higaan, buti nalang at nakita ko to sa dressing room kaya dito nalang ako natulog.

Kinuha ko ang mga librong ginawa kong unan saka naglakad pabalik sa bookshelf kung saan ko kinuha ang mga ito.

Nag-unat ako saka napaupo sa kama. Muli kong sinuri ang buong kwarto. Napakalaki nito para sa isang tulad ko. Hindi din ako sanay sa mga ganitong klaseng gamit. May napakalaking TV at computer saka kung ano ano pang nakalagay sa kwartong ito na wala naman ata akong balak galawin ang mga ito.

Saka isa pa, mas okay na yung pink na kwarto sana kahapon, bakit naging kulay grey? nagmumukha tuloy akong matandang dalaga nito. Pwede na sana yung kahapon.

Teka? mga gamit ko ba yun?

Tumayo ako at naglakad papunta sa katabi ng pintuan. "Mga gamit ko nga"

Sino kaya ang nagdala nito dito?

Matanong nga si---bigla akong naestatwa!

"Waaaah! late na ko ng gising!" sigaw ko saka mabilis na lumabas ng kwarto. Napahinto ako ng makita ang magpipinsan sa sala pati na rin si Mr. Wu sa harap nila.

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now