Nakatanaw sila ng munting liwanag sa dulo. Malapit na sila.

Itinulak ni Thres ang net na gawa sa alambre.

"Isang basement ba 'to?" tanong ni Gabriella nang makalabas sila sa butas ng pader.

"Siguro..." sabi ni Stein.

Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng basement. Kataka-takang walang bahid ng anumang alikabok ang mga gamit. May swivel chair, at ang kama, parang may humiga roon. Ang basement na ito, parang tinitirhan ng kung sino...

"W-what if ito ang kuta ni Kamatayan-wannabe?" namimilog ang mga matang saad ni Stein.

Nagkatinginan sila. Humigpit ang hawak sa mga weapon na hawak.

"Tara. Kailangan nating umalis dito," naaalarmang wika ni Thres.

Nakakita sila ng steel ladder kaya't nagtakbuhan sila roon.

"Waaaaaa!! Nandito siya!!" sigaw nila nang makita sa may taas ang pigurang nakasuot ng maskarang bungo. Muntikan ng mataman sa braso si Thres ng karit nito.

Nang lumingon siya ay nakita niyang nakababa na mula sa steeo ladder si Kamatayan-wannabe.

Binato ni Darru sa direksyon nito ang swivel chair. Pumasok ulit sila sa butas ng pader, nangunguna si Thres. Muli silang gumapang.

Halos nangangalay na ang kanilang mga braso. Nagkagasgas na rin ang tuhod ni Gabriella dahil nakashorts lamang ito. Sobrang sakit din sa likod at sa batok ang paggapang.

Muli silang lumusot sa butas sa sahig ng kwartong pinagtaguan nila.

Nagimbal sila sa nakita. Gaya ng inaasahan, wala ng ulo si Katkat. Bago pa man magwala si Darru ay agad nila itong hinawakan sa magkabilang braso at hinila palayo. 

Nakita nilang wala na ang sementong nakatakip sa pintuan. Mukhang doon dumaan ang salarin. Agad silang nagsitakbuhan palabas.

Takbo lang sila ng takbo, tanging ang kanilang mabibigat na hininga at mga yapak ang kanilang naririnig. Kahit papaano, panatag siya dahil may mga kasama siya.

Napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang lupong ng mga infected na nakatalikod mula sa kanila. Naghanap sila ng ibang madadaanan, pero wala, puro mga dead end na.

"Lalabanan natin ang mga 'yan," saad ni Thres at inayos ang pagkakahawak sa butcher's knife.

"Guys, sa dibdib niyo tamaan, o kaya naman sa ulo, pugutin natin ang mga ulo nila," sabi ni Stein.

Tumango sila sa isa't-isa at sinugod ang mga infected.

"Mamatay kayo!" sigaw ng sigaw si Darru. Pinag-iitak nito ang mga infected. Ang mga nabubulok na laman nito ay tumatalsik sa kaniya, pero wala lang 'yon sa kaniya. Iwinawasiwas niya ang kaniyang hawak na itak. Marami ang kaniyang napugutan.

"Mag-ingat kayo! Huwag kayong papakagat kung ayaw niyong maging pangit kagaya nila!" paalala ni Stein na nananaksak ng mga infected. Hindi ito pumapalya sa pagtama sa dibdib ng bawat zombie. Napangiwi siya nang masaksak niya ang isang matandang halos agnas na ang katawan.

"Urgh! Bwisit, bwisit!" halos hindi na maipinta ang mukha ni Thres. Sinuntok niya kasi ang isang infected, naagnas na ito kaya naman ang kamao niya ay bumaon sa mukha nito. Nang hugutin niya, diring-diri siya.

"Whooo. Ayos." Nag-stretch-stretch si Stein ng kaniyang braso.

"Okay lang ba kayo? Wala bang nakagat?" nag-aalalang tanong ni Gabriella.

Pare-pareho silang umiling. Humihingal sila, pero sa kabila ng pagod ay sinikap pa rin nilang tumakbo.

Tumatakbo sila sa isang masikip na eskinita. Magkakasunod-sunod sila. Pinapakiramdaman nila ang paligid.

Sumigaw bigla si Thres at nahinto nang may makasalubong sila. Agad itong initak ni Darru.

"Aaaaahhghh! Tanginaaaa!! Zombieng nang-iitak?! Putangina, Aray ko!!"

"Robust, dito ka sa likod ko bilis!" biglang sumigaw ang isa pang lalaki at hinataw ang kamay ni Darru dahilan para mabitiwan nito ang itak na hawak. Sunod nitong hinampas si Thres nang akmang susugod ito.

"Tama na 'yan! Tama na! Huwag kayong magpatayan!" sigaw ni Stein. Agad niyang hinila si Darru na nakikipagbuno sa lalaki.

Napatanga siya. Iyon 'yung lalaking humampas sa kaniya ng baseball bat. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Issuewella ang pamamaga ng kaniyang pisngi lalo pa't kagabi lamang ito nangyari at hindi pa siya talagang nagagamot.

"H-hindi kayo infected?" si Darru.

"Hindi! Bobo ka! Bobo! Nakita mo ba? Ha?! Hindi purong puti ang mga mata namin oh!" Nilapitan ni Atrium ang lalaking may sugat sa balikat dahil initak ni Darru. "Robust... Zafira, kaya mo ba siyang gamutin?"

Ang tatlo ay may kaniya-kaniyang backpack na para bang puno ng laman.

'Yung lalaking si Robust, mangiyak-ngiyak na. Tumutulo ang dugo mula sa balikat nito, lumalabas na rin ang buto at laman. Buti na lang at mababaw lang, hindi masyadong nasagad sa buto.

"S-sorry, pre, nataranta lang kasi ako," depensa ni Darru 'saka pinulot ang itak.

"Pasensya na," segunda ni Thres.

Coughtivated (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING)Where stories live. Discover now