Chapter 40

26 2 0
                                    

"Endrich, anak?"napalingon ako kay Mommy na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.. Itinaas ko ang mga kilay bilang tugon.."Baba ka, may pag-uusapan tayo nila lolo mo.."

Napabuntong-hininga ako at napasapo ang noo ko dahil doon.. Alam kong mahalaga ang pag-uusapan namin. Sa dating palang sa tono ng boses ni Mommy, alam ko ng may ia-annonuce si Lolo sa pamilya.. 

I went downstairs and there I went straight to the family meeting room. As I expected, our whole family was there except for my younger siblings..

"There you are, my prince!"tuwang-tuwa na bati ni Lolo na nginitian ko lang saka ako dumeretso ng upo sa gitna ni Daddy at Mommy.. "Since, kumpleto na tayong lahat.. Hindi ko na patatagalin pa ito.."

Napatingin ako sa paligid at seryoso lang silang inaabangan si Lolo na magsalita na ginawa ko na lang din. Kung hindi ko kasi seseryosohin itong meeting namin, baka hindi ko maintindihan ang sasabihin ni Lolo..

"Apo.."ngiting lingon sa'kin ni Lolo na ikinabigla ko pero agad ko iyong binawi at ngumiti kay Lolo."You are a graduated engineer and you are old enough to fulfill this grand pleasure.."

"Grand pleasure? What do you mean, Lo?"

Tumingin si Lolo sa mga kamag-anak ko at nakangiting galak na tumitig sa'kin..

"I want you to marry my friend's granddaughter.. The only woman of the Silva family."ngiting sabi ni Lolo na ikinapalakpak ng mga kamag-anak ko. Ultimong sila Mommy at Daddy ay tuwang-tuwa na pumalakpak na hindi ko nagustuhan.. Binigyan ko ng hindi makapaniwalang tingin si Lolo na nginitian lang ulit ako at pumalakpak..

Napabuntong-hininga ako at inis na tumayo at umalis doon.. Nakakabastos man ngunit mas iintindihin ko ang sarili ko kesa sa gusto ni Lolo. Buong-buhay ko, siya ang sinunod ko dahil siya ang namumuno sa pamilya namin pero ngayon na may iba akong babaeng gusto, hindi na ako makakapayag na kontrolin ako ni Lolo..

Noon palang, sinabi na sa'kin ni Lolo na may pakakasalan ako at iyon ang apo ng kaibigan niya.. Hindi ko iyon gusto dahil hindi ko pa nakikilala ang apo na sinasabi ni Lolo tapos pakakasalan ko? Kahibangan iyon.




"Lolo! Hindi pwede iyon!"agad kong angal kay Lolo..

"Anong hindi pwede? You are a prince and that lady is a princess.. Siya ang dapat mong pakasalan dahil 'yon ang nakakabuti sa iyo.."

"Nakakabuti sa'kin? Iyon lang ang ikatutuwa mo dahil apo iyon ng matalik mong kaibigan pero paano naman ang sarili kong kasiyahan? Ibubuwis ko nanaman ba iyon para sa inyo?"

Napasapo ni Lolo ang noo at napabuntong-hininga.. Tumingin ako kay Daddy na nananahimik lang at hindi man lang nakikielam sa amin ni Lolo. "Dad? Ipagtanggol mo naman ako kay Lolo kahit ngayon lang.."parang nagmamakaawa na sabi ko pero umiwas siya ng tingin sa'kin.."Kahit ngayon naman, mahgpaka-ama ka naman para sa panganay mo."

Kahit sinabi ko iyon ay parang hindi niya iyon narinig at pumasok sa kwarto nila ni Mommy.. Alam ko naman na wala siyang magagawa kung si Lolo na ang nagsalita pero sana man lang ipinagtanggol niya ako at sabihin kay Lolo na deserve ko naman na maging makasarili kahit ngayon lang..

"Tapos na itong usapan na ito, Endrich.. Tigilan mo na ako."agad na sabi ni Lolo at pumasok din sa kwarto niya..

Inis akong bumato ng pigurin na nakapatong sa lamesa at inis na sinipa ang sofa namin saka ako lumabas para magpahangin.. Habang nagpapahangin ay napatingin ako sa labas nang makakita ng mamahaling kotse doon. 

Agad binuksan ng mga maids at securities ang gate at pinapasok iyon. Napatayo ako at napakunot ang noo at inabangan kung sino ang lalabas sa kotse na iyon.. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan nang makita ang isang lalaki na hindi malalayo ang edad kay Lolo.. 

Entering The Wrong DoorWhere stories live. Discover now